Manila, Isang kinse anyos na dalagita na naman ang napabalitang nawawala sa bayan ng La Fortunata. Ayon sa mga saksi huling namataan ang dalaga patungo sa tulay nang Barrio Paraiso. Dalawang araw ng nawawala ang dalaga at nang matagpuan ito ay wala nang buhay na nakasilid sa loob ng sako habang nakabusal ang bibig, suot pa rin ang uniporme nito. Ilang saksak ang natamo ng biktima, ginuhitan rin ang labi nito ng 'smiley face' na halatang gamit ang ice pick na siyang natagpuan rin sa crime scene.
Giit nang pamilya ng biktima, hindi makatarungan ang nangyari sa kanilang anak. At kung ang Diyos ay nakakapagpatawad ang pamilya nila ay hindi. Sapagkat nag-iisang anak nila ang dalaga. HTN News.
Ibinaba ko ang hawak kong dyaryo. Napailing na lang ako sa mga nababasa ko nitong mga nakaraang araw. Ilang babae ang nawawala. Halos parami sila ng parami. At lahat iyon ay halos kaedad ko lamang.
Bumukas ang pintuan ng kwarto ko saka pumasok si Mama. "Hun, breakfast is ready," pagkasabi'y isinara niya muli ang pintuan.
I nodded. Tumayo na rin ako saka kinuha ang backpack ko. Pagkababa ay naabutan ko si Papa na nakaupo habang nagbabasa ng dyaryo. Si Mama naman ay abala sa paghahain kasabay ng pagtitimpla ng kape ni Papa. Umupo ako sa upuan ko. Nilagyan agad ako ni Molly ng pancake sa plato ko. I smiled at her. Molly was just six but she's so cute and mabait.
"Madison." Papa called me. I stared at him while slicing my precious pancake.
"Yes, Pa?"
"You're going out with Sam and Jeth, right?"
Isinubo ko ang pancake bago sumagot. "Yes, Pa. Mamimiesta po kami sa bayan nila Jeth. I thought that was already settled?" Nagsalubong ang dalawang kilay ko.
"I know. . . I-ayos mo 'yang kilay mo." sabi niya saka sumimsim sa kape. I smiled.
"My things are already packed, Papa. I know you're shaken by the news. But, Pa, Sam and Jeth would protect me. Hello, they're with me eversince lampin days," I laughed as I remember our childhood days.
"I know, honey, I'm just worried. You were just fifteen and Jeth's hometown was. . ." he paused a bit. Papa stared at Mama, but Mama just smiled. Sumenyas ito na para bang sinasabi na magtiwala lang. I held his hand.
"Papa, everything will be okay. And whatever happens to me. . . to us, remember how much I love you and Mama, and also Molly. I am so grateful that I belong to this family. That when I got reincarnated again as a person, I want to be with you again and again." Tumayo ako upang yakapin si Papa. Mama just brushed Papa's shoulder.
Matapos kumain ng umagahan ay isa-isa na kaming nagwatak-watak. Naunang umalis si Papa, si Mama at Molly naman ay umalis na rin dahil nag-aaral na ang kapatid ko nang elementary. Ako lang ang naiwan sa bahay. Alas nuebe ang usapan namin magkakaibigan. Tumunog ang cellphone ko at nakita ko naman na nag-text na si Sam. Sa labas ng village na lang kami magkikita-kita. Mabilis akong nagtungo papunta sa gate ng village. Naroon na ang itim na Almera ni Jeth. Agad akong tumakbo palapit. Lumabas si Sam para ipagbukas ako ng pintuan sa backseat. Pagkapasok ko ay saka naman sumunod na pumasok si Sam sa unahan. Then Jeth started to drive.
Medyo malayo ang La Fortunata sa Maynila. Apat na oras ang biyahe pero hindi naman iyon boring dahil sa napakadaldal kong mga kaibigan. Medyo gloomy ang panahon. Makulimlim at panaka-nakang umuulan.
"Hey, Madi, anong baon mo? May mga chips ka ba r'yan?" Sam asked.
I nodded. Sa aming tatlo ako ang human ref. Palagi kasing maraming pagkain ang bag ko. Binuksan ko iyon saka kumuha ng ilang chips at inabutan silang dalawa. Si Sam ang palaging bumabangka, Jeth was just focused on driving. Ako naman ay nakatingin sa nadadaan namin na bahay.

YOU ARE READING
Barrio Paraiso
Mister / ThrillerHanda ka na bang tuklasin ang misteryo ng Barrio Paraiso?