"Grabe talaga! Kinikilig pa rin ako ngayon!" malakas kong hiyaw at niyugyog pa ang balikat ni Yesha.
Kunot-noo niya akong tiningnan pero nakangiti naman siya, kinikilig rin siguro sa mga naikuwento ko sa kaniya.
"Kayo na ba?" sarkastikong tanong pa niya sa akin kaya naman inirapan ko na lang siya.
"Bitter!"
Inilingan niya lang ako at nagpatuloy sa pagse-cellphone kaya ganoon rin ang ginawa ko.
Parang hindi pa rin ako makapaniwala na napansin na ako ng crush ko! Kagabi lang kasi ay chinat niya ulit ako, at heto pa, tinawag pa niya akong babe! Parang hindi ko na maipaliwanag ang tuwa at kilig ko ngayon.
Maya-maya pa ay nagyaya si Yesha na magselfie kaya naman pinagbigyan ko siya.
Kahit na sabi niya kagabi sa akin ay hindi siya makakapag-online at hindi niya ako maichachat ngayon ay masaya pa rin naman ako. At least nagsasabi siya 'di ba.
"Hoy," tawag sa akin ni Yesha, napapatawa pa, "Nakakachat ko rin 'yon, e."
Medyo nabawasan ang ngiti ko dahil sa sinabi niya, pero pinanatili ko pa rin naman ang ngiti ko. "Talaga? Ano pinag-uusapan niyo?" tanong ko.
"Wala naman." sabi niya at tumawa ulit, "Tinatanong ko nga kung nililigawan ka, e. Ayaw pa umamin."
"Hindi niya naman talaga ako nililigawan." tumawa pa ako para hindi niya mahalatang apektado ako.
"Sabi ko pa nga sa kaniya, 'lagot ka sa akin 'pag sinaktan mo si Nica'."
"Anong sabi niya?" kuryoso kong tanong.
"Hindi ka naman daw niya sasaktan, e. Sabi ko, 'dapat lang'."
Hindi na ako nagtanong pa at hindi na rin naman siya nagkuwento. Pareho lang kaming nagcellphone bago ko siya niyaya sa bahay namin.
Masaya naman ako na ganoon ang mga pinagusapan nila, tungkol sa akin, sa amin ng crush ko. Though, medyo nababahala ako dahil mas maganda si Yesha kesa sa akin. Mas maraming manliligaw, at maraming humahanga sa kaniya kesa sa akin.
Hindi na rin malabong pati ang crush ko ay matipuhan rin siya, lalo pa ngayon'g napalapit na sila sa isa't isa. Alam kong masama ang mag-isip ng ganito sa mismong kaibigan ko, pero tinitingnan ko lang naman lahat ng possibilities.
Pagkatapos ng ilang minuto pang pagtambay ay umuwi na siya. Hindi ko na siya inihatid, wala rin kasi akong sasakyan. Isa pa, okay lang naman daw dahil pwede naman siyang mag-commute.
Kinagabihan, nag-online ulit ako. Sobrang excited talaga ako lalo na't sobrang sweet niyang makitungo sa akin. Pakiramdam ko'y kami na kahit wala naman talaga kaming label. Nag-a-i love you-han pa.
Biglang nagkaroon ng berdeng bilog sa ibabang parte ng profile picture niya, indicating that he was now online. Agad akong nag-send ng message sa kaniya.
Nica:
Hi, babe:)
Na-seen niya iyon'g message ko pero hindi agad siya nag-reply. Dahil nainip ako ay napagdesisyunan ko na lang mag-scroll sa FB. Ilang minuto rin ay nag-reply na siya.
Sean:
Uy
Iyon lang. Hindi na niya dinugtungan kaya ako na lang ang magbi-bring ng kahit anong topic.
Nica:
Kumain ka na?
Sean:
Oo, ikaw?
Nica:
Nakakain na po.
Sean:
Good girl.
YOU ARE READING
Ahogo
РазноеA compilation of flash fictions authored by me from year 2017 to present.