Prologue

5 0 0
                                    

"Sigurado ka ba kuya? Pwede naman na kitang tulungang mag-ayos. Wala na din naman akong gagawin maghapon at Sabado rin naman." Pangungulit ng aking nakababatang kapatid.

Kadarating lang namin sa parking lot ng aking condo building. Sinisigurado lang ng aking kapatid na di mahassle ang kanyang paboritong kuya.

"Oo nga. Kaya na ni kuya 'to." Sabay gulo sa buhok nito na kinabusangot nito. "At saka makipagdate ka nalang. Tanda-tanda mo na wala ka paring pinapakilalang girlfriend."

"Naku! Ayokong mag asawa kuya. Gusto kong masigurado ako ang forever na favorite tito ni Sunny. 'Di ba little sunshine?" Saka kinindatan ang nakangising anak ko.

"Oo naman po!" Magiliw na sagot nito.

---

"Papa! Papa!" Sumisigaw na lumapit saakin ang aking pitong-taon na anak ko hawak hawak ang isang litratong nakuha nya sa kumpol ng mga litratong nalagas mula sa isang photobook.

"Papa! Sino po ito? Kaibigan nyo po ba? Bakit hawig nyo po? Hindi naman po ikaw 'to kasi heto ka." Sabay turo sa litratong nakatalikod mula sakin.

Natawa na lamang ako sa kakulitan ng anak ko. Manang mana sa nanay.

"Patingin nga 'nak." sabi ko sabay marahan na kuha sa litrato.

Sunod sunod na bumalik saakin lahat ng alaala ng aking matamis na pagkabata pagkakita ko sa dalawang bata na laman ng litratong iyon.

Parehong may pagkatamis na ngiti at tila ayaw bitawan ang isa't isa mula sa pagkakayakap.

Napangiti akong muli.
At muling nasambit ang kanyang pangalan..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

By The End of Summer (Coming Soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon