Simula

5 0 0
                                    

May contain typo errors and grammar errors.
Hindi perfect si Author, hindi perfect ang story na 'to. Okay? Enjoy reading :)

------------------

"pre!" Sigaw sa akin ni Drei saka ipinasa sa akin ang bola, nasalo ko iyon saka inihagis papunta sa ring. Ngumisi ako nang makapasok iyon saka ko pinalo sa dibdib si Drei.

"Kursunada ka talaga ng anak ni Mayor" bulong ng demonyong nasa gilid ko. Pinunasan ko ang ilang pawis na nasa leeg ko at pasimpleng sinulyapan ang ilang babae na nanonood sa laro namin rito sa court. Kumaway sa akin si Natalie, ang anak ng mayor dito sa lugar namin. Aaminin kong maganda ito, makinis at maganda ang hubog ng katawan kahit pa nasa high school pa lang pero siguradong mas gaganda pa ang hubog ng balakang nito kapag mas nagmature na. Ang dahilan kung bakit hindi ko ito pinapatulan ay dahil na rin anak ito ni Mayor at nasa high school pa lang ito, i prefer older women.

Natatawang napapailing na lang ako kay Drei. "Ayoko sa mga bata, ano gagawin ko jan? Mag baby sit?"

"Age doesn't matter, pre. Mukha namang mag ka edad lang kayo e" sulsol pa sa akin ni Drei. Tama naman siya, matured tingnan si Natalie, aakalain mong college student na rin dahil sa hubog ng katawan nito.


"Gago, bata pa yan tsaka tama ng si Amara lang ang binibaby sit ko" sinaboy ko sa mukha ni Drei ang natirang tubig ng mineral water na ininom ko.

"Ibang klaseng baby naman yan si Natalie, pre." Makahulugang ngumisi pa ang loko loko. I admit, noong una attracted din ako kay Natalie pero nawala rin iyon agad dahil ng bata pa ito at mas gusto ko ang ka edad ko lang o di kaya ay mas may edad sa akin. I've had girlfriends, noong una ay maayos naman sila pero kalaunan ay tila nagiging clingy at nakakasakal, halos ka edad ko lang ang mga iyon pero kapag napapasagot ko na ay tila mas malala pa sila sa kapatid kong si Amara kung magtantrums.


"Hi, Eros!" Nakangiting bati sa akin ni Natalie, ramdam ko naman ang mahinang pagsiko sa akin ni Drei.


"Kumusta?" Kaswal kong tanong kila Natalie.


"Pupunta kami mamaya sa carnival, gusto mo sumama?" Inipit ni Natalie ang buhok niya sa tenga at bahagyang kinagat pa ang labi niya.


"Hindi ko sigurado e, baka kasi walang maiwan kay Amara mamaya" ibinaling ko ang tingin ko kay Drei na kanina pa ako sinisiko. "Baka si Drei gusto" napatingin naman si Natalie kay Drei. Umirap si Natalie at napasinghap naman si Drei dahil doon.


"Ganoon ba? Pwede mo naman isama si Amara" ungot pa ni Natalie. Ginawa ko lang rason ang kapatid ko dahil ayoko lang talagang pagbigyan si Natalie dahil na rin sa nararamdaman kong tila may gusto siya sa akin, ayoko naman na mamisinterpret niya ang kabaitang pinapakita ko. Alam kong mababaw na pagkakagusto lang ang nararamdaman niya pero dahil bata pa siya ay ayoko naman siyang paasahin.

"Pasensya na talaga, Natalie. Sige mauna na kami" paalam ko sakanila saka kinuha ang gamit ko na nakapatong sa bench roon. Sumunod naman sa akin si Drei.

"Bakit parang sa akin ata may gusto si Natalie? Lagi akong sinusungitan e" nakangising sabi ni Drei. Napailing na lang ako sa pinagsasabi niya, alam kong tipo ni Drei ang mga mas bata sakanya, gustong gusto ata nito mag alaga ng bata e kaya nga hindi ko pinapalapit masyado kay Amara, sabihin ba namang aantayin niyang lumaki ang kapatid kong Grade 5 pa lang, kung hindi ba naman gago tong lalaking to at gusto yatang mabatukan ko.

"Ma, saan ka pupunta?" Tanong ko kay Mama pagkapasok sa bahay, nakapanglakad ito at tila aalis.


"Anak, buti andito ka na. Pupunta kami ni Amara sa bahay nila Mayor, tutulong ako sa pagluluto dahil darating na iyong kapatid ni Mayor kasama ang asawa at mga anak. Isasama ko si Amara." Sagot ni Mama sa akin habang pababa naman mula hagdanan si Amara.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Forget-me-notWhere stories live. Discover now