2nd Part

4 2 0
                                    

Di ko mapigilan na ipikit ang aking mata habang tinutugtog ang kantang laging pinapa tugtog sakin ni Angelo noon, Spring day ng BTS. A korean song,  na kahit hindi ko maintindihan ang lyrics ay para bang nababagay ito sa nararamdaman ko. 
Mommy tought me how to play piano.  She's not the type na puro classical and old songs ang tinutugtog,  kadalasan ay Korean songs at English songs, habang si Angelo naman ay nawili sa Spring day.

Biglang humangin ng malakas na naging dahilan ng pag lipat ng page ng Music Pad. Nakakapag taka lang dahil buong akala ko ay naka sara ang bintana dito sa entertainment area. 

My gaze involuntarily went to the window.  The curtains were freely flowing with the wind. And for an unknown reason,  lumalakas ang kabog ng puso ko habang napapalapit ako sa bintana. 

      "  Ate,  may problema ba? "
Napa igtad ako at agad na napa harap kay lola. 

      " W-wala po, " I glanced at window, kumalma na ang hangin.  " A-ahm, bakit po? "

      " Yung meryenda mo,  inihanda ko na sa mini gazebo ng mommy mo. "
I nodded and smiled a bit. 

      " Sige po.  Mamaya po, di pa ako tapos.. Malapit na din naman po.  "
Di ko pa natutugtog yung favorite song ni mommy.  Gusto kong tugtugin yun. 

      " Oh sige.  May takip naman yun.  Punta ka na lang ha.  "
Hindi naka lampas sa paningin ko ang pag sulyap niya sa bintana. Naiiling siya na para bang may hindi siya maintindihan. 
Tuluyan na akong bumalik sa piano at nag simula na ulit tumugtog. Nang maramdamn ko na parang may naka titig sakin, pinapanood ako sa aking ginagawa, pero ayaw mag salita.  Must be lola, siguro na m miss na din niya tumugtog si mommy. 
Sa pag aakalang si lola nga yun ay nakangiti akong humarap sa likod, pero agad na napalitan ng blangkong expression nang hindi si lola ang nadatnan ko. 

      " Anak,  please---"
He tried to stop me by grabbing my elbow, which I harshly dodged.  Ayokong madikit sa kanya sa kahit na anong paraan.  Nadidiri na naiinis ako sa kanya.
At mabilis akong umalis nang walang lingon lingon.  Hindi ko pa din gusto ang ginawa niyang oag dedesisyon para sa buhay ko. 

Napapagod na sumalampak ako ng upo sa bench na naka attach sa Mini Gazebo.  Naka titig ako sa Music pad ni mommy.. Nagusot pala, maybe nung nag pumiglas ako sa hawak niya. I sighed and get up. Buti nasa malapit lang si lola..

       " La, kapag ba ginamitan ko ng plantsa yung papel mawawala ba ang gusot? "
Tumayo siya mula sa pag dudukal ng lupa.
 
       " Oo pero mahina lang para hindi masunog. "

      " salamat po.  "
Bumalik ako dala dala ang plantsa pero agad akong naka ramdam ng irita at pag tataka nang wala akong madatnan na pad dun. 

I trued looking around the gazebo pero wala. I tried behind the pots and shrubs pero wala pa din. 

     " lola nakita niyo ba yung hawak kong pad kanina?? "

    " Huh??  Hindi,  hindi naman ako umaalis pa dito sa pwesto ko eh.  "
I sighed.  Imposible namang humangin nang malakas at natangay yun.  Dahil base sa mga  dahon eh wala namang nag daan na hangin. Ni hindi nagalaw ang mga dahon atsaka tirik na tirik ang araw. 
My eyes wandered and locked outside. I bit my lip, imposible namang makarating dun yung pad dahil may bakal na naka bakod, saka wala namang hangin nga. But I still have to check.  Hindi yun pede basta basta mawala. 

I looked around, pero wala akong nakitang pad.  Papasok na sana ako ng mapansin ko ang isang lalaki na naka upo at nakasandal sa pader habang may parang binabasa. I tried to focus my sight at the thing he was holding dahil may pakiramdam ako na yun yung hinahanap ko.  Lumapit pa ako at kompirmado na yun nga. 

Ghost of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon