Akala ko'y ikaw na
Na saakin itinadhana
Nang ating diyos na may lalang
Na ikaw ay para saakin lamang
Na ikaw at ako ay panghabang buhay
Magmamahalan ng wagas at tunay
Na walang sino man ang makakapaghiwalay
Sapagkat aking buong buhay ay aking iaalay
Sana ay ikaw din ay pagtingin saakin
Na handa akong ipaglaban upang iyong maangkin
Ngunit malabo yata itong mangyari
Sapagkat sayo'y may iba nang nagmamayari
Masakit man saakin itong tanggapin
Pero ika'y aking kakalimutan at ito'y aking gagawin
Na sana ito ay isang panaginip lamang
Upang ako'y magising sa isang kahibangan na aking pinapangarap lamang
Na akala ko'y ikaw na
Ngunit ito ay isang akala lang pala
Na hindi pala tayo ang itinadhana
Sapagkat kayong dalawa pala.