Chapter 37 : JEALOUS

975 48 48
                                    

"Ang swerte mo nga po, Ms. Dove!" tili ng isang babae.

Dove only smiled shyly. Hindi siya umimik.

Natuon ang atensyon ko sa kamay na biglang humapit sa kanyang bewang.

"Matagal ka pa ba rito?" tanong ng lalaki na nakahawak kay Dove.

Tangina...

Sino 'to?

Dove turned to the man and she faced him. Inayos pa ni Dove ang buhok nung lalaki.

Hindi ako halos makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Saglit na lang ako rito, By. Tapos mag-lalunch na tayong dalawa." Malambing na wika ni Dove sa lalaki.

"Alright. Doon muna ako sa office mo," ani lalaki at humalik sa pisngi ni Dove bago tuluyang umalis.

Putangina. Sino 'yon?!

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang gulat.

Akala ko ba ay asawa niya ako? Bakit siya nagpapahalik sa iba?!

Nakalimutan na niya ba ako nang tuluyan? Hindi na ba niya ako mahal? Ayaw na ba talaga niya sa akin?

Ang daming tanong sa isip ko. Sobra akong naguguluhan. Basta ang alam ko lang, kailangan ko nang umalis doon.

Sayang lang ang pag-uwi ko. Akala ko, may nauuwian na ako. Wala pala.

Bumalik agad ako sa America sa araw din na 'yon.

"Oh? Ang bilis mo naman? Nag-gala ka lang yata sa Pinas, e. Ang sosyal mo naman?" salubong sa akin ni Thomas.

Dala-dala ko ang mga gamit ko at pati na rin ang pagod sa maghapon. Idagdag mo pa ang sama ng loob na nakuha ko dahil sa pag-uwi ko ng Pilipinas.

"Sana nga hindi na lang ako umuwi, e," sambit ko kay Thomas habang patuloy na naglalakad papunta sa loob ng barracks namin.

Si Thomas naman ay parang asong sumusunod para makichismis sa mabilis kong pagbalik dito sa base.

"Bakit naman, pare? May problema ba?" tanong niya.

"Wala naman pala akong uuwian doon. Sana hindi na lang ako bumalik. Sama ng loob lang ang napala ko roon, e."

"Bakit nga, pare? Ano bang nangyari roon pag-uwi mo?"

Pumasok muna ako sa loob ng silid ko at naupo sa kama. Huminga ako nang malalim bago nagsalita.

"May iba na siya."

Si Thomas ay nanlaki ang mga mata sa gulat.

"Sino, pre? Sinong may iba?"

"Malamang si Dove. Alangan namang ako?" umirap ako sa kanya. Ang tanga kausap, e.

"Luh, gago, pre! Paano mo nalaman?" gulat na gulat pa rin niyang tanong.

"Nakita ko mismo. Hinalikan siya. Tangina."

"Hala! Gago, pare! Da't sinapak mo!" si Thomas na parang tanga.

"Sasapakin ko tapos sinong masasaktan? Si Dove, di ba? Ayaw ko." Umiling ako.

"Bakit naman?" Si Thomas na kanina pa bumakit na lang nang bumakit.

"Obvious ba? I couldn't hurt my wife like that."

"Aw. Sana all."

"Manahimik ka! Kaya hanggang ngayon, malabo pa kayo sa patis labo ni Andra, e! Para ka kasing tanga."

Pagkabanggit ko sa pangalan ng kaibigan ni Dove ay bigla na lang siyang tumayo at nagpaalam.

"Labas muna ako, man. Magpahinga ka na," aniya at tinapik ako sa balikat ko.

"Tss. Torpe kasi." Umiling ako at hinayaan siyang lumabas ng aking silid.

Ilang saglit lang ako na-upo at nagbihis na rin ako ng pangtulog. Matutulog na ako dahil sa sobrang pagod at maaga rin akong gigising bukas. Kailangan kong aliwin ang sarili ko.

Kinabukasan, habang papunta ako sa canteen ay nakasalubong ko sina Caleb at Ethan. Mukhang mag-aalmusal din sila.

Nagulat pa si Ethan nang makita ako at si Caleb naman ay naka poker face lang.

"Oh, Dylan? Akala ko nasa Pinas ka na? Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Ethan.

Hindi ko sila agad sinagot at bagkus ay binigyan ko sila ng tig-isang sapok.

Sabay silang um-aray. Buti nga.

"Tangina mo naman, Dylan. Aga-aga, e! Anong problema mo?!" Inis na sambit ni Caleb.

"Mga gago kayo. Bakit hindi niyo sinabi na may boyfriend na si Dove? Sabi mo sa akin, wala naman pinapansin na manliligaw 'yon?!"

Gulat ang mga itsura nilang dalawa. Mukhang mga hindi naniniwala sa mga sinasabi ko.

"Anong boyfriend? Ni wala ngang makalapit doon sabi ni Kara. Sinong boyfriend?" tanong ni Caleb.

"Aba malay ko! Kayo ang may nasasagap na impormasyon kay Dove, e. Ano bang alam ko?"

"Sabi rin ni Madi sa akin, busy lang daw iyon sa art gallery niya at walang ine-entertain na kahit sino. Buang ka na yata, e," ani Ethan.

"Hinalikan siya sa pisngi. Tapos 'By' ang tawag niya roon sa lalaki. E di ba short for 'baby' 'yon?"

Umiinit na naman ang ulo ko. Naaalala ko na naman, e.

Saglit silang nagkatinginan ni Caleb. Tapos ay unang bumanghalit ng tawa si Ethan. Ilang sandali lang ay nakitawa na rin si Caleb.

Tangina. At nakuha pa akong pagtawanan ng mga ulaga na 'to?

"Sige. Tawanan niyo lang ako. Palibhasa mga happily married na kayo, e."

Tawa pa rin sila nang tawa. Mga tatlong minuto siguro nila akong pinagtawanan bago tuluyang nagsalita si Caleb.

"That guy you're talking about? That isn't Dove's boyfriend. It's her gay best friend. Bagong kakilala niya lang kay Byron a year ago, noong nagsisimula pa lang siya sa art gallery niya."

"Byron?" naguguluhan kong tanong.

"By is short for Byron. Hindi baby. Tanga."

"Huwag mong pagselosan si Byron. Baka nga kapag nakita ka no'n, si Dove pa ang magselos sa inyong dalawa." Si Ethan at tumawa ulit nang malakas.

Pinroseso ko pa nang maayos ang mga sinabi ng mga panget na to.

Una, wala talagang boyfriend si Dove. Pangalawa, si By a.k.a Byron ay gay best friend niya lang. At pangatlo, nagsasayang lang ako ng pamasahe kasi, tangina, uuwi ulit ako!

"Tangina..." napahilot ako sa aking sentido.

Sana pala ay nagtanong muna ako at hindi selos agad ang pinairal ko.

"Ang sosyal mo ha, pabalik-balik ka lang ng Pinas at ng America. Sana all," pang-aasar ni Ethan.

"What are you waiting for, man? Uwi na!" Si Caleb na itinulak pa ako papunta sa direksyon ng silid ko.

Damn, uuwi na talaga ako. Uuwian ko na ang asawa ko.

Uuwian ko na si Dove.

Veil of Love (Military Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon