THIRTEEN

1.3K 56 9
                                    


KAVYN VINCE GOMEZ

Nilalantakan ko ang hawak kong isang gallon ng ice cream na nakuha ko sa refrigerator.

Nasa kusina ako ngayon dahil nakaramdam ako ng gutom, habang sumusubo ng ice cream ay sumandal sa island counter. And now that thing is mention.

Yukito allowed me to wonder around his mansion wag lang daw ako lalabas dahil siya mismo ang babaril sa akin. We already created a plan at kailangan ko lang ay sumunod sa kanya.

And here I am taking advantage of what he said. Yes, so I can be free.

It's already 11 in the midnight at nagising ako dahil sa gutom. Wala naman akong ibang nakitang pagkain na easy to eat na. Hindi naman ako marunong magluto, ang alam ko lang ay pagpiprito. Walang itlog sa ref ng hapon na 'to, dati ba siyang manok? Kahit hotdog ay wala.

Kaya ito sa ilalim ng malamig na gabi ay lumalantak ako ng malamig na pagkain.

Tiningnan ko ang gallon na hawak ko at konti na lang mauuubos na ang vanilla ice cream na 'to. Grabe ang takaw ko pala talaga.

Umalis ako sa pagkaka-sandal ko at ibinaba ang ice cream sa counter tapos ay muling pumunta sa harap ng ref, agad ko iyon binuksan at muling tumingin ng pagkain baka sakaling may hindi ako nahagip kanina.

"What are you doing?"

Napatalon ako sa gulat at muntik pang mahulog ang kutsarang nasa bibig ko ng may biglang nagsalita sa likuran ko.

I know that's him, that baritone voice na may galit sa mundo, of course kilala ko ang may-ari ng boses na iyon.

Dahan-dahan akong lumingon paharap sa kanya at nakita kong naka-kunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

Naamoy ko ang pabango niya nasabi ko na ba na sobrang bango niya? At gustong-gusto talaga ng ilong ko maamoy siya. Halata rin kauuwi niya lang from somewhere na wala naman akong pake kung saan. Totoo! Wala talaga akong pake.

Inalis ko ang kutsara sa bibig ko. At sinabayan ang pagkunot ng noo niya sa akin.

"Pake mo?" I rolled my eyes at muling humarap sa refrigerator pero napapiksi ako ng isara niya ang pinto ng ref at nanatiling nakatukod ang kamay niya duon.

"This is my fucking house Kavyn of course I care" Sagot niya.

Napairap ako sa ere at humarap ulit sa kanya, I was stunned ng marealize ko ang magkalapit namin mukha, the fact that he bend a little shocked me.

Napalumunok ako bago sumagot "Nagugutom ako!"

Pareklamo kong sabi at aalis na sana ng itukod niya din ang isa pang kamay sa isang gilid ko. And now I am really trapped by him.

Nakakainis bakit ba tila nag-iba ang epekto ng lalaking 'to sakin? Hindi ko mapaliwanag at mas nakakaramdam ako ng inis dahil dun.

"At sa tingin mo mabubusog ka ng ice cream lang?" Sarkastiko niyang tanong.

Napatingin ako sa suot niya, it's a longsleeve white polo pero nakatupi iyon hanggang sa siko niya, tatlo ang hindi naka-botones kaya pahapyaw na kumakaway ang matitipuno niyang dibdib.

OH GHAD KAVYN WHAT THE FUCK IS HAPPENING TO YOU!

Tumikhim ako at umirap ulit.

Ano bang problema nito? Hindi ko naman siya inaano! Nananahimik lang ako diba?

"Yun lang ang nakita ko! Ramen lang kaya kong lutuin at prito! Tabi nga! ang epal mo talaga kahit kailan" Inirapan ko siya at itinulak.

Pero hinawakan niya ang kamay na ginamit ko sa pagtulak at hinila niya ako.

BIHAG [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon