KIEFER'S POV
Kamusta ka na kaya? Balita ko masaya ka na ngayon. Buti naman at tinupad niya ang pangako niya na pasasayahin ka araw araw. Miss na kita. Namimiss ko na ang mga masasayang araw na magkasama tayo.
Ano ba yan, 6 years na ang nakalipas, mahal pa din kita at mamahalin ka pa. Pero bakit ganon? Ang bilis mo naman makalimot. Ako? Hindi pa din kita nalilimutan kasi mahal na mahal kita, Mika. Naalala ko pa bago kita pakawalan. May sinabi sa akin si Thirdy. "Alam mo tol, ang pagmamahal mo kay Mika ay parang kahoy na may pako sa gitna. Kapag tinanggal ito ay magiiwan iyon ng marka. Para bang hinahanap hanap mo ang presensya niya. Pero tol, lahat ng bagay ay may katapusan, kagaya ng relasyon niyo. Wag kang magaalala, papasayahin ko siya, aalagaan ko siya, gagawin ko ang mga bagay na ginawa mo sa kanya. Wag mong pababayaan ang sarili mo sa America ah? Alagaan mo din ang sarili mo. Magiingat ka, Kief."
Yan ang mga salitang parati kong inaalala. Tinupad niya nga ang pangako niya. Dalawang taon na ang nakalipas, nagulat na lang ako isang araw nung tumawag si Thirdy at sinabi niya sa akin na nahulog na siya sa'yo, hindi ko alam kung magagalit ba ako or kung ano. Pero natatandaan ko na, "wala ng tayo." Wala na akong magagawa, bakit ko naman pipigilan ang kapatid ko? Eh mahal ka na niya.
Ilang buwan na ang nakalipas, tiningnan ko ang Twitter ko at nakita kong sinagot mo na ang kapatid ko. Nakikita ko naman na masaya ka sa kanya eh, kaya masaya din ako kahit na masakit. Masaya ako para sa inyo ni Thirdy. Hays, 4 years na pala kayo noh? Magpapakasal na kayo next year. Ginagawa ni Thirdy ang mga bagay na dapat ako ang gumagawa o gagawa. Kala ko ako ang gagawa nung mga bagay na yun hanggang sa pag tanda natin.
Pero wala na akong magagawa diba? Ikaw, nakapagmove on na. Ako, hindi pa. Kahit na gustong gusto na kitang agawin kay Thirdy, natatandaan ko naman ang sinabi sa akin ni Mommy. "Kung alam mong tama ang pinaglalaban mo, anak, ipaglaban mo. Kung alam mong may pagasa pa, gawin mo. Pero kung alam mong masaya na siya sa piling ng iba, wag mo nang ipagsiksikan ang sarili mo. Masaya na siya eh, wala ka nang magagawa, kung hindi ang maging masaya din para sa kanya. Understand and accept, yun ang lagi mong tatandaan. Oo, masakit, pero anak, isa ka na lang sa 'nagpasaya' sa kanya at isa ka na lang sa nakaraan niya." Hindi ko alam kung mas masasaktan ako sa sinabi ni Mommy, pero tama siya. Understand and accept. In order for you to move on, you need to understand and then accept it.
Magpapakita sana ako sa'yo ngayon pero nasa Subic daw kayo ni Thirdy. Magpapakita ako sa'yo para humingi ng tawad sa mga nagawa ko sa'yo, hindi ko hinihiling na makipagbalikan sa'yo dahil nga sa masaya ka na sa kapatid ko pero ang gusto ko lang sana ay maging magkaibigan tayo. Kahit yun lang. Martyr na kung martyr, pero wala eh, mahal kita.
Salamat sa mga oras na ibinigay mo sa akin, salamat sa pagmamahal sa akin, sorry kung niloko kita, sorry kung sinayang ko ang tiwala ko sa'yo. Magbabago na ako. Handa na akong mag move on para sa sarili kong kaligayahan. Alam kong hindi ka sasaktan ni Thirdy, alam ko kung paano magmahal yun. Buti naman at nakita mo na ang para sa'yo. Magiging Ravena ka na next year, Mika. Pero hindi ako ang mapapangasawa mo. Si Thirdy. Siya ang tutupad sa mga pangarap ko sa'yo, mga pangarap natin.
Ito na ang huling beses na sasabihin ko ito, mahal na mahal kita, Mika Aereen Reyes.