Sana hindi nalang kita nakilala
Sana hindi nalang ako nahulog sa iyo
Sana hindi nalang kita minahalDahil alam ko isang araw dadating yung panahon na may minamahal ka na , yung panahon na ikakasal ka na at magkakaroon ng sariling pamilya .
kaya sana makalimutan nalang kita kung baga maging isang ala ala na hindi mabubura hanggang sa aking huling hininga , kase kahit ano pang gawin ko hindi kita mabura , pag sinusubukan kitang burahin nahihirapan ako ,
Alam mo ba yung hirap na iyon ???
Yung hirap na iyon yun yung sa tuwing iniisip ko na hindi pwedeng maging tayo , hindi mo ako pwedeng gustohin , hindi mo ako pwedeng mahalin , hindi tayo itinadhana para sa isa't isa .kaya sana kung sino man iyang nakatadhana , please ingatan mo siya .
At sana din ay maging masaya kayong dalawa mag kasama .
Kaya't sana di nalang kita nakilala
Sana di nalang ako nahulog sa iyo
Sana di nalang kita minahalGusto kitang yakapin pero ang layo mo. sa bagay di nga naman tayo pinagtagpo .
Pigilin ko man ang nararamdaman ko nagiging parang bulaklak lang ito , lumalago ng lumalago at malalanta din sa dulo .
Alam mo ba yung dulo ???
Yun yung mga oras na maiisip ko na maling tao pala yung ginusto ko , na maling tao pala yung minahal ko ."Isang Daang Sana"