IV. Add Two

1 0 0
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas nung nag-plano kami ni Vince na mag-stroll sa siyudad para humanap ng supplies.

2 days ago...

Sinubukan 'ko na buksan ang t.v para malaman kung may balita ba na nagaganap.

At medyo sinuwerte naman dahil meron...

"Panatilihin po natin ang ating mga sarili sa loob ng ating bahay, bakuran ang inyong paligid dahil nakarating na sa bansa ang virus na lumalaganap sa ibang bansa, medyo sensitibo po ang ibabalita natin ngayon dahil ang mga taong nahahawa daw sa sakit na ito ay nawawala sa sarili at tila uhaw sa lamang loob ng mga buhay na tao.

Isang passenger aeroplane ang nasabing nag-landing dito sa bansa ngunit ang mga pasahero ay mga naging nilalang na para bang nag iba at gusto na kumakain ng laman loob ng tao.

Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung ano ang naging sanhi ng virus na ito at kung saan ito nanggaling, maging ma-ingat po tayo at pilitin po natin ma-protektahan ang ating sarili."

.'Yan ang sabi sa balita.

Tapos bigla nalang umulit sa una niyang sinabi.

"P're, loop video nalang siguro 'yan, sigurado ako nakaalis na din 'yang mga 'yan." Sabi ni Vince.

"Alam na din siguro nila 'to bago pa makarating yung eroplanong may mga pasahero na zombies, tapos nag-record nalang sila ng video at ginawa nalang nilang loop-video bago i-broadcast sa t.v" Sagot 'ko naman.

Grabeng mga taong 'to hindi 'man lang nagbalita ng maaga bago mag-evacuate, mga makasarili talaga.

Ayaw nilang maunahan sila sa evacuation area kaya siguro nila ginawa 'yon.

Pero mali pa din!

Napakadami na ng mga inosenteng tao ang nawala at naging zombie na.

Mga makasarili talaga 'yang mga mayayaman na 'yan.

Present day...

Ngayong araw na 'to kami pupunta ng siyudad para humanap ng mga supplies na kakailanganin namin habang sa bahay kami magii-stay.

Oo hindi safe, pero kailangan namin mag-take ng risk para sa sarili namin.

"P're anong plano na'tin?" Tanong ni Vince.

"Ano pa ba p're? Edi mag-scavenge ng mga supplies, di'ba pinaliwanag 'ko na 'to nung mga nakaraang araw?" Pagpapaliwanag 'ko.

Pero hindi pa 'din ako kampate, hindi lang naman kami ang mga buhay na naghahanap ng loots na kailangan namin para sa survival.

Ang palagay ko kase hindi lang mga zombie ang kalaban namin, syempre mga survivors din, na naghahanap ng pagkain na ikabubuhay nila.

"Siguro iwasan na din na mahawakan ka nila, lalong-lalo na 'wag ka magpapakagat." Dagdag 'ko.

On-foot kami pupunta ng siyudad dahil mahirap gumamit ng sasakyan at baka masundan kami 'pagbalik namin sa bahay.

Buti nalang nakapag-tabi si Vince ng mga baril niya at nakapag-ipon.

"Ano 'tong mga baril mo? Sa'yo talaga o pinahiram lang ng pulisya sa'yo?" Tanong 'ko habang naglalakad kami.

"Binili 'ko yung iba, yung iba galing sa pulis, pero iwasan na'tin gamitin 'to, sayang ang bala, at maingay." Paliwanag niya.

Tama, buti nalang nagdala ako ng screw driver, pero kailangan ko ng sapat na lakas para maibaon 'to sa ulo ng isang tao.

"Basta hindi madami, hindi ako babaril." Sagot ko naman.

May natanaw kami na mga undead na nag-roroam sa daan pero bigla nalang ako napahinto.

"Ano? Ba't tumigil ka?" Tanong ni Vince.

"Kaya ba talaga natin 'to Vince?" Tanong ko pabalik.

"Ikaw nag-plano di'ba? Kaya natin 'to, tyaka isipin mo hindi na normal na tao 'yang mga 'yan." Pagpapaliwanag naman niya.

Nagpatuloy ako sa paglapit sa isang undead at inihanda 'ko ang sarili 'ko sa pwedeng mangyari,

Habang papalapit ako ay dahan-dahan umikot paharap sa'kin ang isa...

...Huminga ako ng malalim at sinaksak 'ko 'to mula sa ilalim ng baba at buong pwersa ko na binaon pataas.

At isa pa...

Sobrang sama ng amoy nila.

"Di'ba ganon lang ka-simple?" Sabi ni Vince.

"Oo pero feeling 'ko pumatay pa din ako ng tao." Sagot ko naman.

"Mamaya mo na lang isipin 'yan meron pa..." Meron pang mga undead sa harap namin ang ibig niyang sabihin.

Isa-isa namin pinagsasaksak sa ulo ang mga nagpapalakad-lakad na undead hanggang sa maubos sila, konting lakad pa at malapit na kami sa pinaka-unang lugar na pwede kami mag-scavenge.

Makalipas ang kinse-minutos, nakarating kami.

Isang convenient store.


"Tara, ingat sa loob baka maybiglang humablot sa'yo." Sabi 'ko.

Dahan-dahan kaming pumasok at inikot namin ang maliit na convenient store na ito, wala namang nagtatago na undead, pero halos paubos na ang mga supplies nito.

Ibig sabihin may nanggaling na dito.

Malamang, sino ba ang hindi makakaisip?

"Kunin nalang natin lahat ng pwedeng mapakinabangan, mga delata, baterya tyaka tubig." Sabi 'ko.

Siyempre nag-dala kami ng malaking bag para pag-lagyan namin.

Nang malapit na kami matapos may bigla na lang...

"Oh teka! 'Walang gagalaw, taas ang kamay." Sabi ng lalake na hindi namin makita dahil nakatalikod kami nung makapasok sila.

Shit!

"Baka pwedeng pag-usapan 'to?" Sabi ni Vince.

"Hindi! Mukhang mauubos niyo na laman nitong store ah?" Sagot naman ng lalake.

"Dahan-dahan kayo humarap, taas padin ang kamay." Utos niya.

Dahan-dahan kami umikot ni Vince paharap sa kanila.

At parehas kaming nagulat sa isa't-isa.

"Philip? Reson?" Sabi 'ko.

"Hohohoy!!!!! Walanghiya kayo pala 'yan!" Sigaw ni Philip.

"Shhhhh! 'Wag ka sumigaw, baka maka-attract tayo." Sabi ko naman.



Kinamayan namin sila at niyakap, nagulat ako pero natuwa din ako nung bumaon sa isip ko na mga kaibigan 'ko pala yung nakikita 'ko.

Hindi 'ko in-expect na dito na kami agad magkikita.



Natuwa nalang din ako dahil ligtas sila.






To be continued...



Outbreak: Survival InstinctsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon