I. Before The Outbreak

3 0 0
                                    

*Alarm clock rings*



Aaaaahhhhhhh...

Panibagong araw na naman para magbanat ng buto; uhh nakakatamad pa'ng bumangon.

Teka ano'ng oras na ba?

Pagtingin ko sa alarm 'ko 5 a.m na. Naalala ko 30 mins nga pala advance nitong orasan 'ko.

Bumangon na ako at pumunta ng c.r, lunes ngayon ayokong simulan ang buong linggo na 'to ng katamaran, aagahan ko ang pagpasok ngayon.

Ako nga pala si Kenji, isa ako'ng fresh graduate from college and kasalukuyan akong nagtatrabaho sa isang automotive shop, mekaniko ako ng mga sasakyan.

Dati kasi nung nabubuhay pa ang mga magulang 'ko, lagi ako isinasama ng tatay ko kapag nag-aayos siya ng jeep niya, na ginagamit niya sa pamamasada, proud ako sa trabaho ng tatay 'ko kahit ano pa,

Ayun minsan tumutulong ako sa kanya hanggang sa nakahiligan ko na din.

Isang taon nadin ang nakalipas nung mawala sila, kaya isang taon ko na din binubuhay ang sarili 'ko, at ayun medyo swerte napaganda ko yung maliit na bahay namin dati at may sarili nadin akong motorsiklo, pero pinaghirapan ko pa din lahat, wala naman bagay na hindi pinaghihirapan, tama di'ba?

*Makalipas ang isang oras*

Nakarating na'ko sa working place 'ko, pero dapat mas maaga pa ako e, walanghiya kasing traffic na 'yan hindi na nawala-wala dito sa bansa.

"Sir log-in muna." Sabi ng guard na nagtatrabaho din dito.

"Ikaw dapat tinatawag 'ko na sir, ikaw ang nagsesecure dito e, dapat tawag mo sa akin pogi nalang." Pagbibiro ko naman sa kanya.

"Mas malaki naman kinikita niyo sa'kin." Matawa-tawang sabi ni manong guard.

"Kuya wala sa kinikita 'yan, ang mahalaga marangal na trabaho. Sige papasok na ako, magseset-up pa ako dun sa station namin." Pagpapaalam ko naman sa kanya.

Ba't ba ang iniisip ng ibang tao dito sa bansa e, kapag mas malaki ang kinikita mo mas mataas ka?

Turo sa'kin ng magulang ko 'yan, hindi importante kung malaki ang sinasahod o hindi, ang mas mahalaga, marangal at masaya ka sa ginagawa mo.


"Kenji napaaga ka?" Tanong ng supervisor namin.

"Sakto lang po ma'am ah?" Sabay tawa 'ko.

"Mas sanay kami na late ka ng 10 mins. o kaya 15 mins." Hahaha oo nga 'no? Natawa ko sa isip ko dahil dun.

Pero hindi naman ako lagi late.

"Grabe ka ma'am!" Pagbibiro 'ko.

"Sige na magsimula na kayo." Sabi niya.

Nakita ko'ng nagsisimula na sa trabaho ang mga kasama 'ko, kaya binilisan ko na din.

Ang trabaho ko lang dito, repair at maintenance, yung iba 'kong kasama nagpapalit ng salamin, yung iba sa pintura.

"P're ano? Dumating yung suki mo kanina." Sabi ni Louis, kasama ko din sa trabaho.

"Ang aga naman yata?" Tanong ko habang inaayos ang mga tools 'ko.

Yung sinasabi niyang suki 'ko, yung babaeng may napakagandang kotse, as in mayayaman lang talaga makakapag-afford ng ganung bagay.

"Siyempre! Para maaga makasimoy kay Kenji, Hahaha!" Sabat ni Marvin, loko talaga eh.

"Yan ka na naman, kaya nung isang beses na nag-inom tayo sa bahay nagalit si Rin sa inyo eh, Hahaha!" Sagot ko naman.

Ano magagawa 'ko? ako kinikilalang mekaniko nung customer na 'yun eh, tyaka maganda lang talaga yung pinapakita ko na performance...

... Sa trabaho 'ko syempre.

"Okay lang 'yan! Ayos na naman ulit kayo di'ba?" Tanong ni Marvin.

"Ayos lang naman, kahit papaano." Pag-aalangan ko na sagot.

Mag-kaaway kasi kami ng girlfriend 'ko e, syempre mayroong mga bagay-bagay na hindi kami nagkakasang-ayon, para sa'kin normal lang naman 'yon, humingi nalang ako ng pasensya sa kanya kagabi, hinihintay ko nalang lumamig fuse niya.

*Lunch*

"Aba! Uso mag-tanghalian!" Pabirong sigaw ng supervisor namin.

Nasanay kasi kami na kakain lang kapag sinabihan na ni Ma'am.

"Opo ma'am, kakabit ko nalang 'tong makina, babalikan daw kasi 'to bago mag-lunch." Sagot 'ko naman.

Yung mga kasama 'ko naman nag-ligpit muna ng mga gamit nila.

'Pag tapos ko ikabit ang makina, nagligpit na din ako tapos dumiretso na ako sa staff room para magpalit ng T-shirt.

Habang nakain naman ako, biglang dumating daw yung kaibigan 'ko,

Si Vince, graduate ng Criminology, at ngayon isa na siyang ganap na pulis, pero tinatawag 'ko siyang Zaido...

Minsan kasi parang nasa kalawakan isip nito eh.

"Oh p're anong balita?" Tanong 'ko.

"Patapos ka na kumain?" Tanong din naman niya.

"Patapos na din p're saglit lang." At binilisan 'ko naman ang pagkain.

"Sa labas sana p're para tayong dalawa lang makakadinig." Naiisip ko siyang biruin sa sinabi niyang 'yun.

"P're hindi ka naman aamin na bading ka 'no?" Sabay tawa 'ko.

Pero hindi, mukhang seryoso siya.

"Langya seryoso kasi p're!" Tumango nalang ako.

Tapos na ako kumain at nandirito kami sa labas malapit sa maliit na tindahan, nagsindi ako ng sigarilyo dahil ninenerbyos ako sa sasabihin nito.

"Pwede kita multahan d'yan p're." Sabi niya habang nakangiti na nakakaloko.

"Kaibigan mo naman ako p're, ipagpapalit mo yung mga pinagsamahan na'tin dito?" Pangongonsensya 'ko naman.

Simula elementary kasi magkasama na kami ni Vince, nung kolehiyo lang kami nagkahiwalay dahil dun sa college na pinasukan 'ko walang criminology.

"P're kilala mo naman si Ian di'ba?" Tanong niya.

"Oo yung kaibigan mo, di'ba nasa amerika na 'yun?" Sabi ko naman.

"Uuwi na kasi, biglaan nga eh." Sagot naman niya.

"Oh! Bakit daw? Maganda na buhay niya doon di'ba?"

"P're may nangyayari kasi dun, kaya daw biglaan siya babalik." Ano naman kaya 'yun?

Langya naman kasi 'tong si Vincent ang dami pa pasikot-sikot.

"P're deretsuhin mo na nga sasabihin mo, pabalik na din ako sa trabaho oh." Sabi ko naman sa kanya.



Nagulat ako...

...Tyaka hindi makapaniwala.







To be continued...


Outbreak: Survival InstinctsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon