FOURTEEN

1.1K 50 5
                                    

THIRD PERSON POV

ITINIGIL ni Yukito ang sasakyan sa tapat ng apartment ni Kavyn. He glance at him na halatang tuwang-tuwa na makauwi ulit.

"I have my men with you Kav, don't try to run away from me" Sabi niya dito na tila naman hindi siya pinapakinggan.

"Hoy Gomez nakikinig ka ba?" Iritado niyang hinawakan ang baba nito at ipinihit papunta sa direksyon niya.

Seryoso niya itong tiningnan sa mukha.

"Don't try to escape, you know what I can do Kav" He said before letting his chin go.

Bumaba siya sa kotse at hinintay na makababa si Kavyn, at nang makababa na ito ay agad niya itong nilapitan at hinapit sa bewang.

Ang isang kamay naman niya ay nasa leeg nito.

Hinahaplos niya ng malumanay ang leeg nito kaya naman nakatanggap siya ng isang suntok sa dibdib.

"Ano ba!" Reklamo nito sa kanya.

"I put a tracking device on you honey so again. I'm telling you, don't you dare" Sabi niya bago lumayo.

"Oo na nga paulit-ulit" Inirapan siya nito.

Hindi na niya iyon pinansin at kinuha na lang ang atensyon ng mga kasama nilang tauhan niya.

Pinaalalahanan niya ang mga 'to sa kung anong gagawin nila bago siya sumakay sa sasakyan.

Pero hindi niya pa nabubuhay ang makina ng kusang lumandas ang mga mata niya sa gawi ni Kavyn.

Naglalakad na ito papasok ng naturang apartment. Dalawang palapag ang building na iyon at ang inaakupa ni Kavyn ay nasa 1st floor, huling pinto mula sa kaliwa.

Nasa tapat na ito ng pintuan.

At hindi niya alam kung bakit niya naisipan na muling bumaba ng sasakyan. Nilakad niya papunta sa kung saan nakatayo si Kavyn at ng makalapit siya sa binata ay walang sabi-sabing pinaharap niya ito at siniil ang mga labi nito gamit ang kanya.

He kiss him deep and passionate. Nang ihiwalay niya ang labi niya ay umawang pa ang labi nito at tila hinahabol pa ang labi niya. He chuckled.

So damn cute.

"Answer my calls"

Bulong niya rito bago niya binuksan ang pinto ng apartment at pinapasok na ito.




KAVYN shake his head, trying to forget what just happened earlier. Dahil gulong-gulo na siya sa ipinapakita ni Yukito sa kanya.

Magsusungit ito tapos ay bigla-bigla na lang ilalapat ang mga labi nito sa kanya.

Baliw talaga ang mokong may malakas na sapak sa utak kaya pati siya ay nahahawaan na.

Iniisip niyang may kahulugan ang mga kilos na ipinapakita nito sa kanya. Katulad noong nakaraan' gabi na ipinagluto siya, hinalikan at...

"Arghh!"

Dapat ay hindi na niya iniintindi pa ito.

Sa pagwaglit ng bagay na iyon sa isipan niya ay sumabay ang pakiramdam ng tiyan niyang humihingi na ng laman.

Nagugutom na siya.

Pumunta siya sa maliit na kusina ng apartment niya, balak niyang magluto na lang ng ramen sana nga lang ay may stock pa siya nito.

Pagkarating niya sa kusina ay natigilan siya ng makitang may tatlong supot na nakalagay sa lamesa na nandoon.

Nilapitan niya ito at chineck. Pagkain ang laman.

BIHAG [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon