Sabi nila kung ano daw ang nasa puso mo sundin mo.
Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat mong sundin ang prisipyong ito.
Isa lang ang buhay naten. Ang bawat pangyayare ay isang beses lang maaaring mangyari sa atin. Walang replay, stop, o pause laging play play play. Ang tanging magagawa mo lang ay ang matuto at magkaroon ng tamang taktika sa bawat sitwasyon sa buhay mo.
Ano nga ba ang tamang gawin kung naipit ka sa sitwasyong kailangan mong mamili? Sitwasyon sa pagitan ng date mong mahal at ng taong napapamahal na sayo?
Paano kung huli na ang lahat ng marealize mong dapat mong piliin ang taong napapamahal na sayo?
Maswerte ang mga taong nabibigyan ng second chance ng mga taong minamahal nila. Pero tandaan mo hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng gantong pagkakataon. Kaya gamitin mo sa tama ang bawat pagkakataong binigay sayo. Dahil pag ang tiwala ay nawala at ang puso ng taong sinaktan mo ay nadala IKAW! IKAW! ang kawawa. Ikaw ang nawalan. Ikaw ang luhaan. Tandaan mo lahat ng pagsisisi ay nasa huli. Paganahin mo ng patas ang pusot isip mo. Wag mo ng hintayin pang masabi mo ang mga katagang "NAPAKATANGA KO PALA AT SINAYANG KITA".
BINABASA MO ANG
step forward
Short Storymoving on. two words eight letters three syllables. oo yan lang bumubuo sa salitang moving on pero bakit nga ba ang hiram nitong intindihin at gawin?