Sana ayos kalang
At sana ok kalang
Mga salitang di ko alam
Di ko alam ang pakiramdam
Napakahirap ipaliwanag
Na saaking puso't isip walang liwanag
Talaga nga bang ganito ang buhay
May saya at lumbay
Ang sarili'y di mawarian
Lungkot ang naghahari-harian
Sa tuwing sasapit ang gabi
Gabi'y punong-puno ng hikbi
Mga problema saakin lumamon na
Isipan ay waring sasabog na
Pano ko nga ba ito
Napakaraming tanong ang naririto
Mga tanong naakin nais na masagot
Sa mga panahon na ako'y nababagot
Sapagkat walang taong nais makinig
Sa aking mga kwentong nakakayanig
Gusto ko ng sumuko
Ngunit parang ako'y napapako
Na wari'y ba na dapat ako'y lumaban
Bumangon sa aking buhay na pinaglalaban
Salamat sayo at ako' y naririto
At patuloy na nangdidito
Balang araw magiging ok ka rin
Tagumpay makakamtan mo rin
Sana ok ka na
At Sana ayos ka na