32th

97 3 0
                                    

Dedicated to my sis Jiangskie thanks for supporting my crazy story  I owe you one :-* I hope that you'll gonna find your own prince charming real soon :)

Sean's pov:

Nang marinig ko ang sigaw na iyon ni Alecxa ay kaagad akong lumabas ng aming bahay para puntahan nga ito. Lalampa-lampa pa naman kasi iyong babaeng iyon baka mamaya niyan nadapa na ito at nasugatan o di kaya------

"Holy, shit!!" Agad na mura ko ng maalala kong naggagagala nga pala ang isa sa mga alaga namen kapag ganitong oras.

Tinahak ko yung short-cut na ang lalabasan ay ang lugar na madalas pagisteyan ng alagang iyon ni mommy. Paglabas ko nga ay siya namang pagtakbo ni Alecxa papunta naman sa direksyon ko. Nang makita niya ako ay huminto ito habang ako naman ay nagpatuloy sa aking paglalakad at nilagpasan siya ng tuluyan para makakuha ng magandang pwestong makakapangharang sa maalaking sawang iyon. Lumuhod pa ako ng kaunti ng makitang malapit na nga talaga ito sa aken.

Ssssssssssssssssssssssh

"Tiny, come here." Utos ko pa.

Ssssssssssssssssssssssh

Unti-unti nga itong lumapit sa aken at pumunta sa mga kamay kong nakababa na para bang naintindihan talaga nito ang gusto kong ipahiwatig. Nang makuha ko na ito ng tuluyan ay nilingon ko ang pwesto ni Alecxa. Nakita kong nakasalampak na ito sa lupa habang ang mukha nito ay nasa mga palad nito at base narin sa nakikita kong pag galaw-galaw ng mga braso nito ay alam kong nanginginig na nga ito sa sobra sigurong naramdamang takot ng makita ang alaga naming iyon kanina.

Umalis ako saglit at ibinalik sa sarili nitong hawla ang sawang nagpapagala-gala nga sa labas kanina. Pagbalik ko sa lugar na pinagkuhanan ko sa pet na iyon ng aking ina ay naroroon parin sa pwesto nito si Alecxa at kung ang dating kamay nito ay nasa mukha lang nito kanina ngayon ay nakayukyok na ito  ng tuluyan sa pagitan mga tuhod nito. Kung titignan mo ito ngayon ay parang hindi ito iyong amasonang babae na nalaging nakaangil kapag ako ang kausap o kasama.

"Tumayo ka na riyan, nagmumukha ka ng basang sisiw sa ayos mong iyan." Sabi ko pa sa kaniya.

Nanatili lang akong nasa likuran nito dahil nakabestida lang ito tapos ay ganoon pa ang ayos nito mamaya niyan ay isipin pa nitong pinagsasamantalahan ko siya o kung ano pa man hindi ba?

Pero lumipas na ang kalahating oras lahat-lahat ay hindi man lamang ito gumalaw mula sa kinauupuan nito. Hanggang sa makareceive ako ng text mula sa mga kabarkada ko ay hinde parin talaga ito nagpapatinag. Nang mapatingin ako sa wrist watch ko ay pasado alas onse na pala ng umaga.

"Woi Alecxa, tara na pumasok na ulit tayo ng bahay. Malapit ng mag lunch at paniguradong hinahanap ka na rin nila sa loob ngayon." Pag-aaya ko pa rito.

Nang siguro ay marealize nito na may punto nga naman talaga ako sa sinabi kong iyon ay tuluyan na nga itong tumayo pero nanatiling blanko ang expression sa mukha nito na parang tila ba wala ito sa sarili. Nilagpasan niya lamang ako na para bang wala ako sa lugar na iyon basta derederetsyo lang itong naglakad papalayo.

Habang ako naman ay nagpasiyang manatili na lamang sa likuran nito habang ang buong attensyon ko ay nasa taong naglalakad sa aking harapan. Hanggang sa makapasok kaming dalawa sa loob ng villa na walang sinuman ang nagsalita man lamang.

"Hey, brother dear! What happened to you guys out side?" Curious na tanong naman sa aken ni Ate ng madaanan ko ang kwarto nila.

"Tsismosa ka talaga kahit kailan, ate. Matulog ka na nga lang ulit." Inis na sagot ko naman sa kaniya.

At mula sa nakaopen na pintuan ng kwarto nila ay tuluyan na nga itong lumabas roon at saka lumapit sa aken para batukan ako ng mabilis.

"Aish! Nakakarami ka na ha?!" Singhal ko kay Mitch.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Scripted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon