Chapter 4

914 48 0
                                    

"Boys, smile!"

Sigaw ng Mom ni Keith. Nilawakan ni Keith ang ngiti niya habang naka akbay kay na Axcel at Clark. Nasa beach na sila at kasalukuyang nag kukuhanan ng pictures. Gusto kasi ito ng mom ni Keith para raw sa memories.

Nang matapos ay agad na lumapit si Keith sa mom niya para tingnan ang mga nakuhang pictures. Una agad niyang napansin ang seryosong mukha ni Axcel kaya't napa iling siya.

"Ax! Tingnan mo itong mukha mo. Para kang may ka away eh." sambit ni Keith. Tiningnan lang siya ni Axcel at nag kibit balikat. Napa iling muli si Keith at binaling ang tingin kay Clark sa litrato. May maliit na ngiti sa labi nito habang naka peace sign.

"Ang gagwapo niyo" sambit ng Mom niya kaya't napatawa na lamang siya at ibinalik na ang camera.

"Basta ako mom, alam ko mana ako sa inyo ni Dad." sambit ni Keith dahilan para matawa ang ina.

"Of course" tawang sambit ng Mom niya.

"Punta na po ako sa kanila." tukoy ni Keith kay na Axcel. Tumango naman ito kaya tumakbo na si Keith palapit sa mga kaibigan na kasalukuyang nasa tubig.

Nang makalapit kay Axcel ay agad niyang tinalsikan ito ng buhangin sa katawan dahilan para mapatingin ito sa kanya. Nag peace sign naman siya at akmang tatakbo nang mahawakan ka agad siya ni Axcel sa pulsuhan. Napahinto si Keith, hindi niya alam kung bakit pero napatitig siya sa katawan ni Axcel na nasisinagan ng araw na may konti pang buhangin. Agad siyang napa iwas ng tingin.

"Are you okay?" agad na tanong sa kanya ni Axcel.

Napakurap ng ilang beses si Keith at tumikhim saka muling tumingin sa kaibigan. "Oo naman."

"Guys, the barbeque is ready. Let's go eat!" rinig nilang sigaw ni Clark. Agad na tinanggal ni Keith ang pag kakahawak sa kanya ni Axcel at umalis sa tubig. Alam naman niyang susunod na rin si Axcel.

"Eat up boys!" Hyper na sigaw ng ama ni Axcel. Napa iling nalang ang mga adult samantalang si Keith ay natawa na lang. Mag kaibang mag kaiba kasi ang ugali ng Axcel at ng dad niya.

Kukuha na sana ng paper plate si Keith nang nauna na siyang abutan ni Axcel.

"Thanks" tinanguan lamang siya ni Axcel at kumuha na ng barbeque.

Pag ka kuha ni Keith ay umupo na siya sa tabi ni Clark na kasalukuyan na ring kumakain. Habang kumakain ay pinapanood niya ang pag kuha ni Axcel ng pag kain. Na alala niya ang nangyari kanina. Bakit ba ganun na lamang ang titig niya sa katawan ni Axcel? Samantalang ilang beses na niya itong nakita simula noong mga bata pa sila. Napa iling na lamang siya at tumingin na sa plato niya.

"Clark, decided ka na ba sa Strand na kukuhanin mo?" tanong niya kay Clark habang ngumunguya.

"Don't talk when your mouth is full." sermon ni Axcel na kakadadating lang sa tabi nila. Umupo ito sa tabi ni Keith.

"Axcel's right." Segunda ni Clark.

Napanguso naman si Keith at nilunok muna ang kinakain. "Sorry na" Napailing na lang ang dalawa sa kanya.

"And yes, I'm already decided. I'll be taking STEM." sagot ni Clark sa tanong niya kanina.

"That's great." sambit ni Axcel.

"Kaso, mahihiwalay ka samin." sambit ni Keith. Axcel poke him on his forehead.

"Aray!" daing ni Keith at hinawakan ang noo niya.

"So what if Clark will be away from us? Will that change our friendship?" sambit ni Axcel. Napaisip naman si Keith at mabilis na umiling.

Si Clark ay naiiling na lang habang natatawa. "I'm going in the same university as you so it's fine."

My Bestfriend (Forbidden Love Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon