Chapter 7.

29 1 0
                                    

Pagkatapos namen manuod ng movie at magmeryenda ay nagpaalam na kame sa mama ni uriel na uuwi na kame. Feeling ko ang saya ko ngayon. Ewan ko ba kung bakit? Haha

Nalaman ko na medyo malapit lang pala ang mga arkanghel kila uriel kaya naglakad lang sila at ako na lang ang hinatid ni uriel pauwi. Sumakay kame ng jeep.

Ang saya ko ngayon. Ewan ko ba. Masyado kong naoverwhelm sa mga nangyare kanina. Pero natatakot ako na baka panandalian lang lahat ng to. Natatakot ako na baka pagtapos ng lahat ng to walang sasalo saken. Hayy.

"ang lalim ng iniisip mo mahal. Ok ka lang ba? "

 

Ano daw?


"huh? "

"sabe ko ang lalim ng iniisip mo"


"no. Yung tinawag mo saken? "

"ah. Mahal"


Dug. Dug. Dug.

@.@


"mahal? " sabay tinapik nya ko "ok ka lang ba?"


"Mahal?" ulit ko sa tinawag nya saken.


"Yes mahal? " sabe nya saken ng nakangiti


"san mo napulot yan? "

"sa puso ko" sabe nya at tinaas baba pa ang kilay nya.


Dug. Dug. Dug.


Ay anak ka ng! Ano baaaaaa?

Narinig ko syang tumawa kaya kunot noo ko syang tinignan


"uy kinilig ka no? " sabe nya habang tumatawa.

Mas lalo namang kumunot ang noo ko.


Niyakap nya ko ng patagilid "Diba kase tayo na?" napatingin ako sa kanya at nakangiti sya "kaya mahal nalang tawagan naten. Alam kong shotgun relationship 'to. Pero gusto kong bigyan  tayo ng pagkakataon. Malay mo magwork diba? Masaya ka naman saken diba? Masaya tayo lagi pag magkasama kaya sana bigyan naten to ng chance" sabe nya at hinalikan ang noo ko. "gusto kita milya"


Uriel. Gusto din kita.

Gusto kong sabihin yun pero parang sobrang speechless ako sa sinabe nya. Sana sya na. Sana..

fairytale failTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon