Chapter 2

2 0 0
                                    

Nandito kami sa cafeteria, dito inexplain sa akin kung anong work talaga ang gagawin ko, officer so encoder talaga ang main job ko dito. Sabagay ano nga naman ba ang gagawin ko eh ang inaapply-an kong company at publishing, yung nga lang hindi kami ang pinaka gumagawa ng books kami ang mga taga print ng mga new release stories. So dadaanan muna sa supervisors lahat ng stories bago nila ipa print out..

So ang style ng company na to ay hindi na nila pinapakawalan ang applicant, kapag may nag apply. Go accept agad. As long as ngustuhan ng applicant ung nature of work.
Medyo keri naman ang work pero sana hindi na kami magkita ng boss. Dahil hindi ko alam kung paano haharapin ang mga taong ganun.
Napaka seryoso rsa buhay. Pakiramdam ko dapat wala akong maling gagawin kundi malilintikan ako.

"So yuri na explain ko na sayo yung iba mo pang gagawin at kung ano ang work mo dito. Kapag may gusto kang itanong feel free to ask anytime" sabi ni Jenny.

Gusto ko sanang itanong kung anong pangalan ng sir kanina dahil sa sobrang ruthless pati pagpapakilala hindi na nagawa, ganun ba talaga yun o nagkataon lang?

Pero mas pinili ko na manahimik nalang muna parang hindi magandang itanong agad. Baka sabihin chismosa pa ako nito di pa man nag sisimula sa trabaho.

"Okay Jen, thank you anyway." Magalang kong sagot sa kanya. Habang hawak ung tea na inorder para sakin.

"Good. Since its Thursday today. You can start on Monday. Yung nature of work na explain ko na sayo pero yung rules and regulations ng company kabilin bilinan ni sir na sya ang mageexplain.. its sound weird dahil first time nangyari na sya ang mag iinterview, pero don't worry wala naman siguro gagawin sayo si sir na ikakasira ng company" assurances ni Jenny sa akin.

Shemay, first time nyang maginterview? Oh weird nga dahil si Jen ang nakaassign sa mga new applicant pero supervisor ang mag iinterview.

"Wait Jen, may I know his name?" Hindi ko na napigilang itanong sa kanya. Kanina pa kami naguusap pero nakakatakang hanggang ngayon di pa nya nababanggit ang pangalan.

"Ow that. Hmm his name is Mr. Franco Luis Montenegro. Medyo magkatunong ang surname nyo." Nangingiting sabi ni jen. "Bihira ko makita si sir ngumiti pero walang duda mabait yun. Kapag nakita nya na dedicated ka sa work ipopromote kana nya agad. Hindi sya madamot hindi katulad ng iba nating supervisor na gusto rin yatang ugatin ka bago iaalis sa posisyon na ito" naiiling na sabi nya

So bukod kay sir franco meron pa kaming mga supervisor na pakikisamahan? No worries I can surely handle it.

"Walang girlfriend yun si sir," naubo ako sa sinabi ni jen napatingin ako sa kanya I want to know kung seryoso ba sya dun sa sinabi nya o hindi. Tumawa nya ng malakas. Tinitigan ko sya na parang sinasabi ko na magseryoso ka 😅

"Sorry haha, but no jokes. Wala kaming nakikitang girlfriend ni sir may usap usapan nga na baka He's Gay" medyo bulong na yung boses nya sa part na Gay.

That makes sense kaya siguro kung makatingin akala mo aagawan ng Jowa.
Napatango tango pa ako sa nasa isip ko...

"Observe ka nalang haha" natatawa paring sabi ni Jenny

"Okay, ilang taon kana ba sa work na to?" Pag iiba ko ng usapan ayoko mahalata nya na interested ako kay sir Franco. Mahirap na

"3 years na first job ko din eto pero nakatagal ako ng ganito. Pinag exam n nga din ako for promotion need ko lang ipasa para malipat na"
Sabi ni jen habang inuubos ung drinks nya.

Every time na may mapopromote sa company need malipat ng lugar, para sa mga bagong magaapply naman ung position na maiiwan.
Kaya medyo maganda yung policy para nga naman,, bagong lugar bagong katrabaho. Atleast hindi ka maiinip kumbaga bagong ambiance

————-

So after namin mag usap ni Jen. Nagpaalam na ako sa kanya since sa Monday pa ang start ng work ko hindi ko na kailangan pang magtagal dun. Uuwi na muna ako para makapag pahinga muna meron pa akong 3 days para makapag isip isip kung igaGrab ko ba tong opportunity na to o sa iba nalang ako mag apply medyo kabado parin ako kay sir franco baka paginitan ako since bading sya baka isipin nya na aagawin ko mga jowa nya sa office..

Pero sayang naman kung bading nga talaga. Ang gwapo pa naman. Ganun naman yata talaga   Ang bagong generations ngayon kadalasan sa mga gwapo bading na. Swertehan nlng kung makahanap pa ng matino kase kahiti panget ngayon ay nagloloko. 😅

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I fell in love with my bossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon