* KABANATA APAT *

0 0 0
                                    


***

THIRD PERSON POV

Sumapit ang gabi, sarado na ang lahat ng bahay pati na rin sa kanila. Tulog na ang lahat, ngunit ang tanging gising ay ang apat.

Nang maghating gabi, lumabas sila ng bahay. Pinuntahan nila at inalam kung paano sila nagkaroon ng kapangyarihan.

Nasa gitna sila ng kagubatan nang may narinig na kumakaluskos aay lumapit si Melanie sa damong malalaki at malalago. Nanlaki ang mga mata ng nakakita ito ng tiktik na kumakain ng bata.

Nagkatinginan ang dalawa at susugaban sana si melanie nang gamitin nito ang kapangyarihan. Napuksa ang tiktik pero ang bata ay patay na.. Naawa sila sa bata. Habang pinaguumpukan ang nakakaawang bangkay ng bata, may dumampot kay Joey, isang manananggal. Pinagbabato ng bolang apoy ni jessie ngunit nakakailag ang mananangal gayun din ang dalawa.

Wala silang nagawa ngunit sadyang matalino at maparaan ang bata kung kaya't, inutusan ni Joey ang hangin na tangayin sila pababa at dun sya nakawala, ginamit nito ang hangin upang gapusin ang mananangal. Saka naman nilunod ni miko hanggang sa mapuksa ito.

"Ang dami nila!." ani jessie na nagmamasid.

Napalibutan sila ng mga aswang... Inangat ni Joey ang paa at biglang binagsak sa lupa hanggang sa lumikha ng alingawngaw na nakapagpuksa sa lahat ng mga aswang sa isang bagsak.

Nagpatuloy na ang apat sa paglalakad, ginamit ni jessie ang kapangyarihang apoy upang makita ang dinadaanan. Sa di kalayuan, nakita nila ang mga alitaptap. Hinabol nila ito hanggang sa makapunta sila sa isang liblib na lugar. Nawala ang mga alitaptap, isa lamang paen para sa kanila.

Sa isang madilin na bahagi, may tinig na lumabas...

"What a coincidence! Ang makita ang hinirang ng panahon! Bwahahahahaha ...."  saad ng isang babaeng tinig mula sa madilim na bahagi ng kagubatan.

Lumalapit ito ng lumalapit, kinakabahan na ang apat, nararamdaman nilang malakas rin ang kapangyarihan nito. Alerto at naghanda, tinapangan ang sarili. Lumabas ang mga kapangyarihan sa mga kamay. Biglang lumakas ang hangin, nagkaroon ng kulog, lumikha ng patalim si Melanie gawa sa yelo, lumkiha rin ng bolang apoy si jessie sa mga kamay. Ang apat ay handa na....

"Oops! teka lang! Unang-una sa lahat, ako si Astriya, at ito ang matagal ko nang pinapangarap!" Nasisiyahang sabi ni Astriya habang umikot ikot sa harap ng apat.

"...ang makita at patayin kayo!!! ...aargggghhh!!!!" Sigaw nito na agad na naging malaking lobong kulay itim malaki at susunggaban ang apat.

Nagsisigawan ang apat, Nang may lumitaw na liwanag at tila ginamit ang magical powers upang makatakas. Nasilaw si Astriya at napaatras.

Nakatakas sila... Pumasok sila sa isang magical portal at nakapunta sa bahay ng mga pixies.

...

Natapos ang liwanag katahimikan ang bumalot sa paligid.....

" Arrggghhhh!!! Hanapin ko kayo at patayin!!! "  Sigaw ni Astriya na gigil na gigil.

Nagsitakbuhan ang mga kampon ng kadiliman at hinanap ang mga hiniranggi ginalugad nila ang buong gubat ngunit wala ni bakas ng paa ng mga hinirang.

Bumalik sa Temple of Seasons si Astriya na galit.

...
Sa kabilang dako....

...

" Wow! Ang ganda! " namamanghang ani miko na patuloy sa pagtingin ng buong paligid.

Makikita ang kagandahan ng paligid at ng mga pixies, fairies na lumilipad-lipad.

" Nasaan tayo? " tanong ni jessie na tila may hinahanap.

" Nasa ligtas na lugar kayo! " wika ng dwende habang umiinom ng inumin.

" buhay ka! Totoo ka nga! totoo ang kwento ni lola!" Sabi ni joey na tuwang-tuwa.

"Wait,, si lola, naiwan sya dun! Sinarado nyo ba ang bahay ?" Tanong ni melanie.

" Ha!? ahhh... sorry!!! Naiwan ko yata na bukas..." nahihiyang wika ni miko na napakamot sa ulo.

"ANO!!!" Sabay-sabay  na sabi ng tatlo.

Bumalik na sana ang apat nang kontrolin ito ng dwende kung kaya't 'di sila nakaalis.

"Ano ba! Nandun pa Lola namin !" wika ni joey.

"Pupuntahan namin sya!" wika ni jessie.

"Kapag may nangyaring masama sa kanya, di ka namin mapapatawad!!'  Sumbat ni melanie.

Nagpatuloy pa rin sa pagkain ang dwende.  "Hindi ba!?.... tumingin kayo sa likod nyo!" wika ng dwende.

"LOLA!!!!" ang apat... Masayang, napaiyak nilang niyakap ang kanilang lola....

"Akala namin, pinatay kana rin nila!" wika ni jessie.

"Akala ko rin nga, e... buti na lang, niligtas ako ni Poppy." ani lola Pacita.

******

An updated now Paso birthday ko 🎉🎉🎉🎂🎂🎂 mag update ako..

Enjoy reading lhaysies...

THE LEGEND OF LIFE STONEWhere stories live. Discover now