S E V E N

27 2 0
                                    

S E V E N

*Andrea's POV*

Its been a week.

And we've been cold to each other. We didn't have the chance to hangout again. Or maybe even talk.

We just talk about business, not our lives. Sometimes I feel that I'm alone again. And that he's still leaving me. I don't expect things that easily. Too much expectation hurts.

Wala ng trabaho ngayon. Call-off na namin. But I'm planning on talking to Jayden. He needs space pero hindi ko na ata kaya.

One day nga lang, masasakal na ako. Eh one week na ang dumaan. Buti nga at nakayanan ko pa. Hindi pa ako nasanay ng wala siya sa tabi ko palagi.

Eh noon eh araw-araw naman siyang wala, palaging nasa malayo at hanggang tingin lang ako.

Tinawagan ko na siya na papuntahin siya dito at hinihintay ko na lang siya. After ilang minutes, bigla na lang may kumatok kaya pinapasok ko na siya.

Pumasok naman siya at mukhang nagaalala siya dahil sabi ko urgent ito.

"May I help you, Ms. Sistual?" Tanong niya. At since nakatakip yung mukha ko sa mga kamay ko ay dali-dali siyang lumapit sa akin. "Anong nangyari?"

Nagsimula na akong humagulgol. OA na kung OA pero I guess hindi pa ako sanay na hindi siya magtatagal sa tabi ko. Alam ko naman yun eh....tanggap ko naman. Na hindi kami ang para sa isa't-isa.

Pero sa 16 years na pagmamahal ko sa kaniya and still counting is still there. Hindi basta-basta mawawala. Ilang years ko din siyang pinangarap, hahayaan ko pa bang mawawala sa kin yun?

Hindi madaling magmove-on lalo na ng ilang years ko siyang minahal kaya pakonti-konti muna yung pagm-move on ko.

Akala ko nga naka-move on na ako sa kaniya pero nung nakita ko siya ulit, hindi pa pala. Ito pa rin, tumitibok pa rin yung puso ko kapag nakikita ko siya.

Ako na ata ang pinaka-tanga sa lahat ng tanga. Pero wag kayong mag-aalala, malapit na akong makaka-move on sa kaniya. Darating rin yung araw na hindi ko na siya mahal.

Bakit ko naman ipagsiksik ang sarili ko kung alam ko namang wala na akong lugar sa puso niya? Kahit kelan, wala naman talaga akong lugar sa puso niya eh. Kung hindi lang siya naging secretary ko, hindi pa niya ako mapapansin.

"May masakit po ba sa inyo, Ms. Sistual?" Tanong niya pa at hinawakan ang balikat ko. Tatawagan na niya sana ang security ng pinigilan ko siya.

"N-no, wag mo silang tawagan." Sabi ko kaya binitawan na niya ang telephone at pumunta sa akin. Hinihimas-himas pa niya ang balikat ko para mapagaan yung loob ko pero mas lalo lang akong maiiyak kapag ginagawa niya yun.

"May masakit po ba ulit sa inyo?" Tanong niya. Tinuro ko naman yung puso ko. Kaya nataranta siya. "Hindi po kayo makahinga?"

Gusto ko siyang sampalin dahil ang slow-slow niya ngayon. Kung close pa sana kami ngayon, kanina ko pa siya nasabunutan.

"H-hindi...yung puso ko lang. Masakit." Sbi ko stating the obvious. Pero halos masuntok ko na siya sa sinabi niya.

"May sakit po kayo sa puso?"

Tumayo na ako at hindi pa siya pinansin. Lumabas ako sa building at tumakbo pababa sa elevator. Pero naabutan niya ako at pinahinto ang elevator.

"Tell me, bakit masakit ang puso mo?" Medyo seryoso siya ngayon kaya tiningan ko siyang maigi.

"Yung taong mahal ko kasi, hindi na ako naaalala." Sagot ko kaya napaiwas siya ng tingin sa akin.

Okay, medyo OA na kami dito. Ito na nga eh...lumalayo na ako sa kaniya. Wag kayong mag-alala dahil last na 'to. Pagkatapos nito, di ko na siya guguluhin pa, kung siya na lang ang gagawin kong CEO para naman makawala ako dito sa lugar na 'to.

143: I Love You, Do You Love me? [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon