"Chad? Ano ba meron sainyo ni Kia?" Ang dami nang nagtatanong na tropa namin.
"Wala, gagi. Bestfriend ko na rin siya." Syempre, yun ang sagot ko.
Pero ang totoo, kinikilig ako sa tuwing nagmemessage siya, sumasaya araw ko kapag kausap ko siya. Kumbaga, nagkaron nanaman ako ng dahilan para bumangon sa umaga.
Hanggang sa halos sa lahat ng rides ko talaga kasama ko siya. Siya nagsisilbing angkas ko kahit mga kasama namin puro magjojowa. Kami nalang talaga hindi.
Hanggang sa isang araw, nung umuwi na si Kia, kinausap ako ng kaibigan kong magjowa.
"Mahal mo na, no?"
"Gagi, hindi ah. Nagmomove on pa nga ako sa ex ko eh. Di pwedeng mahalin ko yan."
"Di naman porket di ka pa tapos magmahal ng iba, di ka na pwede magmahal ulit." Sabi ng tropa ko.
And that struck me.
"Aminin mo muna sa sarili mo na gusto mo siya; na mahal mo siya. Saka ka mag isip kung anong gagawin mo, kung anong plano mo." Sinabihan ako ng tropa ko. Para ko na rin 'tong kuya, kaya sobrang caring nila. Ayaw na nilang nasasaktan ako, kaya ganyan sila makapag-advice.
Pagkatapos namin mag usap, lumipas ang isang araw at nag rides ako mag isa. Pumunta ako sa Cloud 9. Doon, merong sobrang taas na hanging bridge para makarating ka sa 360 degrees view. Yes, takot ako sa heights lalo na sa hanging bridges kasi, why not?
Pero nagulat ako sa sarili ko. Kinaya kong akyatin 'to.
Pag dating sa taas, nag muni muni ako. Nag isip ako. Ano ba talaga?
Hanggang sa naalala ko yung sinabi ko habang malapit na ako sa dulo ng hanging bridge.
Mawawala na feelings mo kay Kia kapag nakaakyat ka na.
Meron nga.
Mahal ko na nga siya.
Paano nangyari yun? Di ko rin alam, eh. Ang alam ko lang, crush ko lang siya. Lagi kong nakakasama at dahilan kung bakit ako ngumingiti sa isang araw.
Pero hindi pwede. Bukod sa ako, hindi pa ako ready, siya rin. At di pa nakamove on sa ex. Parehas kaming messed up kaya napaka-imposibleng magkaroon ng "pwede" saming dalawa.
Lumipas ang isang buwan.
"Tol, may sasabihin ako sayo." Tumawag bigla si Kia.
"Ano nanaman yan?"
"Promise mo di ka magagalit ah? Baka magalit ka eh. Baka rin di mo na ko kausapin, o baka di mo na ko maging crush. Haha!" Nagtataka ako, bakit naman hindi? Ay. Wait, parang alam ko na.
"Magkasama kayo ng ex mo, no? Haha"
"Mas malala pa dun.."
Alam ko na nga...
"Magkasama na kayo sa condo?"
"Oo tol.. Sorry."
Bakit ako lumuha? Bakit ako nasaktan? Bakit ako napa-yosi bigla? Ay, oo nga pala. Mahal ko na kasi siya.
Ang hirap naman, gusto ko nang umamin sakanya. Pero dinadaan ko sa biro yung "Crush kita eh". Kahit gusto ko nang basagin to, sa susunod nalang sa personal, kapag lasing na ako.
Vision Casting sa Online Program namin.
Eto na, magwawalwalan na! Kasama ko ulit si Kia, at sobrang dami pang iba. Nandun din yung gustong manligaw kay Kia. Which is okay lang sakin, sino nga ba ako.
BINABASA MO ANG
Just Friends
Teen FictionNahuhulog na nga ba ako? Nahulog na ba ako? Kaibigan lang naman talaga dapat, kaso ang kulit ng puso ko. Based on a true story.