Prologue

3 0 0
                                    

Tuwing naaalala ko ang gabing yun hindi ko maiwasan ang malungkot at magalit. Malungkot dahil sa ganun lang pala matatapos ang lahat at galit, dahil hindi ko man lang naipag tanggol ang sarili ko. Matapang at matalino akong tao pero pagdating sa kanya nagiging mahina at bobo ko.

"Please naman, pakinggan mo naman ang paliwanag ko. Mali. Wala talagang ganun mali yung nakita mo" . pagmamakaawa ko sa kanya.

Nanatili lang siyang natayo habang nakatinggin ng diretso sa mga mata ko.

"You still have the audacity to say that? Huh? I'm not blind" . Then he throws the photos straight to my face. "Ngayon mo sabihin sa akin na di yan totoo. Na hindi ikaw ang babae dyan".

Patuloy lang sa pagtulo ang luha ko.  "Please maniwala ka hindi ko alam kung ano yan. Kung paano nangyare yan. Please maniwala ka naman sakin" .Kahit ako man sa sarili ko di ko alam kung pano nangyare yun,pero aminado naman ako sa sarili ko na ako talaga ang nasa mga pictures.

"Please stop. I dont need your lies. Pagkatapos kong isuko ang lahat para sayo eto. Eto lang pala ang mapapala ko. Lolokohin mo lang pala ako" .

Nakita ko ang mga luha na pumapatak sa mga mata niya. Pero agad din niya tong pinahid. Hahawakan ko sana ang muka niya pero umatras siya at kitang kita ko sa mga mata niya ang galit at sakit.

" Please naman." Lumuhod ako sa harap niya habang patuloy pa din sa pagbagsak ang mga luha ko.

Akmang lalapit siya pero natigilan din. Nakita ko sa mga mata niya na sobra siyang nasasaktan sa nangyayare ngayon sa amin.

"Tumayo ka dyan." inalalayan niya ko para makatayo ako.

"Please lang Faith. Umalis ka na. Umalis ka na bago pa tuluyang mawala ang natitirang respeto ko sayo. O gusto mo bang kaladkarin pa kita palabas?"

Siguro nga ito na. Ito na yung oras para sumuko ako. Ilang beses ko na din naman sinubukan magpaliwanag sa kanya. Ilang beses akong umasa na makikinig siya. Pero wala eh masyado siyang nabubulag sa galit niya para sakin.

Pinunasan ko ang mga luha ko at diretsong tumingin sa mga mata niya. "Sige Dawson aalis na ko. Pero sana wag mong kalimutan na sobra kitang mahal sana mahanap mo dyan sa puso mo na hindi ko talaga magagawa na saktan ka ang lokohin ka. Sana maging masaya ka. Sana huwag natin pagsisihan ang lahat ng nangyare satin". Umupo ako para pulutin ang mga litrato ko na naka kalat sa sahig maya maya ay nagsalita siya.

"No. I will surely regret the day that i met you. The day that i fell in love with you. The days that ive spent time with. I regret everything about you. Just thinking about you makes me mad. Mad at my self that i let myself to be fooled by someone like you. Nakinig na lang sana ako sa lahat ng sinasabi nila. I hate myself so much. Im sorry. Just go..P--lease "

Matapos kong marinig ang mga sinabi niya tuluyan na kong lumabas ng bahay namin. Yung bahay na naging saksi sa lahat ng saya namin nung magkasama kami. Sa lahat ng mga problemang nalampasan namin na magkasama. Kung san kami bumuo ng mga pangarap namin.  Kahit sobrang bigat ng dibdib ko pinilit kong huwag ng umiyak habang naglalakad palayo. Palayo sa kanya. Palayo sa taong sobra kong minahal.

Pero mukang pati ang langit nakikisabay sa bigat ng nararamdaman ko. Kasabay ng pagtulo ng mga luha ko ay ang pagbuhos ng malakas na ulan.

Ang sakit. Ang sakit sakit na parang natapon nalang ang lahat. Nakakapanghina. Napaupo nalang ako, hanggang sa may ilaw ng sasakyan akong natanaw. Huminto ito malapit sakin at nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa harap ko.

Nakalahad ang kamay niya sa akin. Nakita ko kung gano kalungkot ang mga mata niya. "Faith lets go home." pinakatitigan ko sya.

Napangiti nalang ako at nasabing. "Tapos na. Kaya ko to. Kakayanin ko to. It all ends here tonight".

It Ends TonightWhere stories live. Discover now