Chapter 1Mga huni ng ibon ang nakapagpaputol sa aking panaginip. Pagkadilat ng aking mga mata ay kaagad kong hinanap ang nagiingay na cellphone para patayin ang alarm.
Kahit na hinahatak pa ako ng kama ay pinilit kong bumangon. Pagtayo ay dumeretso kaagad ako sa tokador at kumuha ng uniporme para sa unang araw ng eskwela.
"Laelynn, bilisan mo't naka gayak na ang ate mo! Pagkabagal kumilos! Parang naglalakad sa buwan!" Sigaw ni mama habang kinakalampag ang aking pintuan.
"Edi mauna na s'ya! Kakagising palang eh!" Tinatamad na sagot ko habang naglalakad papalapit sa pintuan, para lumabas ng kwarto.
Nang makalabas ay nilagpasan ko lang ang naka sambakol na si mama at dumeretso na papunta sa banyo. Hindi naman na siya nagsalita kaya dali-dali na akong kumilos para makaalis na ng bahay.
Matapos ay hindi na ako kumain at napagpasyahang dumaan na lang malapit na convenience store para bumili ng gatas. Napagtanto kong late na ako para sa unang araw ng klase.
Isang nakakabinging bulungan ang sumalubong saakin nang makatapak ako sa loob ng classroom, tila gulat na gulat ang mga mata nila na nag-aaral pa rin ako.
"Hala, 'diba hindi na n'yan tinapos yung klase last year? Paano 'yan nakapasa?"
"Ewan. Baka binayaran niya 'yong office."
"'Teh, balita ko pinagtake ka daw nila ng Proficiency Exam," Kyla said in a loud tone, emphasizing the last two words.
Pinaikot nalang ng mga taong nagbubulungan ang kanilang mga mata dahil sa sarkastikong pagbati saakin ni Kyla, my seatmate.
Hindi ko na sila pinansin at umupo na lang ako sa bakanteng upuan, sa tabi ni Kyla.
"Teh, akala ko iiwan mo na 'ko," Agad na daldal niya saakin pagka-upo ko. Umarte pa na para siyang naiiyak, at akmang aakap saakin kaya umusod ako palayo sakaniya.
"Tumigil ka nga. Ang arte mo," tinulak ko s'ya palayo sa'kin at nilapit na ang bangko sa dati nitong pwesto.
Hindi nagtagal ay dumating na ang aming guro, kaya binalot na ng katahimikan ang buong klase.
"Good Morning HUMSS-11, I'm Ms. Asha Limaco, and I'll be your adviser and Oral Communication Teacher for this semester," Pagpapakilala ng aming guro. From her figure, to the way she speaks, I can say that she's a fresh graduate. Bakit ba palaging dito sa senior highschool ibinabagsak ang mga bagong graduate na teachers?
"So, first, get an index card and write everything about yourself," Asik niya pa at naglakad na papunta sa kaniyang lamesa, sa tabi ng aming pintuan.
"Pahingi nga ako," Pag baling ko kay Kyla. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at hinablot na lang ang hawak niyang index card.
"Lah, bida bida," reklamo nito ngunit hindi ko na pinansin at nagsimula na lang mag- sulat.
"Oh, tapos na ka na agad?" gulat nitong asik at sinulyapan pa ang papel ko.
"Do'n ka nga! Kopyador ka 'noh?" Iniharang ko pa ang kamay ko para hindi niya makita, kahit ang pangalan ko lang ang nakasulat do'n.
"Gagawin ko sa pangalan mo? D'yan ka na nga."
"Okay class, p'wede n'yo nang ipasa." Pag-anunsyo ng aming guro, matapos ang ilang minutong katahimikan.
Tumayo ako at agad-agad na pinasa ang index card. Pag-balik ko ng bangko ay tumungo ako para matulog.
"Ms. Escarza?"
"Oy, tawag ka," Bulong ni Kyla saakin. Naramdaman ko rin ang madiin na kalabit niya sa balikat ko kaya masama ang loob, bumangon ako para harapin ang boses ng tumawag saakin kanina.
"P'wede mo bang dagdagan ng kahit kaunti lang about yourself?" Nakangiti niyang iniabot sa'kin ang index card, ngunit hindi ko iyon tinanggap at yumuko ulit.
"Ms. Escarza, I'm talking to you. Where's your manners?" Medyo may diin na niyang asik.
"I misplaced it," I lazily replied as I shook my head and faced her.
Padarag niyang ibinagsak ang papel ko sa aking armchair at naglakad na papunta sa harapan.
"I will not consider that kind of attitude in my class, understand? Learn some respect next time," she announced it to the whole class, but her pair of eyes was directed to me. Hindi ko na pinansin iyon at tumungo na lang ulit sa aking arm chair.
The day went smoothly and so as the week. I was doing nothing and minding my own business inside the classroom. Most of my teachers didn't bother to scold me, except for Ms. Limaco who's dedicated to teach me some manners that I don't even give a shit about.
A typical Tuesday morning when Ms. Limaco announced the result of her weekly quiz.
"Ms. Escarza got the lowest points, 3 out of 15. What's wrong? Hindi mo ba naintindihan ang mga itinuro ko?" She gave me my paper and I just grabbed it and threw it inside my messy bag.
"I'm asking you, what's wrong?" She repeated.
"Wala," tanging sagot ko at tumungo na lang para matulog. Ngunit hindi pa ako nakakatungo ay nagsalita nanaman siya.
"Ms. Escarza, hindi na kita tatanggapin sa klase ko simula bukas hangga't hindi mo dinadala ang mga magulang mo dito. Naiintindihan mo?" Asik n'ya at inilapag niya ang isang piraso ng papel na naka stapler sa gitna, sa aking arm chair.
Hindi ko na s'ya sinagot at binatong muli ang papel sa bag natulog na lang.
Ganun ang nangyari sa ilan pang mga araw. Late na akong pumapasok para hindi ko na maabutan ang klase n'ya, at maaga akong umuuwi para hindi niya ako maabutan. Pero isang araw nang pag uwi ko ay naabutan ko si mama na nakaabang sa'kin, salubong ang kilay tila may ginawa nanaman akong ikakataas ng dugo niya.
"Ikaw ba Laelynn, wala nang balak mag-tino?" Bungad niya sa'kin at binato ang hawak na piraso ng papel na sa tingin ko ay ang letter na itinabi ko sa ilalim ng kama.
"'Wag ka nang pumunta, wala namang sasabihin yang teacher ko kun'di natutulog lang ako lagi sa klase n'ya," I said as I remove my shoes and walk towards the stairs.
"Ano bang nangyayari sa'yo anak? Hindi ka naman gan'yan dati, napapagod na ako sa'yo!" habol ni mama sa'kin na animong maluluha na sa kawalang kwenta ng anak niya.
"Pagod na ako ma, ayoko na mag-aral. Ikaw lang naman pumilit sa'kin na mag aral ako ma eh. Ayoko na kasi, mas nakakapagod yung pinipilit mo 'kong gawin yung bagay na ayaw ko ma!" tumakbo na ako papasok sa kwarto bago pa man lumandas ang nagbabadyang luha sa aking mga mata.
Pagpasok ko ng kwarto ay s'yang pag buhos ng luha ko ng unang masulyapan ay ang litrato ng ama na mapayapa isang taon nakalipas.
"Pa, ayoko na kasi. Andaya daya mo naman eh, ayoko na dito, pa."
YOU ARE READING
The Given Hope
NouvellesDalawang pag-asa ang nagtagpo sa hindi inaasahang pagkakataon. Dalawang tao na hindi inakala na makakapagpabago ng buhay ng isa't isa.