Di ko na talaga alam paano magsisimula.
"Uy tol, nood ka nitong mass oh."
Nagchat nanaman si Kia. Ano ba 'to? Bakit nagsesend ng videos 'to? Ah, mass. Sige, attend nalang ako. Wala rin naman akong ginagawa.
Makalipas ang isang araw..
"Tol, try mo 'to panoorin oh. Solid yan."
Ano ba 'tong si Kia. Send ng send ng videos. Pero sige, panoorin ko nalang. Para makapaglibang libang na rin.
Aba, ayos 'to ah. Ano kaya 'to? Puro sportscar, tapos kumita ng 4 million??
"Tol, ano 'to?" Tinanong ko kay Kia. Sobrang nacurious ako kasi ang gaganda ng mga bahay nila, at kwento nila. Biruin mo? Dating OFW, ngayon merong 1 regular na kotse at 1 sportscar? Tapos kumikita ng 1M sa isang buwan? Ano? Paano yun?!
"Tol, sama ka sa meeting namin minsan. Introduce ko sayo 'tong program namin."
Dito na nga nagsimula ang muling pagkabangon ko.
Sumali ako sa Online Program na ginagalawan ni Kia. Okay naman, ang dami kong nakilala na bagong mga kaibigan. Kumita na rin ako kahit papano. Sumaya ako, kasi sobrang hawak ko yung oras ko at sa mga meetings namin, nalilibang ako. Sa mga offline bondings namin, nakapagwalwal ako, uminom kami habang camping sa bundok, nakapag host ako na dati hindi ako makapag salita sa harap ng maraming tao, sobrang dami nang nagbago lalo na sa personality ko. Pero habang umaangat ako, umuusad na rin ako sa pag move on from my ex.
Although, yung family niya, hindi pa maka-move on sakin.
Lagi akong inaaya sa mga ocasions nila, gusto nila akong pumunta sakanila (sa ex ko) lalo na kapag may okasyon. Pumupunta ako bilang respeto at syempre, parang pamilya ko na rin sila. 3 years ko rin sila nakasama halos sa bahay nila.
Habang pumupunta sakanila, dun ko narealize na unti unti na akong nakakapag-usad saming dalawa. Nakakatingin na ako sa mga mata niya at nasabi ko na sa sarili kong, di ko na siya mahal. Di ko na rin nakikita sarili kong bumalik pa sakanya.
Hanggang isang araw, nung nandoon ako sakanila, first time naming nagkasama ulit. Nagkausap naman na kami, and we're in good terms.
Pero sa totoo lang, ayoko na siyang maging kaibigan. Nakikisama ako, pero wala na sa isip ko na maging tropa siya.
Nung umuwi ako sakanila, kasi dun ako sa baba nila matutulog, sa sofa nila, sinabayan ko na siya pauwi kasi ayoko na mag inom. Humiga na ko sa sofa nila, nakaidlip na nga ako eh.
"Uy, okay ka lang jan?" Kinalabit ako ng ex ko.
"Ah, oo. Nakaidlip na nga ako." Sabi ko sakanya.
Patulog na ako ulit, kaso bigla siyang nag-amba ng yakap.
Yakap.
"Ano yan?"
"Hug." habang nakabukas mga kamay niya sakin.
Binuksan ko arms ko para yakapin niya ko. Bumaon mukha niya sa leeg ko.
"Namiss kita." Sabi niya habang ngiting ngiti. Ito yung ngiti niya na ang tagal kong hindi nakita after ng mga nangyari saming hindi maganda.
Tigilan mo 'ko. Namiss mo ko kasi nakita mong masaya na ako.
"Namiss din kita." Kahit di naman talaga. I did, pero hindi sa puntong namiss ko siyang yakapin. Namiss ko yung mga alaala namin, hindi siya mismo.
Ang tagal niyang nakayakap sakin. Di ko alam mararamdaman ko. Yung yakap na yun, saya at galit ang naghalo. Saya kasi at least alam ko na namiss niya ako. Galit kasi ito yung taong dumurog sakin ng sobra.
Umalis siya sa yakap.
Hinawakan niya kamay ko.
Tangina mo. Sinira mo buhay ko, dinurog mo ko, sinabi ko sayo kung paano ako nasira dati, inulit mo yun at ginawa mo pang triple yung sakit tapos yayakapin mo ko't hahawakan mo yung putang inang kamay ko? Huli na 'to na magpapayakap ako sayo.
Huli na 'to na ngingiti ako dahil sinabi mong namiss mo ako.
Lumipas ang ilang araw, may okasyon nanaman sakanila. Inaya ako ng tito niya dahil birthday niya.
Akala ko talaga wala siya doon. Well, surprise, Chad. Pagdating na pagdating ko siya agad ang nakita ko.
Tangina. Nandito nanaman siya.
Pero dedma lang. Umakyat ako na parang wala lang. Kausap ko yung pinsan niya na sobrang naging close ko na rin.
Pero ilang beses kong nahuli na nakatingin sakin ex ko. May time na pag lingon ko, nakatitig siya sakin, pero tinaasan ko lang siya ng dalawang kilay as bati, ngiti, at tingin sa iba.
Anyway, nagawa ko lahat ng pag usad ko dahil kay Kia.
Sa tuwing iiyak ako, nandyan siya para sakin. Minsan, siya naman ang biglang tatawag habang humahagulgol siya. Nandito kami para sa isa't isa, para sa mga comforts at pag cheer up na kailangan namin since parehas kami ng pinagdaanan.
Dahil na rin sa pagdala niya sakin sa Online Program at sa mga rides ko na kasama siya. Oo nga pala, may motor ako at mahilig ako mag rides kung saan saan.
Biruin mo yun? After 5 years na hindi kami nag usap, ngayon kami magkakausap ulit at sobrang magiging kaclose ko siya? Hindi lang yun, ang dami na naming pwedeng pagdaanan, lalo na tinutulungan niya rin ako umangat.
Sumasama si Kia sakin, di dahil gusto niya lang pero para rin sa Online Program namin. Kukuha kasi siya ng mga magagandang pictures para sa mga presentations namin.
Naging crush ko ulit si Kia, kasi ang cute niya talaga. Ang saya niya kasama, di siya boring kausap. Tapos biglang tatawag minsan. Crush lang naman 'to, diba? Crush lang 'to. Di pa nga ako tapos mag move on sa ex ko. Crush lang 'to, libangan lang. Tutal, siya rin naman hindi pa nakakamove on sa ex niya kaya patas lang kami.
Crush nga lang ba talaga?
Hala, di pwede 'to.

BINABASA MO ANG
Just Friends
Ficção AdolescenteNahuhulog na nga ba ako? Nahulog na ba ako? Kaibigan lang naman talaga dapat, kaso ang kulit ng puso ko. Based on a true story.