IIII

5 1 4
                                    


As I got older I thought that I will forever appreciate the word "loneliness" when in fact, as the times goes by I get lonelier and lonelier....

Nakakabaliw maging malungkot, ang sakit sa puso maging mag-isa, nakakaiyak na walang kasama at nakakapanghina kasi wala kang rason para maging masaya.

Akala ko masasanay ako na lumaki at tumandang mag-isa pero sa totoo lang, gusto ko ng mawala.

Wala naman na akong rason para lumaban

Walang rason para manatili

Walang rason para maging masaya

Ang kadiliman ang nagsisilbing sandalan, pero sa kabilang banda ito rin ang nagiging rason kung bakit ako pinanghihinaan. Unti-unti akong nilalamon, nauubos na ako, nawawalan na ng hangin na parang kahit anong oras ay bibigay na.

Kung sakali mang pipikit ako,

sana ay hindi muling mamulat pa.

Kung matutulog man ako,

sana ay hindi na magising pa.

Kung sakaling ngingiti ako,

sana hindi na muling umiyak pa.

Pero imposibleng makangiti pa ako, kung laging may luhang lalabas sa mga mata ko. Bakit ko pa ipipilit ang sarili kong maging masaya, kung ang lakas at ang sandalan ko ay wala na. 

"Wala na akong pag-asa" sabi ko saaking sarili habang nakatingala sa mga butuin.

"Lahat ng tao may pag-asa" nagulat ako at napatingin sa nagsalita.

Hindi ko masyadong maaninag  kaya pinunasan ko ang aking luha. Yung lalaki. Yung lalaking nakakasalubong ko parati.

Hindi ako makapagsalita tila ba nawalan ng dila, ako ay nakatitig lamang sakaniya. Ngumiti siya at inabutan ako ng panyo. "Tumutulo na naman ba laway ko?" tanong ko saaking isipan.

"Akala ko kapag binigyan ulit kita ng panyo, tumutulo na naman ang laway mo. Haha punasan mo nga 'yang luha mo, tumingin ka lang saakin naluluha kana. Nakakaiyak ba ako?" saad nito at umayos nang upo saaking tabi. Pinunasan ko naman ang mga luha kong nag-uunahan sa pagtulo ng hindi ko namamalayan.

"Salamat" mahinang sabi ko, at nginitian siya.

"No problem!"

"So, what is the matter? it's okay if you don't want to share it. I'm not gonna force you" sabi nito, kita ko sa mga mata niya ang awa, lungkot at pag-aalala. Napabuntong hininga ako. Bakit ba lagi siyang sumusulpot? kabute ba siya noong past life niya?

"I'm sorry, nagfe-feeling close ba ako?" tanong niya na may halong kaba. Tumingin ako sakaniya  at napakamot sa noo. Umiling at inilahad sakaniya pabalik ang panyong ibinigay niya.

"Dati tissue ngayon panyo haha" ang awkward ko talaga kausap.

"Tahimik ka bang tao or what?" tanong niya na naka-kunot ang noo

"Oo, kung hindi ka sanay sa tahimik na tao hanap ka nalang ibang kausap." saad ko. Nakita ko naman ang pagkagulat niya.

"Grabe, harsh non sis ha" sabi niya na nakahawak pa ang isang kamay sa dibdib. Dramatic.

Inangatan ko siya ng isang kilay "anong harsh doon? nagsasabi lang ng totoo" sabi ko at inirapan siya napasinghap naman siya.

"Grabe maldita ka pala?" napakunot ang noo ko at tinitigan siya na parang nagtatanong na 'okay ka lang?'

"Ewan ko sa'yo, para kang sira." tumingin na lamang ako sa mga tala at nilanghap ang simoy ng hangin.

"Ang baho sa lugar na 'to tapos nilalanghap mo yung hangin." napa-pikit ako at nagpipigil na matalakan siya.

"Ang daming basura rito tapos kung makasinghot ka ng hangin akala mo naman malinis dito" pagpapatuloy pa nito.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Sana okay ka lang." sabi ko at binatukan siya.

No'ng gabing iyon, hindi ko narealize na guminhawa ang pakiramdam ko.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon