" Lily, yung baon mo! Susmaryeosep kang bata ka" narinig kong sabi ni Nanay." Nay, bakit po ba kayo sumisigaw? Ang sakit sa tenga" inis na sabi ko
" Araaaaaaaaay" daing ko habang hinihimas ang tenga. Bigla nya nalang pinitik iyon nang malakas. Huhu
" Yan ang totoong sakit sa tenga anak" natatawang sabi ni Nanay.
" Nay bakit po ba?" Parang iiyak na sagot ko
" Anong bakit Lily? Tumalon ka lang naman sa bintana. Ninja kana ba ngayon?" ani ni Nanay.
" Nay may pusa po kasing pumasok sa kwarto ko kung kaya't hinabol ko" pag rarason ko.
" Naku talagang bata ka, Humayo kana at mag aral ng mabuti" payo ni Nanay.
" Goodbye Momshie, mwaah mwaah tsup tsup" Natutuwang sabi ko. Muntik pa akong batuhin ni Nanay kung kaya't tumakbo na ako nang mabilis.
•••
Sa School
" C. Evans International School" malakas kong basa.
Kasalukuyang Senior High School na ako (Grade 12). So ayun dito na ako halos nag ka na kaisip( sana all may isip). Lahat na yata na experience ko sa school na ito. Ang ma bully, ma guidance, mag ditch ng class, at mag kamit ng medalya ( infareness hahaha).
" TAAAAAASSSSSSHHHHHHAAAAA"
Nabiyak ata eardrums ko dun ahh. Sampalin ko kaya to.
" Ano ba yun Denise, batukan kaya kita sisigaw ka sa tenga ko pa" reklamo ko.
" Na excite lang ako baka kasi may poging transferee" kinililig na sabi nya. "Wait lang may bago akong liptint oorder ka?" dagdag nya pa.
Transferee nanaman every year yan ganyan. Bahala nga sya. " Hindi. Ilagay mo lahat sa labi mo baka sakaling mapansin ka nila" inis na sabi ko.
" Napaka harsh mo, Tasha." kunwaring iiyak na sabi nya
" Tara na nga. Oo na bibili na isa lang. 2 gives yan ahh" tumatawang sabi ko.
" Yey! Mamaya pakita ko sayo yung shades"
Tss. Baliw talaga. By the way she's my bestfriend. Kahit naman ganyan yan sya parin lagi nandyan para sakin. Madaldal at maingay nga lang.
Nandito na kami sa loob ng room. At Dahil first day sa 2nd sem kilala na namin ang isa't - isa.
" Oy gurls, May bago akong shades ng liptint. Pili na kayo dali. Siguradong magugustuhan kayo ng crush nyo"
pambungad ni Denise." Patingin nga ako Denise" sagot naman ni Selena.
" Ako din!" excited na sabi ng iba.
At ayun nag kagulo na sila. Negosyante na yan? Baka dumating na si sir yari sya.
" Hi Tasha, kamusta bakasyon?" biglang sulpot ni Brix. Yung kaklase naming nerd.
" Okay lang naman, boring sa bahay lang eh." walang ganang sagot ko.
" Ganun ba, ako kasi maraming nabasang libro. Tapos marami akong napanood. Nag swimming din kami sa Beach ng mga pinsan ko. Ang saya grabe" masayang sabi nya.
" Di ko tinanong" sagot ko. Ano naman pakialam ko sa bakasyon nya? Di naman kami close no.
Ayun tumahimik nalang sya. Dumating na rin naman si Sir Valencia kaya malamang nakatutok na sya sa unahan. Edi ikaw na matalino.
YOU ARE READING
Get Rid My Demon
General FictionHow long do a Vengeance would be? What will happen when too much anger kills your dignity? Is love will stay the same? Let's found out.