28th

42 3 0
                                    

Heart's pov:

"No, to be honest that moron actually----" Sagot ni Alecxa.

Pero agad naman nitong pinutol ang sinasabe at bigla nalang ngumiwi.

Nakakunot noong tinignan ko tuloy ang dayo ng mataman. Nang siguro ay naramdaman nitong nakatingin ako sakaniya ay muli itong nagsalita.

"Ahm w-what I'm really trying to say is that my dad is Sean's god father and I just accompanied him here. But then, I got lost that's why I'm not with him." Nag-aalinlangang sagot ni Alecxa saaken.


Tatanungin ko ulit sana siya ng makarinig ako ng sunod-sunod na busina na nagmumula sa likuran namen. Paglingon ko sa harapan ay nakita kong maluwag na pala ang daan kaya muli kong inistart ang sasakyan at nagsimula muling magdrive paalis sa daang iyon.

***

"Thanks for the ride Heart and sorry for the trouble." Pasasalamat ni Alecxa kay Heart ng tuluyan siyang makababa ng sasakyan.


Natatawang umiling lang ako sakaniya.

"Wala hong anuman Miss Alecxa. Ako nga po ang siyang dapat na humingi ng tawad sa pangaabalang ginawa ng kapatid ko sainyo kanina." Nakangiting sagot naman ni Heart dito.


Natatawang umiling-iling din ito saaken. Nang mapansin kong lagpas alas dose na ng tanghali ay nagpasya na akong magpaalam sakaniya. Gustuhin ko man na makipagchikahan sakaniya ng matagal ay hinde maari. Mababakas kasi sa mukha nito ang kapaguran mula sa mahabang biyahe kahit na lagi itong nakangiti at masigla ang boses. Iba parin siyempre kapag makakapagpahinga ito ng maayos-ayos ng sa ganoon ay makabawi ito ng tulog at bumalik ang lakas ng katawan nito.

"Miss Alecxa, maraming salamat po talaga sa pagsama kay Shellcea kanina. Sana ay mag-enjoyka sa pagstay mo dito sa lugar namen. Kung may kakailanganin po kayo saken o gusto ninyo pong maglibot-libot handa ko po kayong samahan kahit na saan pa iyon. Alam naman po ng pamilya Cruz ang contact no. Ko itext o tawagan ninyo nalang ho ako ano mamg oras na gustuhin ninyo." Ani Heart kay Alecxa.


"Sige-sige Heart. Tatandaan ko iyang tiyak, maraming salamat talaga sa paghatid saaken dito." Sagot naman ni Alecxa sakaniya.


"Wala ho iyong anuman Miss Alecxa, diretsyuhin ninyo nalang ho yung daang ito." Sabay turo ko sa kaliwang bahagi. "Tapos tutumbukin na ho niyon ang bahay nila Senorito Gideon." Dagdag ko pa.


Umusal naman ito ng pasasalamat saaken sabay abot ng attache' case niyang kanina pa nito bitbit.

"So, Miss Alecxa.. mapolu mi ngana nikaw." Ani Heart.


Nakangiting tumango lang ito saaken. At wala na akong sinayang na oras pa, muli kong binuhay ang makina ng sasakyan at nag u turn. Pero bago kami tuluyang umalis ay kumaway-kaway muna ako kay Miss Alecxa.

"Heart!! Mag-ingat kayo sa pag-uwi. Magkikita tayong muli sa mga susunod na araw, pangako yan!!" Narinig kong sigaw nito habang papalayo ang aming sasakyan.

Mula sa side mirror ay nakita kong nakatayo parin ito sa puwesto kung saan namen siya huling iniwan at patuloy parin itong kumakaway-kaway saamen. Nakangiting umiling-iling tuloy ako sa pinaggagawa nito at kahit hinde siya sigurado sa totoong dahilan nito kung bakit ito napadpad sa lugar nila ay ramdama naman niya sa sarili na mabait itong tao. Magaan agad ang loob niya sa babaeng iyon kahit na wala pa siyang alam na kahit na ano patungkol sa dalaga.

Scripted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon