Exchanged (One Shot Christmas Story)

465 12 3
  • Dedicated kay Jai-jai Merano
                                    

Merry Christmas(kahit late na)! :D I dedicate this story to my friend Jirah Lou Merano hahaha :D Please enjoy reading! ^^

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ 

Exchanged

by: Nanao13

Jingle Bells... Jingle Bells...

Haaay... it's that time of the year nanaman...

It's Christmas!

At heto ako ngayon, nakasakay sa jeep habang nakayakap sa sarili kong jacket dahil sa sobra sobrang lamig sa labas, at umuulan pa.

Ang alam ko talaga malamig ang Pasko dahil sa snow, hindi dahil sa naulan... Ganda naman kasi magtiming ng bagyo, yun pang malapit sa pasko.

Pero ayos na rin to, atleast may reason ako kung bakit ako malalate ng pasok sa klase... 

Habang umaandar ang jeep, naisip ko na lampas isang linggo na lang pala Christmas Party na... Hmm... Nakapagtataka dahil hindi pa nagbubunutan ng exchange gift.

-School-

Wala na halos tao sa hallway, late na nga talaga ako!

"Psst!" may nakinig akong nagsitsit sa likod. Naisip ko, ano ako aso?! May pangalan ako at hindi ako basta basta lilingon sa kung sinong mangsisitsit sa akin.

"Psst...!"

"PSSHHHT!!!" patuloy pa rin yung kung sino man yun sa pagsitsit. Lumingon na ako.

"ANU B-" natigilan ako ng makita ko kung sino yung sumisitsit.

":)" nakangiti lang syang tumingin sa akin.

"Aldrich?" nauutal kong tanong.

"Late ka na... :)" sabi nya.

"Ah.. ha..haha... oo nga, haha ikaw din kaya. :)" sabi ko sa kanya...

"Haha... parents needed na nga ako sa sobrang dami ng late ko." sabi nya.

"Haha..." at ayan... nagtawanan kami habang naglalakad... 

Haay... this feels like heaven. Ngayon ko lang nakausap ng ganito katagal si Aldrich. 

It feels like I've met him for four years... Oh wait, I have met him for four years... At sa apat na taon na iyon, matagal na akong nagkakagusto sa kanya ng patago...

Matangos ang ilong, maputi, matangkad, may shiny soft hair, ang ganda ng mata at ang kissable ng lips... San ka pa? Andito na sa harapan ko ang perfect package! Not only that, mabait sya, matalino, varsity at meron syang secret weeapon that just sweeps me off of my feet.

"Hahaha... ^_^" tumawa sya.

Ayan... ayan yun eh! Yung perfect smile nya. Haaay. Aldrich S. Racino, bakit ba hindi pwedeng akin ka na lang!?

"Honeeeeyyy! >.<"

..oh that's why...

Hahawakan ko na sana yung doorknob ng pinto ng classroom namin, pero may nagbukas nito mula sa loob, isang babae. Bigla nyang niyakap si Aldrich, pssh... oo, naiinggit ako. Pero wala akong magawa, dahil itong babaeng itong kayakap ng mahal ko, ay ang girlfriend nya.

"Ms. Cuencia and Mr. Racino, your late!" sabi nung advisor namin.

Pumasok na ako sa loob at pumunta sa seat ko para umupo.

"Haaayss..." buntong hininga ko.

"Psst... anong nakain mo, ayos ka lang?" tanong ni Gaven, isa sa best friend ko na katabi ko.

Exchanged (One Shot Christmas Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon