Life Is A Song (LIAS) Presents: Best Friend ♪

153 3 3
                                    

(A/N: Heyoooooo! Sequel po ito ng story kong "Panyo" so yeaaah. Basahin niyo po muna yun, before reading this! Nasa, "One Shots" ko po yun. Check niyo! Sa mga nakabasa na ng Panyo, well.. Here's a sequel for you. ENJOY!)

Comment.Vote.BeAFan

***

"Beeeeeest!" sigaw ng best friend kong si Ann. Sabay yakap naman niya sa akin. :">

"Oh? Bakit parang kinikilig ka na naman?" tanong ko.

"Kasi. Aaaaaaaaaaah!" sabay tili naman niya. -,-" 

"Aray! Ang sakit nun!" sabay bato ko sa kanya ng unan.

"Eeeh, kasi anoooo eh." tapos, nagtatalon siya sa kama. "Si Max kasi eh!" :">

Sabi na eh. Dahil na naman kay Max. -,-" Yung asungot niyang boyfriend. 

Hinila ko siya pababa ng kama. "Bumaba ka nga. Baka mahulog ka pa eh." -,-" Bumaba siya, tas tumabi siya sa akin. "Oh, bakit anong meron dun sa asungot na yun?" Kumunot yung noo niya, tas' pinalo niya ako ng unan. 

"Ang sama mo, Best! Boyfriend ko yun eh."

Tss..

"Fine. Bakit? Anong meron dun sa boyfriend mo?"

Ngumiti na naman siya ng napakalaki.

"Kasi... Kasi.. Niyaya niya akong makipagdate!" tumili na naman siya.

"Pwede ba? Itigil mo nga yang katitili mo. Ang sakit sa tenga eh." sabi ko naman sa kanya, "Eh? Para namang may bago dun. Eh, halos araw-araw na nga kayong nagda-date eh."

"Pero... Iba ito!" sabi niya, tas humiga siya.

"Ano naman yung iba?" sabi ko naman, habang humihiga rin ako.

"Sabi niya.. May surprise daw siya sa akin!" sabi niya na may halong kilig, habang pinaglalaruan niya yung teddy bear na bigay ko sa kanya nung 12 years old kami.

"Oh? Talaga? Ano namang surprise yun?" 

"Hindi ko alam. Kaya nga surprise eh."

Ah, sabi ko nga eh. -,-"

Tumahimik kami.

...

...

...

-_-"

After 20 seconds..

Tahimik pa rin. -,-"

Tiningnan ko siya. 

Nakangiti siya. 

Mukhang.. Ang saya-saya niya.

Tiningnan ko lang siya ng tiningnan..

...

...

...

"Best." sabay tingin niya sa akin.

"Huh? Uh, ano?" sabay iwas ko naman ng tingin. Tumingin ako sa ceiling, para kunwari, nakatitig ako sa kisame.

"Sa tingin mo.. Tungkol saan kaya yung surprise na yun?"

"Ewan ko. Baka aamin siya na bakla pala siya." sabi ko. "And he will be like.. 'Ann, hindi tayo talo. Kasi... Girlaloo din aketch. Haha." sabay tawa naming dalawa.

Life Is A Song (LIAS) Series ♫Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon