Chapter 2: Ang Probinsyana

10 0 0
                                    

LOCATION: Caste Quatro, Hacienda San Pablo

Mada's POV

Tiktilaoooook!!

Kinginang manok to,di pa nga sumisikat ang araw putak na ng putak parang amo niyang si Aling Pasing!

Napatakip ako ng unan sa tenga ko.

"NAKO DADO KE AGA-AGA LASING KA NA NAMAN! WALA KA NANG NAITULONG DITO SA BAHAY! AT IKAW NAMAN PANYING KANINA KO PA SINASABING MAGHUGAS KA NG PINGGAN! HARUSJUSKO PINONG HINDI KA NA NAMAN NAGBUHOS PAGKATAPOS MONG TUMAE! HALIKA DITO AT KUSKUSIN MO ITONG INIDORO O IKAW ANG IKUKUSKUS KO DITO!" Putak ni Aling Pasing.

Kakasabi ko lang eh kingina

Lalo ko pang tinakpan ng unan ang tenga ko.

Tiktilaaoooooooooooook!!!!!

" Kinginaaaa! At nilakasan pa talaga! ChingChing malelechon na talaga kita makita mo!Bwiset !" Inis akong napabangon sa higaan ko at dumungaw sa bintana.Nakita kong bumibwelo na namang tumilaok si ChingChing. Sa inis ko kinuha ko yung walang pares kong tsinelas at hinagis ito sakanya.

Tiktilaaaaooo---

Ayon nasapul.Edi natahimik den .Serves that chicken right for disturbing my sleep

Ngingisi-ngisi akong muling nahiga sa kama ko at nang pipikit na ako...

Tiktilaaaaaaaoooooooookkk!!!
Tiktilaaaaaaaoooooooookkk!!!

"KINGINANG MANOK AT KALAHATI!" Inis akong bumangon ulit at kinuha ang isa pang tsinelas na walang pares at hinagis iyon sa bintana.

"HARUJUSKO ASAAN NA IYONG KALDERO---ARAY! SINONG BUMATO NG TSINELAS! " Rinig kong sabi ni Aling Pasing.

Lagot. Si Aling Pasing yung natamaan

Dahan-dahan akong sumilip sa bintana para hindi ako makita ni Aling Pasing.Nakita ko siyang nakakunot ang noo at hinihimas ang noo niyang mamumula-mula at mukhang doon tumama ang tsinelas na hinagis ko.

Dahan-dahan din akong bumalik sa higaan.Okay na rin atleast tumahimik na.Pumikit na ako ulit para matulog.

"HETO AKO NGAYON NAG-IISAAAA ! NAGLALAKBAY SA GITNA NG DILIIIM!"

Napadilat na naman ako ulit nang may narinig akong kumakantang may pa piyok-piyok pa.

Si Ketong na naman etong kumakanta.Ke aga-agang mangharana kay Gracia.Hayp na yan!

Bumangon ako at lumingon sa kabilang bintana.Nakita kong nasa baba ng bahay si Ketong na kumakanta.Wala siyang dalang mic pero daig pa ng naka speaker ang bunganga niya.May pasayaw-sayaw at papikit-pikit pa ang kingina.Nakita ko ding yamot na sumilip sa bintana ang nanay ni Gracia na si Aling Myrna.Nagkakamot pa ito at mukhang kakagising lang.Nang makita niyang si Ketong na naman ang kumakanta eh agad itong bumalik sa loob.

Alam ko na ang gagawin neto hehehe.Lagot ka na naman Ketong

"HETO AKOOOOOO BASANG-BASA SA ULA---IHI!IHI NA NAMAN! Aling Pasing naman! Bat niyo na naman ako binuhusan ng arinola niyo!" Sabi ni Ketong na basang-basa na ngayon.Pano eh binuhusan na naman siya ng arinolang punum-puno ng ihi hahahaha.LT talaga to ,araw-araw nag uurine bath.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bulletproof Boys: The BeginningWhere stories live. Discover now