Nosebleed

49 2 0
                                    

Nasa room ako ngayon. Wala eh, masipag eh. Oo nakaupo ako sa upuan. Katabi nung socket. Takte kasi lowbat na ko. Eh wala naman kaming prof, kaya gorabells na ko sa pagchacharge. Kala nyo masipag talaga ko nun? Hehehehe ganun talaga eh. Teka kilala nyo na ba ko? Syempre, di pa. Mamaya makikialala nyo rin ako. Wag kayo mag-alala. Hahahaha. Nakasubsob lang ako dito sa gilid. Magbubukas na sana ko ng RP account ko kaso may tumawag saken eh. Hinayupak naman. Istorbo.

"Gaile peram phone." Sabi nung isa kong kaklase si Andy with malanding boses pa.

"Ah, bakit ?"

"Ahh.. Paselfie ! Tapos send mo nalang saken mamaya sa fb ahh.."

"Sorry lowbat pa kase eh."

"Ay weh? Ilang percent na ? Dalii isa lang..."

"Pwede magcharge muna yung may-ari? Di pa nga to nagagamit ng may-ari kasi kanina pa kayo nakikiselfie eh. Ano camera ba to ng klase ?" Sabi ko naman sa kanya. Nakakairita na kase eh.

"EDI WOW!" Sigaw nya saken tapos umalis. Sya pa may gana magalit, eh halos muka na nga nya andito sa phone ko eh. Leche. Yung mga kasama naman nya ayan na nagpaparinig na naman. Yun yung nakakainis eh. Hinihiran ka na nga lang sila pa galit. Like wow. Naglagay nalang ako ng headset at nakinig ng Kpop songs ko. Tapos naglog in na rin ako sa bago kong RP acct. Yung RP ko naman independent eh. Simpleng Kim Jongin lang yung pangalan. Hindi kabilang sa kung anong RP Clan. Basta independent. Yun na yun. Hahahaha.

Pagkaopen ko naman ng RP ko, wala pa namang bago kasi kagagawa ko lang. May isa rin akong message na natanggap. Mula dun sa nakahangul na pangalan na Kai RP din. Active sya.

Nakalagay sa message:

"hi" [ 11:23 pm ]

Nagreply naman ako kase syempre. New friend.

"Hello [/he smiles/]"

Tapos nagreply sya at natawa ko. Pfft. Hahahaha.

"😊"

Nag-iisip talaga ko kung rereplyan ko pa sya kasi parang ang boring nya eh. Kaso naseen ko na kaya nagreply nalang ulit ako.

"Hey twin. How's life?" Msg ko sa kanya ang kaso antagal nya magreply naseen na nga nya ko eh. Aba. Masakit yun! Tapos after mga ten minutes, nagreply sya. Kaso barol barol masyado.

"It's good. How's you ?"

Aba. Huts. Takte talaga. Lakas kasi mag english di naman ata kaya eh! Nagreply ulit ako.

"If you're a Filipino Rper. Can we just communicate using Tagalog?" At ayan na naman antagal magreply. Kaya nagbabad muna ko sa newsfeed ko. Nagpost din ako ng fan service syempre. Di pwedeng mawala yun. May mga nagpm naren saken kaya di masyadong boring. May nagpm pa saken na kung pwede OTP daw kami. Kaso di ako pumayag eh. Maarte kase ako. Gusto ko may sparks kami. OH YEAAH SPARKS! Tapos mga 20 minutes nagmsg ulit si Hangul boy.

"I don't speak tagalog, I'm Korean."

KOREAN.

KOREAN.

KOREAN.

KOREAN.

OMG MABUBULUNAN ATA KO NG LAWAY DITO EH! FEEL NA FEEL YUNG PAGRP KAY KAI !?!? HAHAHAHA TANGENA ! HAHAHAHA 😢 tama na nga tawa nakakarami na ko. Nagreply naman ako sa kanya syempre.

"Dude, I'm talking about your nationality, in real life." Yan yung sabi ko sa kanya. Magoout na sana ko ang kaso naging mabilis yung reply nya? Oo after 3 minutes nagreply sya. And that reply made me scream. Sa kilig.

"I'm Korean."
--------
[A/N] Make me inspired. Lol. Sorry sabaw. Hahahaha

RP [EXO Kai Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon