Chapter 1

5 0 0
                                    

I fell inlove with my boss

Chapter 1

Papasok ako sa kumpanyang aking aaplayan bilang isang officer, this is my first time to apply. Fresh graduate. Actually nag apply na kami sa ibang company dito sa aming lugar. halos lahat ng pwedeng apply-an ay fastfood chain ung iba groceries store. Pero lahat yun iisa ang sagot sa amin walang iba kundi "we will call you" at isa lang ibig sabihin nun reject kana, or maghahanap sila ng mas better sayo.

Anim kaming magbabarkada, lahat kami ay tapos ng computer literate. Napagkasunduan namin lahat na sabay sabay kami mag apply para sana ay sama-sama parin kami hanggang sa trabaho. Pero ganun yata talaga hindi pare-parehas ng tadhana, dahil tatlo sa kaibigan ko ay nakapasok na. Tinawagan na sila ng mga secretary at Mag start na sila on monday. Well aminado naman ako na hindi ako ganun kaganda. Saktuhan lang hindi din masabi na pangit at sa mga inaapplyan ng mga kaibigan ko ay looks talaga ang basihan.

Dalawa sa barkada ko na hindi pa din nakakahanap ay nag desisyon na sa manila na maghanap ng work dahil baka mas marami daw ang opportunity doon kesa sa probinsya. Hinihikayat nila ako pero sabi ko subukan ko muna dito baka sakali pagpalain edi hindi na ako malalayo sa family ko.

So eto na nga naglalakad padin ako papasok sa isang opisina. Kumatok ako hinintay na may sumagot bago ko binuksan
"Come in" sabi ng tao sa loob.

Pumasok na ako "Goodmorning po!" Medyo kinakabahan pa ako ng bumati sa kanila.

May dalawang babae akong naabutan sa loob at may mga hawak na paperworks. Tinignan nila ako mula ulo hanggag paa.

'Shit' sabi ko sa isip isip ko, kung makatingin naman tong mga to akala mo nakakita ng multo. Buti pala at maayos ayos ang suot ko. Literal na pang apply talaga

"Is there anything that I can help you miss?" Sabi Nung nakasalamin sabay ngiti. medyo cute sya at naging friendly tignan.. medyo nawala ung pagkatense ko kanina.

"Someone's says that this company is hiring, I would like to apply as an officer if there's a chance to get the job." Malumanay kong sinabi sa kanya.

"Yes we have a vacant position here and that is a   Officer as you can say." Sabi naman nung isang babae na may kantangkaran.
"I am jenny and I am the only one that assign from the incoming applicant." Sabi nya sabay lahad ng kamay. At nakipagkamay nga ako.

"And I'm Vanessa" sabi nung cute kanina.

"Yuri, I am Amber Yuri  Montealegre but you can call me yuri" friendly kong sagot at ngitian sila

"Hi Yuri. Sobrang pormal natin " sabay tawa ni jenny natawa din ako. Ayos pala to sabi ko sa isip ko medyo hindi ako mahihirapan makisama kase mga friendly sila.

"Akin na yung resumè mo at ipapaso ko sa manager natin. Parating na ang mga yun may pinuntahan lang sila saglit ng ating supervisor." Pagbibigay alam nila sakin. "Have a sit"

Umupo ako sa isang chair na vacant tabi ng isang table medyo nangawit ako sa paglalakad kanina dahil naka heels ako, hindi pa naman ako sanay magsusuot ng mga ganito.
Nagkaroon din ako ng time pag masdan ang loob ng office neat and beautiful, organize lahat napatingin ako kila jenny at vanessa mga busy na sila sa mga papel na hawak nila.

Ano kaya ang gagawin ko dito? Ganun din kaya sa ginagawa nila? Medyo madali lang pala. May computer sa mga gilid ng office so encoder din pala. Hindi ako mahihirapan dahil tungkol sa computer ang natapos ko.

Busy ako na mag observed sa paligid ng biglang bumukas yung pinto na pinasukan ko kanina. Napatayo ako bigla sa gulat

"Goodmorning Sir" sabi ni jenny at vanessa

Pero hindi sila tinignan nung bagong dating kundi sa akin. Tumaas ang isang kilay nya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Kung paano ako tinignan nung una nung dalawa kanina mas obvious ang ginawa ng isang to ngayon.
Para nya akong chinecheck kung papasa ba ako sa standards nya. Nakalong sleeve sya at nakatupi sa bandang siko. Na emphasized ang muscle nya sa braso. Maganda ang mata pero parang mapanlait kung tumingin. Parang di mo tatagalan makasama sa iisang kwarto. In short nakakatakot tignan.

"Ahm. Goodmorning po sir" hindi ko alam kung nasabi ko ba yan o hindi sa pagkailang ko sa ginagawa nya parang nawala ang boses ko.

"Ahh sir this is Yuri— Yuri Amber, new applicant" pay bibigay information ni Vanessa sakin.

"Goodmorning " buong buo ang boses nya parang kapag kumanta eh panigurado maganda ang boses nito.

Tumango ako pag bigay galang sa kanya medyo ruthless ng dating hindi manlang makangiti. Nakakatakot talaga. Parang gusto ko ng mag back-out sa pag aapply kung ganito mgiging boss mo.

Nilampasan nya ako at umupo sa pinaka gitnang upuan, so eto naba yung boss? Base sa ikinilos nya feeling ko sya na yung boss..

"This is her resume sir" sabay lapit at abot ni Vanessa ng resume ko sa kanya.

Tinignan naman nya saglit yung papel pero base sa klase ng pag tingin nya sa papel ko parang dinaanan lang mata duda ako kung binasa ba talaga o hindi.

"Are you willing to do anything  I say?" Sabi nya.

Woah, wait magiging utusan yata ako nito ah.
Teka kailangan kong malaman kung ano ang ibig nyang sabihin

"I beg your pardon sir?" Kunwari diko rinig pero ang totoo diko gets ang ibig nyang sabihin.

Tinignan nya ulit ako " I mean are you willing to work here?"

"Yes sir!" Sagot ko yun naman pala akala ko kung ano na. Medyo natatakot na ako at naiilang sa kanya. Parang may ipapagawa na diko magugustuhan.

Napatingin naman ako kila Jenny at Vanessa naghahagikhikan sila halatang pinipigil ang tawa. Binigyan ko sila ng "what's going on here?-look" mukhang gets naman nila at sabay pa sila umiling ng umiling.

Binalik ko tingin ko kay sir at kila jenny at vanessa din pala nakatingin. Okay. Nakakailang.

"Hmm girls please entertain Ms. Amber. I have something important to do." Sabi ni sir sabay dampot ng cellphone at umalis sa upuan

"Yes sir" sabay sabi ng dalawa
"Halika dito Yuri, wag mong intindihin si sir ganun talaga sya suplada pero mabait yan"

"Okay" mahina kong sabi, mabait daw nasaan banda kay yung mabait dun?! Shocks goodluck talaga sakin.

I fell in love with my bossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon