Intro...

22 1 0
                                    

"Mama darating ba si Santa sa Xmas?" tanong ng isang bata sa kanyang ina. Marahil nasa pito oh anim na taon pa lamang ito.

"Darating si Santa baby ko at bibigyan ka nya ng regalo basta mag behave ka lang" sagot naman ng nanay nun bata sa anak nya.

*ting ting ting*

"****** station"

Bumaba na ako ng Train ng may mapait na ngiti sa aking mga labi.

Andito na naman ako.

Sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.

Kung saan ang paniniwala ko kay Santa ay NAWALA.

at Nag-iwan ng MATINDING sakit sa aking PUSO.

---------------

"Sandy!!!" Masayang tawag sa akin ni Elisa.

"Yow! Kanina pa kayo dito? Sorry I'm late" Hinging paumanhin ko sa kanila. Hindi lang kasi si Elisa ang andito. Narito rin ang iba pa namin mga Classmate.

Papunta na kami sa Orphanage. Taon taon before Christmas. Week before Christmas nagpupunta kami sa Orphanage na pupuntahan namin ngayon para bumisita sa mga batang wala ng pamilya. at mga batang hindi pa inaampon.

Dati...

Isa rin ako sa KANILA.

"Hello to earth Sandy? Ayus kalang?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Elisa.

Nga pala hindi pa ako nag-papa kilala..

Ako nga pala si Sandy Almiranez. 16 years old. Walang kahit anung espesyal sa buhay ko.

Ng makumpleto na ang lahat ay lumakad na kami papunta sa orphanage. Ramdam mo na ngayon ang malamig na simoy ng hangin dulot ng nalalapit na kapaskuhan.

Tulad ng Malamig na simoy ng hangin.

Ganoon din kalamig ang aking pakiramdam sa tuwing bumabalik sa akin ang mga ala-ala ng nakaraan.

*FB*

Seven Years Ago

"Sandy. I'm sorry. Pero masyado ka pang bata." Sabi nya sa akin matapos kong ipagtapat kung anu ang hiniling ko kay Santa sa darating na Pasko.

Sya ang nagturo sa akin maniwala kay Santa. Na may taong magmamahal sa akin matapos akong iwan ng aking mga magulang sa bahay ampunan.

"No! *sniff* mabilis naman *sniff* ang panahon eh. Tatanda din ako! Please *sniff* Wait for me ha?" Halos nagmamaka-awa na ako sa kanya at kulang nalang ay lumuhod pa ako sa harap nya.. Pero umiling lang eto at hinwakan ang magkabila kong balikat.

"Hindi Sandy! Hindi tayo bagay sa isa't-isa. Humiling ka nalang kay SANTA ng iba. KAsi ang PUSO ko. Pagmamay-ari nato ng iba"

 Matapos nyang sabihin yon ay umalis na sya. At hindi ko na sya muling nakita.

*end of FB*

Bumalik ako sa wisyo ng malaman kong eto na.

Nasa harap na naman ako ng orphanage nato.

Pakiramdam ko ay muling tutulo na naman ang mga luhang matagal ko ng tinatago.

bakit sa tuwing pupunta kami dito taon taon ay nakakaya kong itago lahat ng sakit. Ngunit bakit sa pagkakataong ito ay tila ba hindi na kaya ng katawan ko at nanginginig ang buong tuhod ko. Pakiramdam ko ay babagsak na lang ako bigla sa sahig at biglang hahagulgol ng iyak.

"Miss Ayos kalang ba?"

Mas lalong namlambot ang mga tuhod ko.

Sya yun.

Eto na sya.

Nasa harap ko na sya.

"k-kyle"Halos walang lakas kong tawag sa kanya sa isip ko pero hindi ko magawang ibuka ang mga bibig ko ng hawakan nya ko. Sya parin si KYLE ang lalaking minahal ko.

Mula sa mukha nya. labi, mata. ilong. walang nagbago kahit nag matured na sya. sya parin si kyle.

ang UNA at HULING

LALAKING MAMAHALIN KO,.

at ang UNA at HULING

LALAKING NAGPARAMDAM SA AKIN.

KUNG GAANO KASAKIT ANG MAGMAHAL.

UMASA AT MAWALAN NG PAG-ASA.

-----------------------------

Lol xD

Dear: SantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon