Chapter 4

3 4 0
                                    


Lianne's POV

" Ma, saan lakad nyo?"

Heto ako kagigising ko lang. Weekend kaya tanghali na ako nagising wala namang nangyaring bago sa school noong nag daang araw. Buti nalang at di ko na nakita yung may sapak na lalaking yun. Baka mamaya ako nanaman mabalingan ng malas sa buhay nya. Abnong tunay.

" Sa palengke, sasama ka?" Sagot nya.

Ayoko sumama baka kung ano nanaman ipabili ko sa tabi tabi. Puro lang naman pagkain yun kaya hindi big deal kay mama. At mas naaalala ko lang si papa na lagi naming kasama noon mamalengke mas pabor sya sa pagbili ng mga gusto ko.

" Lily, wag nang mag isip ng kung ano" malumanay nyang sabi. "Bibilhan nalang kita ng fries 2kl" nakangising sabi nya.

Alam na alam ni mama takbo ng utak ko. Buti nalang may pang suhol sya hehe. Kaya isasantabi ko muna ang isipin ko.

" 3 na Ma hehe papuntahin ko dito si denden" hirit ko.

" Osya sige, alis na ako malinis ka dyan"

Agad na syang umalis kung kaya't kinuha ko ang cellphone ko ta tinawagan si Denise.

"Den den!" Sigaw ko ng sagutin nya ang tawag.

("Ang aga aga Lily ahh" )

" Punta ka dito sa bahay nood tayo movie. Oo ang sagot bawal hindi".
Hindi naman ako neto matiis. Kahit bigyan ko ng walang choice.

(" salamat sa choices, bruha ka")

" HAHAHAHA Sige hintayin kita" at pinutol ko na ang tawag.

Pakatapos ay naglinis na ako. Wala din naman akong gagawin kaya sinisipag ako ngayon. Ngayon lang naman.

Una kong nilinis ang kwarto ko. Mabilis lang akong nag linis hanggang sa may napulot akong litrato. Ako pala habang karga ni papa. Asan na kaya sya ngayon? Limang taon na din at ongoing pa din naman ang pag hahanap sa kanya dahil wala namang makitang bangkay matapos lumubog ang barkong sinasakyan nya. Hindi rin kami susuko ni mama kahit sabihin nilang malabo na. Hays napaluha na lamang ako. Sana maawa ang Diyos at madinig ang panalangin ko.

Nag focus nalang ako sa pag lilinis ng bahay upang mawaglit sa aking isipan ang bagay na yun.

" TASHAAAAAAAAAAAA"

Malamang si Denise na yan. Teka paos ba sya? Dali dali akong lumabas upang salubungin sya.

Nanlumo ako, hindi sya si Denise kaya pala iba ang  boses. Bakit nandito ang lalaking to? Ano nanamang kailangan nya baka awayin nanaman ako. May sapak pa naman.

" Anong ginagawa mo dito? At teka bakit mo alam pangalan ko? Pati bahay namin? Stalker ba kita?" Sunod sunod na tanong ko.

Aba malay ko naman dito sa abnong to. Mukhang kabute lagi baka kamag anak ni Denise.

" I am with your mom. She answered my questions about you already" sabi nya.

Questions about me? Teka bat ako nag eenglish. Bwesit tong lalaking to. Bakit nya naman kasama si mama? Ano bang sumapi sa lalaking to? Naka kain nang inihaw na siomai? O pritong kanin?

"Anak totoo kasama ko sya. Nakita nya ako sa palengke". Sabi ni Nanay na nasa loob na pala ng bahay di ko napansin yun ahh.

" Bakit nyo po sinama sya dito?"
Tanong ko naguguluhan talaga ako. Ano bang pakulo to?

" Lily" panunuway nya.

"Sorry ma" sabi ko.

Hindi na ako nag tanong pa di ko din alam paano sila nag ka kilala. At kung panong napa punta nya ang lalaking yan dito. Bahala na. Baka nag pa kilala lang pero paano nga ehh ni pangalan ko hindi nya alam. Alangan naman " Hello po anak nyo po ba yung tatanga tanga sa school?" Ohh diba malabo. Ay ewan.

Get Rid My DemonWhere stories live. Discover now