... ONE
Nakatingin lang ako sa likod nya habang naglalakad sya papalayo sa akin.
Ilan taon naba sya ngayon? About 20 or 21? samantalang ako 16 palang. ilang taon ba ang age gap namin? 4 or 5 years?
Argh!!
Naglalakad na sya papalayo sa akin ngayon. papunta sa mga bata dito sa orphanage. hindi ba nya ko nakilala? bakit?? ganoon ba kalaki ang pinagbago ko?
"sandy?"
nabalik ako sa katinuan ng tinawag ako ni Elisa. Alam nito ang pinag daanan ko dito sa bahay ampunan. Pero kahit ganon hindi ito naging hadlang upang magbago ang tingin nito sa akin bilang naka-babata nitong kapatid.
"t-tara na" yaya ko rito.
binitbit na ng mga classmate namin yung mga dala naming pagkain, susunod na sana ako sa kanila ng may kumulbit sa likod ko.
"ate sandy!!!!" si alice.
nine years old na ito. bago ako umalis dito sa bahay ampunan ay kararating pa lamang nya dito noon. Dati itong pulubi bago sya makita ng mga madre at dinala dito,ng dumating ito dati dito ay hindi mapag kakailang mailap ito sa ibang mga bata. marahil tingin nya sa kanyang sarili ay hindi sya nararapat sa orphanage na ito. mabuti na lamang at natutunan nyang pagkatiwalaan ang ibang mga bata at kasama na ako doon.
"kamusta kana alice? wala pabang balak umampon sa iyo?" tanong ko rito may maganda at maamo itong mukha. kulay brown ang buhok at may magagandang mga mata. simpleng mukha. at mabait din ito. kung kaya tyak na kahit na sinong umampon sa kanya ay tyak kong makakasundo nya.
"ayoko po ate eh. Gusto kong makalakihan ang bahay na ito para pagdating ng araw isa na ako sa mga tutulong dito" masayang tugon nito sa akin.
"Sandy patulong naman oh!! Alice saglit lang ha??" tawag sa akin ni elisa.
"Ate Sandy! Ah wa-wala sige!!" pagpapa-alam sa akin ni Alice.
Ng matapos na naming ayusin ang mga dala namin. Ay tinawag na namin ang mga bata upang kumain na ng kanilang miryenda. lumibot libot muna ako sa paligid at muling binabalikan ang masasayang nakaraan ko sa dito.
Kusang huminto ang mga paa ko ng marating ko ang garden ng orphanage,
Sa hindi ko malamang dahilan.
ay tumulong muli ang aking mga luha.....
Ang makita ang taong mahal mo.
kayakap ang taong mahal nya.
ang pinaka masakit na sampal sa akin.
na kahit pala anong paghihintay ang gawin ko...
kahit ILANG BESES AKONG SUMULAT KAY SANTA.
Kahit kelan.
Hindi ito makakarating sa kanya.
Ang layo ba naman ng North Pole sa Pilipinas eh.
---- Part Two.
Matapos kong makita silang magkayap. Tumalikod nako papa-alis sa lugar nayun. Bakit ba kasi napadpad pako doon eh! >3< (_ _")
"Sandy!!! Saan kaba galing!!! Tara na magmiryenda kana din!!" -- Elisa. Etong babaeng toh kapag nagpupunta kami dito laging ganto. Gusto daw kasi nya kapag tutulo nadaw ang luha ko. Pupunasan daw nya agad. nun knwento ko sa kanya yung nangyari noon. Iyak talaga sya ng iyak kawawa daw ako haha!! naalala ko ilang beses pa nya ko binigyan ng number ng mga kakilala daw nyang lalaki. haha RETO kumbaga. :))
PEro kahit papano nawala ang sakit na nararamdaman ko noon.
Kelan bako umalis dito sa bahay ampunan??
12? oo tama twelve years old ako naampon ng mga kinikilala kong magulang ngayon. at masasabi kong mababait naman sila.
Yun nga lang lagi silang wala. kahit nagwowork sila pero pinaparamdam naman nila sa akin kung gaano nila ako kamahal at tinuturing nila akong sarili nilang anak na galing sa sarili nilang dugo. At laking pasasalamat ko kay LORD dahil doon.
"Tara na! Tapos naba silang kumain??" Ngumiti ako sa kanya at saka sumabay ng lakad.
.
.....
"Ate Sandy!! Yayo chayoooo!!" -- Andrew na bulol. 4 years old sya.
"No! Ate Shandy chayoo dyiba ang magyaya yayo??" -- Andrei. 4years old din sya. kambal sila.
nakuha sila sa labas ng ampunan sa mismong gate.
Sumunod nalang ako sa kanilang dalawa at pareho akong nakipag laro sa kanila.
pero bago nila ako mahila patungo sa loob.
nakita ko sya.
nakatingin sa direksyon namin.
na para bang may kung anu sa kanyang mga mata.
---------------------
:))
--
Japanese_Siomai.
![](https://img.wattpad.com/cover/3461879-288-k43345.jpg)
BINABASA MO ANG
Dear: Santa
FantascienzaI Feel in love with SANTA. -- A story of a 16 year old girl who believes in santa claus when she was 9 and accidentally fell in love with a guy.