Di talaga ako makapaniwala...
... Kaya kita tinatawag na Zaido eh.
"P're nagkakaroon daw ng Outbreak sa ibang bansa, unti-unti na nga daw kumakalat eh." Sabi niya nung sinabi 'kong deretsahin niya na ako.
"Outbreak ng alin?" Tanong 'ko.
"Sabi ni Ian parang mga zombie daw eh, una daw nagumpisa 'yun sa L.A hanggang sa kumalat nang kumalat, si Ian naman malayo layo dun, tapos isang beses daw bigla nalang daw sila inabisuhan na umuwi ng pilipinas." Paliwanag naman niya.
Gusto ko'ng matawa, pero seryoso kasi masyado si Vince, baka mainis lang sa'kin
Pero imposible naman 'ata yung sinasabi niya, sa mga pelikula lang naman nangyayari 'yung mga ganon eh.
Masakit 'man sa loob ko pero nag-pretend nalang ako na maniniwala ako.
"Oh ano'ng plano mo?" Tanong 'ko.
"Mag-iipon na 'ko ng mga supplies p're tyaka mga pwedeng ipanglaban." Sagot naman niya.
"Sige p're tyaka nalang natin pag-usapan 'yan, siguro bukas." Sabi 'ko.
"Busy na ako bukas p're, dapat ikaw din mag ipon ka na ng mga kakailanganin mo." Pagbibilin niya sakin.
"Sige p're, babalik na 'ko sa trabaho 'ko ikaw na bahala puntahan mo nalang ako sa bahay." Sabi ko naman.
.....
After ng pag-uusap namin na 'yon umalis na siya at bumalik na din ako sa trabaho 'ko.
Nag-chat ako kay Rin, tinanong ko kung pupunta ba siya mamaya sa bahay, at nag-reply naman siya kaagad, buti nalang pupunta.
Langhiya kasi 'tong si Vince eh, kakanood ng mga zombie-zombie na 'yan naniniwala na agad, wala ngang mga article o video na lumilitaw sa news feed ng facebook ko eh.
Hanggang sa matapos ang oras ng trabaho natatawa ako, sa itsura ni Vince, sa sinabi niya at parang kinakabahan pa talaga siya.
Habang nagbibihis ako, biglang tumawag si Rin.
"Hello?" Sabi niya sa kabilang linya.
"Oh love? Bakit? Pauwi ka na?" Tanong ko naman.
"Oo magse-save nalang ako ng mga files." Sagot naman niya.
"Sige papunta na 'ko sa'yo hintayin nalang kita sa labas." Sabi 'ko.
"Sige ingat sa pagmamaneho ha? I love you." Damn, lambing talaga ng boses.
"Sige, I love you too." Aba naman.
Nag end-call na 'ko at lumabas na, kinuha ko na ang motor 'ko at umalis na agad.
Malapit lang din naman kasi yung pinapasukan ni Rin dito, kaya mabilis lang din ako makakadating doon.
*after almost 20 minutes*
Buti nalang wala pa masyadong traffic kung past 6pm na, nako, dagsa ang mga taong nag-uuwian galing trabaho.
Nandito na 'ko sa labas ng company niya at hinihintay ko nalang ang paglabas niya.
Nag-iwan na din ako ng chat para aware din siya.
After 5 mins. Lumabas na siya.
"Oh Kenji? Kanina ka pa d'yan?" Tanong niya.
"Hindi naman, kadadating-dating lang din, kamusta naman?" Sagot 'ko, at tanong na din.
Lagi ko naman siya kinakamusta tungkol sa trabaho niya, siyempre para alam niya na concern ako kung pagod ba siya o hindi.
"Ayos lang Love, medyo sumakit lang mata 'ko dahil madami akong inencode ngayong araw, malapit na kasi mag ber months, kaya nagiging hustle na naman." Kawawa naman 'tong tao na 'to.
Sabagay, kahit naman sa trabaho 'ko dumadami na din ang nagpapacheck ng sasakyan nila lalo na 'pag pasok ng december.
"In-short pagod? Oh siya, uwi na tayo, magluluto nalang ako sa bahay ng kakainin natin." Ganyan siya eh, kapag pagod ang daming sinasabi.
Umalis na din kami agad at dumeretso na sa bahay.
After 30 mins. Nakauwi kami sa bahay.
Naghanda na agad ako ng iluluto, parehas din kami gutom siyempre.
"Love? Dumaan si Vince kanina sa trabaho." Pag-oopen 'ko, habang naghihiwa na din ng mga rekado.
"Oh bakit daw?" Tanong naman niya.
Langya kasi 'tong si Zaido eh, kung ano-ano pinagsasasabi, ewan ko ba, di naman ako naniniwala pero talagang di mawala sa isip 'ko.
"May kalokohan na naman na sinabi Hahaha!" Sagot 'ko.
"Ano na naman 'yun?!" Sabi niya.
"Ikaw makakarelate ka, mahilig ka manood ng mga movies eh." Sagot ko naman.
Ewan 'ko kung ano magiging reaksyon ni Rin kapag sinabi 'ko 'to.
At sinimulan ko na i-kwento sa kanya.
Nung nasa kalagitnaan na ako ng pagkukwento, nagtataka na siya, ewan ko kung di ba siya naniniwala o nagtataka siya na baka kasi totoo.
Natapos na din ako magluto at sinimulan 'ko na kumain, pinutol ko muna ang pagkukwento para malagyan na ng laman ang sikmura namin.
"Ano 'to? Bicol express?" Tanong niya, habang ako nagsasandok ng kanin.
"Oo kaso manok, wala kasi akong stock ng baboy sa ref 'ko." Pagpapaliwanag 'ko naman.
"Masarap ba?" Pang-aasar niyang tanong.
"Kailan ba kita binigo sa pagkain?" Sabi 'ko sabay abot sa kanya ng platong may kanin.
Bukod sa pagkakalikot ng mga sasakyan ang pangala sa hilig 'ko, ang magluto, mahilig din kasi ako kumain besides, narerelax ako kapag nagluluto ako.
Tumawa nalang siya at kumuha na ng niluto 'kong ulam.
"Saan niya nakuha yung balita na 'yun Kenj?" Tanong niya sa'kin.
"Sa kaibigan niya, diba nakilala mo na din yun, isang beses nung gumala tayo sa manila, Si Ian." Pagpapaalala ko naman sa kanya.
Nagkaroon muna ng konting katahimikan, bago siya makasagot.
"Ay! Yung pumunta ng U.S?" Tanong niya.
"Oo yun! pauwi na nga daw ulit ng pilipinas gawa nga nung sinasabi ni Vince na outbreak kuno." Sagot ko naman.
At nang matapos kami kumain, iniligpit ko naman lahat ng ginamit namin, hinugasan ko na din agad para hindi naiipon sa lababo.
"Dito na kaya ako magpalipas? May uniform ako dito diba?" Tanong niya sa'kin.
"Ikaw bahala, meron dyan nakatabi sa damitan, ihanger mo na para di mo na kukunin bukas." Sabi ko.
Siya naman nasa manila ang mga magulang niya, dahil dun nakabased ang trabaho nila, siya lang din ang nasa bahay nila kaya pumapayag ako na minsan dito siya matulog.
Naghilamos na din ako bago pumunta sa kwarto, si Rin naman nandoon na at nakahiga.
Ni-lock ko na din ang pintuan at gate.
Pag-pasok 'ko ng kwarto, nakita 'kong tulog na si Rin, pero naiwan na naman nakabukas ang cellphone niya, kinuha 'ko naman ang phone niya para i-lock.
Hmm. Nanonood siguro siya bago makatulog, pero ano 'to? Ba't ang nakalagay sa screen...
... This post does no longer exist.
Bakit kaya?
Well, di ko na inisip, naglatag na lang ako sa sahig ng hihigain 'ko, humiga na din, hanggang makatulog.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Outbreak: Survival Instincts
Science FictionWhat will you do when chaos breaks out from a peaceful world? Will you fight for survival? or Give up without giving it a fight? How will you decide? Will you look out after yourself? This is a story of people who will fight their way for survival a...