Chapter 1

42 0 0
                                    

"Iligpit niyo na yan" AT pagkatapos ay nakarinig na ako ng putok ng baril.


Eto ang ang mundo na kinalakihan ko. Pamilya ko ang may-ari ng pinakamalaking sindikato sa buong Luzon.

Ilegal na droga, armas, human trafficking, kidnapping, smuggling at marami pa. Ang ama ko ang pinakamakapangyarihang sindikato sa buong Luzon na balang araw mamanahin ko rin.


Pero hindi ang mundong ito ang gusto ko...

Dahil sa negosyong ito kaya namatay ang ina at nagiisa kong kapatid.

"Kaya ikaw, matuto kang kumitil ng buhay dahil balang araw, mapapsayo ang lahat ng ito."

"Yes Papa"

Yan ang gusto ng aking ama, ang maging matibay ang loob ko, ang matutong pumatay ng tao, ang masanay sa mundong ginagalawan niya. Ang mama at kapatid ko na lang ang dahilan kung bakit tao pa sya noon, ngunit ng mawala sila, tuluyan na siyang naging demonyo.


"Kamusta nga pala ang shipment natin sa droga sa Ilocos?"

"Okay naman pa, malakas tayo kay Gov kaya mabilis nakalusot"

"Mabuti naman kung ganoon. Sige umuwi ka na at aantayin ko pa yung mga katransakyon ko sa diamonds"

"Okay Pa."

Paglabas ko ng warehouse, nakasalubong ko ang puting van

"Sino nanaman kaya ang pinadukot nila"

Sabi ko na lang sa isip isip ko.

Ako ang katulong ni papa sa mga illegal shipments niya. Ang hindi ko lang talaga kaya ay ang pumatay..




Umuwi ako sa resthouse ko sa Batangas.

Ganito ako sa tuwing may nakikita akong pinapatay sa harap ko, kailangan ko ng oras upang makahinga. Alam ko balang araw magiging halimaw rin ako katulad ng ama ko,

pero gusto ko ng itigil ang lahat ng ito. Ayoko na. Hindi na kaya ng kunsensya ko, ngunit mas matimbang ang pagmamahal ko sa ama ko, ako na lang ang meron siya at siya na lang ang meron ako.

Sa pagmumuni muni ko, tumunog ang cellphone ko.

"Hello Boss Marco?"

"O ano yon?"

"Pinapapunta po kayo ni Boss Alfonso sa Warehouse, nagkaproblema sya sa mga katransaksyon niya kaya kayo po muna ang bahala sa warehouse"

Ow he mean ako bahala sa mga bihag nanaman niya.

"O sige pupunta na ako"




*************************

Pagdating ko sa warehouse mas maraming tauhan ang nagbabantay. High profile ata ang bihag nila.

"Si Papa?"

"Di pa bumabalik boss, sabi niya matatagalan siya"

"Ah okay. Nagkape na ba kayo? Magkape muna kayo"

"Sige sir salamat po"

Habang nakaupo ako may narinig ako na batang babae na umiiyak, humihingi ng tulong. Kinuha ko ang mask ko ng sa ganoon hindi ako makilala,

pagkakita ko sa mga bihag, isang batang babae kasama ang mama at lola niya. Sila ang bihag namin?

"Sino yang mga bihag natin?"

"Pamilya ng kaaway ni Congressman Medina sa politika boss"

"Bakit pati sila dinamay?"

"Di ko alam boss, trabaho lang. Utos rin ng Papa mo boss na bantayang mabuti. Ang rinig ko nga sir, mamaya itutumba na rin sila bilin daw ni Congressman"

Para akong binuhusan ng yelo. Dahil naalala ko ang Mama at kapatid ko, wala na talagang puso ang ama ko.

"Sige ako na bahala dito, magkape muna kayo doon."

"Ang bilin ng Papa niyo bos-"

"Ako na bahala dito mahigpit naman ang tali nila. Anong laban ng bata, babae at matanda?"

Napakamot na lang siya sa ulo. "Sige boss"

Napatango na lang ako sakanya.

"Kuya tulong"

Sabi ng bata.

Natunaw ang puso ko ng sinabi niyang 'Kuya'.

"Hi. Ano pangalan mo?"

"Lily. Kuya tulungan mo kami nahihirapan na huminga sa lola"

Pagtingin ko sa matanda, oo nga nanghihina na nga siya.

"Parang awa niyo na, ako na lang ang patayin niyo wag na ang anak at nanay ko"

Pag pinakawalan ko sila, hindi ko alam kung anong magagawa sa akin ng Papa ko, pero pag hinayaan ko sila, mamamatay sila.

Sandali ako nagisip, wala naman silang kasalanan, nadamay lang sila sa away politika. At saka nakikita ko sakanila ang mama at kapatid ko.

"Kuya please??"

Napabuntong hininga na lang ako, pinagkape ko muna yung mga bantay, baka maya maya babalik na sila wala ng pagkakataon.

Dali dali kung tinanggal ang tali ng nanay ng bata, sunod naman ang matanda. Tinanggal narin ng nanay ang tali ng anak niya.

"Ssshhhh quiet ka lang baby baka marinig ka ng mga bad guys."

Sinilip ko ang mga bantay, wala pa sila, dahan dahan kami kumilos, naglakad patakas. May dumaan na bantay ngunit di kami napansin. Dali dali ko silang pinasakay sa

sasakyan ko.

"Dyan lang kayo"

"Pogi buksan mo nga yung gate. Pinapatawag ako ni Papa. Kelangan daw niya ako dun."

"Yes boss"

"Bilsan mo."

Binuksan naman nila ang gate, pinaandar ko ang sasakyan, lingid sa kaalaman nila sakay ko ang mga bihag."

"mangako kayo na lumayo na kayo, wag na kayo babalik dito. Magtago na kayo dahil papatayin nila kayo."

"Sino ba sila? Sino ka ba?"

"Mas ligtas ang anak mo at nanay mo kung wala kayong alam."

Hinatid ko sila istasyon ng bus, magpapakalayo na lang daw sila. Ligtas naman silang nakaalis..


Pagdating ko sa warehouse, andun na si Papa, mukang nagdidilim ang kanyang mukha.


"Asan sila!???"

"S-sino po?"

"Wag ka magtanga-tangahan Marco, kilala mo kung sino ang tinutukoy ko!"

"I'm sorry Papa, hindi lang maatim ng kunsensya ko na mamatay ang isang bata lalo at wala naman siyang kasalanan."

"BOBO!!! Hindi mo ba alam kung gaano kaimportante ang mga bihag na yun! Kay Conressman ang ulo nila, wala kang karapatan para magdesisyon sa bagay na yan!! Kahit kailan talaga napakaduwag mo!!!"

"Pasensya na papa. Pero kahit kailan di ko kayang pumatay!"

"Ano!? Duwag ka!!!Hindi mo alam kung ano ang ginawa mo!! Wala kang silbi! Hayop ka! Lumayas ka!! Mula ngayon wala na akong anak na duwag na katulad mo!!

"Pero papa ayaw niyo ba ng tahimik na buhay? Marami na tayong pera, pwede na natin iwanan ang mundong ito, mamuhay ng marangal!"

"Wala ka talagang utak! Sa dami ng kaaway natin walang puwang ang kahinaan at katahimikan sa mundo natin. Bobo ka lumayas ka na!!! Hindi na kita kailangan!"


Wala na kung nagawa kundi umalis, iwanan ang mundong ito at iwanan na rin si papa...

My LOVER is a CRIME BOSSWhere stories live. Discover now