Chapter 8.

18 1 0
                                    

Second day of Periodical exam.

Deyn's POV.


last dayyyy ng pagiging third year highschool koooo. Owemgeeeeee. Wala naman akong problema sa grades ko kase mej mej pasa naman sila. Kaya naman summer here i comeeeee!!!!


Kasalukuyan akong kumakaen ng breakfast ngayon. Inaantay ko lang talaga si uriel. Hahaha. Ang tagal eh. Pero sabe nya papunta na daw sya. Susunduin nya kase ko. Hihi. Ay deyn malandi ka. Malandiii. Kainis naman oh.


Bzzt. Bzzt.

From:Karlos Uriel

Mahal dto na ko sa labas ng bahay nyo.

----


Ay andyan na sya. Ok?  Wag kang excited deyn. Ano ka ba?  Magpakademure ka kahit minsan.


To : Karlos Uriel

Wait lang. Toothbrush lang.

Sent -

Nilagay ko sa lababo ang pinggan na pinagkainan ko hinugasan na din tsaka ko nagtoothbrush pagkatapos ay kinuha ang bag ko.

"pa alis na ko"

Sabe ko kay papa pero mukhang nasa dreamland na si papa di ko na gigisingin.

Paglabas ko ay nandun si uriel nakasandal sa gilid habang hawak ang phone nya. Hayy shet pogi ng lolo nyo oh.

Nilapitan ko sya at kinalabit.


"Uy?  Kumain ka na? "


"di pa nga eh. Anong oras na ko nagising eh. "

Tumingin ako sa relo ko 6:17 Maaga pa naman.


"tara na. Kain ka na sa canteen. Kumain na kase ko eh."


Sabay kameng naglakad papunta sa school. Feeling ko namumula ako. Tae. First time yung sinundo ako sa bahay. Ano ba deyn? Para namang first time mo rin magkaboyfriend nyan.

Nung nasa canteen na kame ay nakita nameng andun din ang arkanghel kasama sila vincent. Infair naman sa kanila maaga sila ngayon. Hahah. Nung nakita kame ni michael ay kumaway sya samen.


"upo ka na dun sa kanila. Bili lang ako burger. Ikaw? May gusto ka ba? "


"ah?  Hmm. Wag na. Busog pa ko eh."


"sge upo ka na dun."

Pumunta ako kung saan nakapwesto sila michael at umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ni joice (girlfriend ni vincent)


"taray. Sabay na sila pumapasok" pang aasar ni pao saken.


Tinignan ko lang sya ng masama atsaka sila nagtawanan lahat.


Seryoso di ko alam na dadating ako  sa point na makakasama ko sila. Ang saya pala pag puro monggoloid ang kasama mo. Hahaha.

Maya maya ay dumating na si uriel na may tray na may laman na burger at dalawang milo.

"mahal sayo 'tong isa. Bibilhan sana kitang burger kaso sabe mo kumain ka na eh" sabe nya saken habang inaabot ang isang baso na may laman na mainit na milo.


Namula namana ako bigla sa sinabe nya. Ano ba deyn simpleng galawan lang naman yun kinilig ka na?!


"dapat di ka na bumili. Pero salamat ha" sabe ko sa kanya habang nakangiti.

"ay putangina. Ang aga aga. Binabadtrip nyo ko!  Last day nalang mang iinggit pa kayo" sigaw samen ni michael. Mygod. Buti nalang unti palang tao kundi nakakahiya.


"kumalma ka mickey ok? Nakakaloka ang megaphone mo ang aga aga" sabe ko sa kanya sabay irap.

Aba'y anong agahan ng taong 'to?


Nagtawanan naman sila sa sinabe ko.


"ano na ba kase talaga kayo? Ano ng meron sa inyo?" vincent


"kame na nga mga pre! Ang kulit nyo! " sabe sa kanila ni uriel habang kinakaen ang burger nya.


"kayo na? Eh diba nililigawan mo si jela? " tanong ni pao


Napatingin ako kay uriel at kahit sya napatigil. Ok?


"tangina mo! " sabe sa kanya ni gab habang binatukan naman sya ni michael.


Wala yun deyn. Wag mo isipin yun. Wala yun.

"di ko na sya nililigawan" sabe ni uriel pero parang naging awkward ang atmosphere ditey.

"tama na yan! Shot tayo mamaya sa bahay. Ano game kayo? " sabe ni vincent.


"ay gusto ko yan. Sama ka milya ha?" sabe ni mickey kaya napatingin sila saken.

"ah. Eh? Bahala na"

"Sasama yan. Isasama ni uriel yan." sabe ni gab


Nagkwentuhan pa sila pero ako para akong nawala sa sarili ko.


Sino si jela?


Bakit namanhid ako nung nabanggit nila yun? Itatanong ko ba?

Kahit sinabe nya na itry namen na maging seryoso sa kung anong meron kame di ko pa din sigurado kung seryoso nga ba sya saken. Malay nyo MeMa lang. Hayy.


Sabe nila sa panahon ngayon may dalawang klase nalang ng tao ang meron sa mundo,  ang paasa at ang nag-aassume. Pero pano kapag nagsama ang dalawang taong yun?  Kame ba yun?

fairytale failTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon