Nasaktan nanaman ako.
May 2020.
Hinihiwalayan ako ng girlfriend ko. Gusto na raw kasi niya ng normal na relationship, a straight relationship. Gusto niya magkaron ng family in the future, kaya gusto na niyang makipaghiwalay sakin. Masakit, sobra. Pero, syempre ipaglalaban ko pa rin. 3 years kami nito, ayoko naman mawala nang ganon ganon lang.
Hi! Ako nga pala si Chad. Charmaine Jintan talaga pangalan ko, pero syempre, gwapo tayo kaya Chad nalang. Yes, isa akong transman. Singkit, maputi, 5'5" in height at average na katawan. 4th girlfriend ko na 'to, lahat ng mga ex ko taon ang tinagal. Pero ibang klaseng sakit 'tong binibigay sakin ng girlfriend ko ngayon. Iba na kasi hinihingi niya. Hindi naman kami nag away, pero bigla siya nagdesisyon ng isang bagay na makakadurog sakin. Hinahabol ko siya, ayoko naman talaga matapos pa 'to. Gusto ko ipakita sakanya na worth it ako. Worth it na ituloy namin 'to. Family? Sobrang daming paraan; kung gugustuhin.
*post sa facebook ng mga sadboi posts*
"Uy! Kamusta? Mukhang malungkot ka ah. Okay ka lang?"
Hala, si Kia, nagchat? Friend ko pala 'to sa Facebook?
*Flashback.
"Arcy, sino yun? Ang ganda niya."
2015, freshman ako sa Near Southern University at tinanong ko 'to sa bestfriend ko. Sophomore naman siya. Naging kaklase ko siya dahil irregular student siya.
"Si Kia yan. Pakilala kita mamaya." Sabi niya sakin.
"Gagi, wag na. Nakakahiya." Ayoko nga, mukhang masungit sila.
"Baliw, ako bahala sayo. Tropa ko yang mga yan. Kabatch ko yan."
Sophomore pa pala yung crush ko. Hahaha, pero dibale na. Bahala na.
Lumipas ang Chemistry subject namin, vacant na!
Dumaan nanaman yung tropa ni Kia.
"Uy! Guys! Punta tayo dun sa may field, may ipapakilala ako sainyo." Sumigaw bigla si Arcy.
Magkakasama kaming apat nila Darica, Gelou, Arcy at ako. Pumunta kami sa field pagkatapos mag aya ni Arcy.
"Kia, si Chad nga pala. Chad, Kia." Pinakilala na ako ni Arcy sakanya.
"Hello. Chad." Inabot ko yung kamay ko para mag handshake.
"Hi, ako si Kia. Nice meeting you." Ani niya.
Mabait naman pala siya, akala ko masungit. First impressions sometimes last nga, diba?
Umalis na kami pagkatapos ng mga pangyayaring iyon na medyo nahihiya ako kasi may social anxiety nga ako. Haha!
"Tol, crush ko na siya." Sabi ko sa mga kasama ko.
"Gagi ka ba? May jowa na yun! Matagal na sila!" Spoiler naman 'tong si Gelou. Ayoko na tuloy!
Ako kasi yung tipong kapag taken na ang isang tao, kahit gaano ko pa kagusto, umiiwas na ako. Kaya, pagkatapos kong malaman na meron na siyang boyfriend, hindi ko na siya binigyang pansin. Crush pa rin, kasi maganda siya. Pero hindi ako gagawa ng paraan para masira sila ng jowa niya.
*Balik sa realidad.
"Uy, Kia. Oo naman, okay lang ako. Medyo may pinagdadaanan lang." Sinagot ko sa chat niya.
"Same! Parehas pa tayo ng pinagdadaanan."
Nagsimula dun ang muli naming pag uusap. After 5 years, nakausap ko ulit siya. Pero para sakin, wala lang kasi may mahal akong iba. Inaayos ko pa yung relasyon namin ng girlfriend ko ng time na yun. Kaya ko siya nakausap kasi nagkasundo kami sa mga pangyayari saming mga relasyon at binibigyan niya ako ng advices.
3 months nakalipas, hindi ko na ulit kinausap si Kia kasi medyo naayos na namin ng girlfriend ko yung relasyon namin. At, may inaayos din si Kia sakanila ng karelasyon niya ng mga panahong iyon. Kaso lang..
"Chad, ayoko na talaga."
Gumuho ulit mundo ko.
Huling pamamaalam na ng girlfriend ko. Sinubukan ko pang ayusin, pero ayaw na talaga niya. Sumuko na rin ako, sobrang napagod na ako sa pag habol at sa pag asang maibabalik pa yung dating kami.
Nagsimula nanaman akong mag post ng mga sadboi things sa Facebook.
"Ano? Kamusta ka na?" Nagchat nanaman si Kia.
"Wala na talaga kami man. Totoo na 'to."
"Sus! Ikaw pa? Team Marupoks tayo eh! Babalik ka pa niyan!" Baliw ka, Kia. Ayoko na umasa.
"May iba na siya, man. Ayoko na rin. Ikaw nalang sa Team Marupoks, tiwalag na ako."
"Baliw, wala na rin kami." Nagulat ako sa sinabi ni Kia.
Biruin mo yun? Sabay pa kami naging single? Tara ayusin natin isa't isa. Joke.
"Bakit? Ayusin mo yan, kaya niyo pa yan." Sinabi ko sakanya. Sobrang rupok kasi ng kaibigan kong 'to. Kaya alam kong sila ang magkakabalikan. Ako, hinayaan ko sarili kong maayos nalang muna at di na muna maghanap ng bago.
Nahihirapan ako. Nung mga panahong iniwan ako ng girlfriend ko, may sakit yung lola ko. Yung lola ko na nagpalaki sakin.
December 12, 2020.
My grandmother died because of Liver Cancer. Dito na bumagsak mundo ko. Nalubog kami sa utang, pati ako lumubog na sa sobrang problemado ko. Di ko alam kanino lalapit, nagsimula akong maginom araw-araw. Bumalik sa paninigarilyo.
Yes, araw-araw akong nag inom ulit.
Goal kong malasing lang, para makalimot. Goal kong sumaya kasama mga kaibigan ko. Pero alam kong at the end of the day, I only have myself. My lonely self trying to find that happiness in me that was lost in the long run of depending on someone else's happiness.
BINABASA MO ANG
Just Friends
Teen FictionNahuhulog na nga ba ako? Nahulog na ba ako? Kaibigan lang naman talaga dapat, kaso ang kulit ng puso ko. Based on a true story.