Chapter 6 : ASK

808 35 179
                                    

Hindi ko na ipinilit pa ang pagtatanong dahil baka ma-offend ko lang siya at hindi na ako ulit pagbigyan kung yayain ko man siyang lumabas. Ayaw kong magkamali.

Sa totoo lang, sobrang mahiyain ni Dove at medyo stiff kaya nahihirapan talaga ako. Swertihan na lang talaga sa mood niya kapag may pagkakataon na pinapatulan niya ang mga banat ko.

Katulad na lang kanina...

Titig na titig ako sa kaniya habang kumakain kami at ako naman si tanga, late ko nang na-realize na medyo nakaka-conscious nga naman ‘yon kapag may tumitingin sa’yo. E ‘di ang ending, na-conscious si Dove sa titig ko.

Bakit kasi sobrang ganda?

“Uh... M-May dumi ba ako s-sa mukha?” nahihiya niyang tanong at agad na kinuha ang table napkin.

I smiled at her and shook my head a bit.

“Wala. Naisip ko lang na para ka palang araw,” sabi ko at nginitian siya nang sobrang tamis.

“H-Huh?” naguguluhan niyang tanong.

“Nakakasilaw na kasi masyado ang iyong kagandahan.”

BOOM!

At napaubo na nga po.

“Shit, sorry!” Dali-dali akong tumindig mula sa kinauupuan ko para madaluhan si Dove na nasamid yata sa nginunguya niya.

Ano ba naman ‘yan, baby.

“Hala! Okay ka lang?” tanong ko, sobrang nagaalala. Baka hindi siya makahinga!

Hindi ko pa nga nagiging girlfriend, baka madedo agad!

Umiinom siya ng tubig habang ako naman ay hinihimas himas ang kaniyang likuran para mapakalma siya mula sa pagkaka-ubo.

Medyo napapatingin ang ibang kumakain sa amin pero wala na akong pake roon. Mga chismosa at chismoso. Akala naman nila, hindi sila nasasamid?!

At ikaw naman kasi Dylan, bakit ka hihirit ng pick up line e kita mo ngang kasusubo lang ng pasta! Malamang masasamid ‘yan! Pabigla-bigla ka! Hangal!

“Okay ka na ba? Shit, sorry talaga,” pagpapaumanhin ko. Tangina naman kasi.

Tumatango siya para siguro sabihin na maayos lang siya. Medyo hindi pa kasi siya makapagsalita.

Ano ba naman ‘yan. Minsan na nga lang humirit, sumablay pa.

“O-Okay na a-ako. Nagulat lang ako sa s-sinabi mo,” aniya at nag-iwas ng tingin.

Hala, baby, tumingin ka sa’kin.

“Look at me, then. Let’s see kung okay ka na.”

Sige, harutin mo ulit. Para masamid ulit. Bobo.

Kalmahan mo nga!!!

Buti na lang at tumingin din naman siya sa akin. Hmm.

Medyo nagulo nang kaunti ang buhok niya at ang mukha ay medyo kabado ang ekspresyon. Maganda pa rin. Gano’n pa rin.

“Hmm-kay. Grabe, masama pala mag pick up line sa’yo!” I tried to joke and chuckle a bit. “Nasasamid ka kapag gano’n?” tanong kong nakangisi.

“H-Hindi lang ako sanay... sa g-gano’n.”

Sobrang mahiyain mo naman, baby ko. Paano pa ako makakahirit niyan kung nasasamid ka pala?

“I’m sorry.” I sincerely said my apologies. At dahil natural yata siyang mabait, pinatawad niya naman ako.

“Hindi mo naman kasalanan. Ako lang talaga ang nagulat.”

Veil of Love (Military Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon