CHAPTER 1

560 22 1
                                    

Yan kasi ang napapala kapag nagugustuhan mo lang ang tao sa panglabas na anyo nito. Kaya sige na, pag ako nagkagusto, never na talaga ko magbabase sa physical traits nito. Kahit pangit o basta kahit maitsura man lang wag lang iyong gwapo nga mama's boy naman.


Hindi naman sa kinaiinisan ko yung mga ganun pero kasi hayss ewan hindi kasi magandang tignan saka ang laki laki mo na, inaayusan ka parin ng nanay mo?! Susmiyo. Napailing-iling nalang ako sa dahil sa pagkadismaya.


Nadismaya talaga ako kasi sa lahat ng mga naging crush ko sya na ang pinakagwapo pero sya lang iyong tanging crush ko na mama's boy.


Hay ayoko na ngang maalala. Naaalibadbaran ako.


UNANG ARAW ngayon ng pasukan at mukhang late na naman halos lahat ng mga kaklase ko. Napailing iling nalang ako hanggang sa may mamataan ako sa may school gate.


May isang lalaking pinagkakaguluhan ang mga babae roon. Napakunot naman ang noo ko sa nakita ko. Tss. Gwapo talaga ang tipo ng mga babae. Nabiktima na rin ako nyan eh. Ano kayang reaksyon nila kapag nalaman nila na ang chinito na yan ay isang--


Wait! Hindi nga?! Saka ko lang napagtantong magiging magkaklase kami ng mama's boy na yun?! Omg.


Bahala na nga. Ano naman kung magiging magkaklase kami, diba? Wala kong paki sa kanya.


Pagpasok ng guro namin ay pinalabas nya kami ng classroom. Sya raw ang mag-a-arrange ng seating arrangement namin. Kainis naman oh. Saka ko lang napansin na hindi pala kami magkaklase ni Shayie. Wala tuloy akong kausap dito.


"Jiang." Narinig kong tinawag na si mama's boy at nagchikahan naman ang mga babaeng nasa tabi ko na sana sila raw ang makatabi nito.


"Monzales." Nanlaki naman ang mga mata ko nang marinig ko ang apelyido ko.


"Ma'am ako po?" Tanong ko pa. Napairap naman ang aming guro.


"Sino pa ba ang Monzales rito? May iba ka pa bang gustong makatabi?" Natakot naman ako sa itsura ni Maam. Agad akong umiling at sumunod na kay mama's boy. Baka sabihan pa akong maarte. Napatingin ako sa iba kong kaklaseng babae ay sabay sabay din nila akong inirapan.


I can't believe it, makakatabi ko ang ex-crush kong mama's boy! My ghad!


___

"Hi!" Nakangiting bati nya nang umupo ako sa tabi nya. Pilit akong ngumiti sa kanya kahit pa naiirita ako na makita ang pagmumukha nya. Agad kong iniwasan ang tingin nya dahil napopogian talaga ako sa mama's boy na to! Kainis nakaka-attract yung singkit nyang mga mata na parang nakapikit na sa tuwing nakangiti sya at lalo na iyong malalim nyang dimples.


Halos mapatalon naman ako sa gulat ng kulbitin nya ako.


"A-ah, ako nga pala si Chandler. I-ikaw?" Bakit naman parang kinakabahan sya sakin? Nakakatakot ba ako?


"Ako si Vrielle." Parang nagi-guilty tuloy ako sa pag-ignore sa kanya buong araw. Parang ramdam ko kasi na gusto nya akong kausapin kaya nga lang ay halata namang ayoko syang kausap.


Hanggang awasan ay hindi kami nag-imikan. Kahit nga noong sinabing mag-exchange papers, ay hindi kami nag-exchange.


Pauwi na ako nung mamataan ko si Shayie. Agad nya akong nilapitan saka ko lang napansin na may kasama pala sya.


Bahagya naman akong nagulat nang mapagtantong ito yung crush nya na ka-team ni mama's boy este ni Chandler. Luh, baka mamaya sabihin na bully ako eh.


My Crush is a Mama's BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon