Chapter 1Hmmmm..... di ko maialis sa isip ko yung nangyayare ngayon sa lagay ng panahon parang malabong bumalik sa normal ang lahat. Wala akong ideya sa mga nangyayare ngayon tulad ng isang teenager wala naman akong interes sa mga isyung covid 19 haystt....
KEIRAAAA!!! napabalik ako sa ulirat ng madinig ang boses ng kapatid kong si kuya Alex. Ewan ko ba bat ganto tong lalaking to palagi syang nakasigaw sakin. Napabangon naman ako ng madinig ang malalakas na katok sa aking pinto.
Ohhh bat ka ba nasigaw ha! Inis kong binuksan ang pinto at tinaasan sya ng kilay.
Hmmm..di mo ba alam na pauwe si papa after 1 week? Banat nya.
Teka totoo ba?! Ngiti kong tanong sa kanya napa tango naman sya at umalis na sa harap ko. Medyo na excite ako at napatalon pa ng madinig iyon. Tuluyan na kong lumabas ng kwarto ko at dumeretsyo sa kusina. Naghanap ako ng mga pagkain at kumain na. Hmm may ideya akong isurprise sya kaya habang kumakain ay nag iisip din ako ng mga dapat gawin at pano ko pag hahandaan ang lahat ng ito.
Lumabas muna ako ng bahay para pumunta sa isang decorations store.. hmmm ket naman mga simpleng materials lang naman gamitin ko okay na...
Abala ako sa pagpili ng gagamiting materyales ng mahulugan ako ng mga kartolina, mula ng masagi ng isang nagmamadaling lalake yung isang mahabang tray na lagayan ng mga ito.
My ghad di ka ba marunong mag---- di ko na natapos yung sasabihin ko nung bigla nya kong hinila patayo at nag sorry...
Sorry miss!..tugon nya na ngayon ay hinihingal na.
Napairap nalang ako sa kanya at kinuha yung hawak hawak nyang mga colored paper na ngayon ay gusot gusot na. Hoy pede ba sa susunod mag dahan dahan ka naman.! Matapos non ay umuwe nalang ako hayst kakabad trip talaga ang lalakeng yun,!
Pag uwe ko hinanda ko agad yung mga kailangan kong ayusin hayst ewan ko ba bat masyado akong excited ehh 1 week pa naman yun, siguro na excite lang akong makita si papa.
Abala ako sa pag aayos ng mga idedecorate ko ng dumating ang kaibigan kong si anton.
Uyy Keira ano yan? Tanong nya.
Ah eto wala to. Medyo wala ko sa mood sumagot sa mga tanong nya kase may tampo pa din ako sa kanya. Hehe alam kong napaka babaw lang ng bagay na yun ewan ko ba bat ko dinidibdib.
Ahhh may pasalubong pala ko sayo :). Sabay taas nya ng isang supot na may lamang isaw. Di ko sana papansinin yun kaso gutom na din ako kaya kinuha ko na.
Wag ka na magtampo ha. Sabi nya habang nakatingin ng deretcho sakin. Hayy nako oo na dinadala mo ko sa mga paisaw isaw mo dyan porque wala kong panlibre sayo! Angal ko sa kanya. Pero aminin ko lihim akong napapangiti kapag ganan yung scenario namin ewan ko ba sarap magkaroon ng kaibigan na may care.
By the way Keira dumating pinsan ko, invite sana kita mamaya sa bahay kasi papakilala kita😊 ngisi nyang sabi sakin.
Ha? Ah eh ano kasi busy ako kasi malapit na dumating si daddy ehhh gusto ko sana syang isurprise. Tugon ko kita ko namang bigla syang nalungkot hayst di ko talaga sya matiis. Ahmmm pero sige na nga bukas ko nalang to gagawin'-' kita ko naman yung pag ngiti nya kaya napangiti nalang din ako.
Naging abala kami sa pagkukwentuhan hanggang umabot na ng ala sais nagpasya na sya na umuwe hihintayin nya nalang daw ako mamaya sa kabilang kanto. Tatlong kanto pa ang dadaanan ko bago makarating sa sitio nila.
Lumipas ang mga oras at nagpasya na din akong ayusin at itabi yung mga gamit ko. Bago nag ayos ng sarili lumabas na ako at nag abang ng dadaan na tricycle. Sakto namang dumating yung asawa ni manang Lumeng kaya sumakay na ko. Manong sa Sitio Santulan po sagot ko at tumango naman sya.
Wala pang trenta minuto ay nakarating na din ako sa kanto ng Sitio Santulan. Doon ay may natanaw akong isang lalake. Teka parang pamilyar hindi naman yun si Anton ahhh hmmm?
Manong para na po sabay abot ng sampong piso. Pagbaba ko lumapit sakin yung lalaki at ngumiti. Teka ikaw ba si Keira? Tanong nya.
Ahh oo ako nga, teka sino ka? taka kong tanong sa kanya.
ay oo nga pala ako nga pala si Harris pinsan ni Anton, may ginagawa lang si Anton kaya ako nalang yung susundo sayo. Nakangiti nyang sabi sakin. Hayst ewan ko ba parang kilala ko sya.
IKAW! Gulat kong sigaw. Ghad pati ako nagulat sa reaksiyon ko.
Ah hehe oo nga sorry about kanina ha may hinahabol kasi ako ehh. Paliwanag nya habang kinakamot ang batok nya.
Hmm sige okay na pinapatawad na kita nakasimangot kong sabi na ikinatawa nya naman. Tara na nga! Dugtong ko pa at nagsimula na kaming maglakad.
Nang makarating kami kanila Anton napansin kong abala ang lahat. Teka anong meron? Bulong ko.
Ahmm hehe Birthday ko kasi ehh! Ayy okay nu bang klaseng tenga meron sya. My ghad birthday nya pala di man lang ako nakapag dala ng regalo pero hayst ano naman diba di naman kami close ehh. Hayst ewan ko sayo Keira dami mong nalalaman.
Ay oo nga pala Happy Birthday! Nakangiti kong bati kahit di naman kami ganon ka close.
Salamat. Matapos ng pag uusap naming yun di na nasundan ng kung ano pa ang lahat dahil pumasok na sya agad sa kanilang kwarto at natulog daw.
Bandang alas nuebe ay inihatid na din ako ni Anton pauwe. Naabutan kong gulo gulo ang bahay. Teka nanakawan ba kami? Bat ang gulo gulo? Kuyaaa! Kuyaaa! Asan ka ba ha!? Sigaw ko lumabas naman si kuya sa kung saan at lasing na lasing. Kuya anong nangyare?
SAN KA BA GALING!? sigaw nya na nakapag pahinto sa king paglalakad. ALAM MO BANG WALA NA SI PAPA!? HA! ALAM MO BA!? Para kong naging bato sa kinatatayuan ko. Hindi ko na maikilos ang aking katawan. Ewan ko ba parang anytime babagsak na ko. Bigla ko nalang naramdaman ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko.
KUYA! ANO BA YANG SINASABI MO!? hindi totoo yon diba kuya? Kuya please tell me?! Hindi to totoo! Pero umiyak lang sya at nagwala.
YOU ARE READING
1 meter distance
Short StoryAng story na ito ay hindi gamot at hindi dapat gamiting panggamot para sa mga bitter jok😁 plagiarism in not crime pero wag mo itong kokopyahin ^_^!!!! So eto na nga!!! 1 meter distance all rights reserved..... hindi ako mapakali ng gabing iyon, di...