Chapter 1 HAPPY BIRTHDAY

18 0 0
                                    

HAPPY BIRTHDAY TO YOU....
HAPPY BIRTHDAY TO YOU....
HAAAPPYY BIIRTHHHDAAAAYYYYY DEEEAAARRRR HELLLLGAAAA!

Yan ang kantang gumising sakin, 12 am ng NOV. 1 yes. Anong magagawa mo kung halloween ako pinanganak. Isang taon nanaman ang nadagdag. Wala na talaga akong planong mag celebrate this year. But here's my whole family inside my room with party poppers, baloons, cake and party hats pang suot habang nakahiga ako sa kama na meron pang muta.

"....Happpyyy birthddayyyyy tooo youuuuu"(party poppers popping) kanta nila with may mala orchestrang ending.

"The monkkey and the donkkeeyy the gorilla isss youuu..." banat ng 3 years old kong pamangkin.

"Happy birthday ticha" sabay halik sa pisngi ko at lagay ng party hat sa ulo ko ng pamangkin kong apaka kulit na si cara na karga ng papa ko.

"Blow your candle na ate at nangangawit na ako" sabi ng pangalawa kong kapatid na si Jared.

I closed my eyes and pretended to be wishing something when in fact gusto ko lang ituloy pagkakaidlip ko.

Then my mom said " haba naman ng wish na yan nak" sabay kindat sakin.

Before I could blow my candle, Cara blow the candle and said. "Yeeaaayyy"
Nagkatawanan na lang kami.

"Ohhh picture picture!!!" Biglang hirit ng bunso kong kapatid na tiktokerist at instagram star na si Derek na nagset na pala ng timer at tripod sa may dulo ng kama ko. Im sure nasa my story nanaman pagmumukha ko mamaya. Wala na ako pakelam ngayon kung haggardo versosa ba ako o ano. Wiz kebs.

"Oh ayan na 8,7,6,5,4,3,2,1 smiillleee"
(Posing naming buong pamilya,habang nakaupo sa kama na nakapeace sign pa.)

"Oh tara na sa kusina kain na kain na!!!" Sabi ng papa ko.

Sabay sabay na silang lumabas. Bumangon ako ng walang kagana gana at nagtali ng buhok. Iniisip kong may duty pa ako mamayang umaga. Kakain ako at ng makatulog na. Naisip ko pa na kukulitin ako ng mga ka shift ko mamaya. Dadalhan ko na lang sila ng mga hinanda ni mama. Para wala ng magpapalibre pa. (Wais)

Nung malapit na ako sa may pinto.
My mom said.

"Nak happy 35th birthday..." she hugged me so tight and said...

"KELAN KA MAGAASAWA?"

Road to Matandang DalagaWhere stories live. Discover now