Mga anim na buwan na ng huli kong nakita si Papa.
I vowed not to bring a money that comes from our illegal business or even a single penny from it.
My father disowned me.
I used my mother's fund. Nagstay ako sa isang Home for the Aged foundation na pinopondohan ng mama ko before she passed away.
Nang mag 18 ako, ako ang nagpatuloy sa pagpondo ng foundation lingid sa kaalaman ng papa ko.
Six months na rin ako nagsstay dito, walang nakakaalam kung nasaan ako.
Tinutulungan ko sila sister magalaga sa mga matatanda. Tinuring ko na rin silang parang pamilya ko, pero higit na napalapit ang loob ko kay Aling Rosa.
Siya ang pinakabata sa mga pasyente. Dahil tinamaan daw siya ng Early-Onset Alzheimer's Disease.
Sa loob ng anim na buwan sa lahat ng pasyente siya lang ata ang nakikita kung wala pang dalaw.
Ang sabi nila pinupuntahan naman daw siya ng anak niya kaso isang beses sa isang taon lamang.
Di tulad ng iba na halos buwan buwan ay dinadalaw sila ng pamilya nila."Good morning Aling Rosa, nagbreakfast ka na ba?"
"Ay Marco ikaw pala.
Mamaya na aantayin ko pa yung anak ko at sabay na daw kami."Natutuwa naman ako dahil bukod kay Sister, hindi rin nakakalimutan ni aling Rosa ang pangalan ko na nagkakalinga sa kanya dito.
"Naku aling Rosa, sabi ng anak nyo mala-late daw siya ng uwi kaya naman sabi sumabay na lang daw kayo saamin. Ayaw niyang nalilipasan kayo ng gutom."
"Ganon ba? Sige na nga pero pagtitirhan natin si Ysabel ha."
"Opo sisiguruhin ko po na kakain ang Ysabel ninyo."
Bakit kaya naaatim ng anak niya na hindi man lang dalawin ang kanyang ina. Kung tutuusin maswerte siya dahil andyan pa ang kanyang ina. Nagiisa na nga lang siyang anak sana man lang pakita niya sa ina niya na may malasakit parin siya dito.
Pagkatapos kumain ay dinala namin sila sa hall upang magexercise. Sumayaw sila, tuwang tuwa naman sila. Sobrang nakakataba sa puso..
Lalo na si aling Rosa na pansamantalang nalimutan na inaantay niya ang anak niya.
Nagring ang telepono, busy sila Sister kaya ako na ang sumagot.
"Hello, this is Hope Love Foundation. How can I help you?"
"Ah yes. Can I talk to Sister Margaret?"
"Oh she's busy at the moment. Would you like to leave a message?"
"Hm yes regarding to Rosalie Feleo. I already sent her allowance for this month, I called to verif--"
"Actually Ms. Feleo, she's in a bad shape right now, I would appreciate if you come here and visit her."
"Why? what happened to her?"
"She's been sick since yesterday and she's asking for you"
"Ow okay. I'll come tomorrow."
"All right then. Thank you Ms. Feleo."
"Okay bye"
Patay. Kinailangan ko pa magsinungaling para lang mapasaya si Aling Rosa. Bahala na bukas.
"Aling Rosa! Aling Rosa! May surpresa po ako sainyo."
"Ano yun Marco?"
"Si Ysabel niyo po pupunta raw dito bukas!"
"Talaga? Nako! Sabay kami magaalmusal bukas sabi ko naman sayo bilin ng anak ko yun!"
"Opo! May special ulam request po ba kayo para bukas?"
"Sinigang na bangus, yun ang paborito ng Ysabel ko"
"Sige po magpapaluto po tayo niyan bukas!"
Buong araw magiliw si Aling Rosa. Grabe, gaano ba katagal hindi nagpunta ang anak niya dito. Ako na lang magpapaliwanag kila sister bukas dahil sa pagsisinungaling ko. Bahala na.
*********
Kinabukasan, maagang nagising si Aling Rosa, abala rin kami maghanda ng request niyang sinigang na bangus, hinihintay niya ang anak niya.
Pagkatapos namin ihanda ang ulam ay inayos na rin namin ang lamesa. Hindi maikakaila ang kasabikan na nararamadamn niyang makita uli ang anak.
****
Naghintay kami hanggang alas diyes ngunit wala paring Ysabel ang dumadating. Lumipas pa ang ilang oras hanggang magtanghalian na ngunit wala parin.Kinumbinsi ko si Aling Rosa na kumain na muna ngunit ayaw niyang galawin ang pagkain hangga't wala ang kanyang anak. Hindi na siya nagalmusal hindi pwedeng hindi siya mananghalian dahil kailangan niya pa uminom ng gamot.
Ang sabi ko sa kanya magtitira kami ng sinigang para sa anak niya.
"Sige na aling Rosa, pinapasabi ho ni Ysabel na kumain daw muna kayo dahil mali-late lang daw siya."
Sa wakas at napa-payag ko rin siyang kumain kahit konti. Niligpit na rin nila sister ang lamesa.
Pero nagtira parin kami ng pagkain bilang pangako ko kay Aling Rosa.
Inindian ba siya ng sarili niyang anak?"Nako iho, masanay ka na sa anak ni Aling Rosa, sobrang busy nun sa trabaho lalo na at abogado yun, kaya wag ka masyado umasa na makakapunta siya. Sanay na kami dun"
"Sige ho."
Siguro nga. Masyado ko ata pinaasa si Aling Rosa. Pero kahit na, ang sabi ko may sakit ang nanay niya, sana man. lang nagpakita kahit kaunting pagmamalasakit sa ina niya.
Sasapit na ang dilim ngunit si Aling Rosa nakatanaw parin sa pintuan, umaasa na darating ang kanyang anak.
"Nako aling Rosa, madilim na atsaka malamok po. Pasok na po tayo."
"Hindi. Dito muna ako aantayin ko si Ysabel"
"Aling Rosa dun na lang po kayo magantay sa loob, baka kasi hindi din makakarating si Ysab--".
"Anak.."
Sabi ni Aling Rosa nakatingin sa likuran ko. Paglingon ko, may isang babae na papunta saamin. Nasinagan ng liwanang ang mukha ng babae...
Ang ganda...
..........