Chapter 33: Christmas

9 1 0
                                    


Facebook- Iamsored Author
Twitter- @AuthorIamsored

--------

Breex's POV

"4"

"3"

"2"

"1"

"Merry Christmas My and Dy! I love you!" Niyakap ko sila my at dy. Ilang araw na ang lumipas at eto ako ngayon. Pilit kinakalimutan ang lahat pero masaya narin naman ako.

"Merry Christmas din by." Niyakap pa nila ako ng mahigpit.

"Paano naman si Milvan, anak? Haha" tiningnan ko si Milvan nang may ngiti. Oo nga pala, nandito ang ugok na yan dahil wala yung parents niya sa kanila. Nag out of town yata.

"Merry Christmas Van!" Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi.

"Merry Christmas din Bree. Sorry ha wala akong regalo. Gipit ako ngayon eeh." Umupo siya sa couch at nag de quatro.

"Asus. Kuripot ka lang talaga. Sige, wag na."  pumunta ako sa kusina para tulungan si my na maghanda. Si dy naman busy sa paghahalungkat ng mga regalo. Haha

Pagkatapos nung hindi masyadong magandang usapan namin ni Milvan nung nakaraang araw, humingi siya ng tawad sa akin at ayun..pinatawad ko rin naman. Sabi nga ni Leorevs 'open your heart'.

"Tawagin mo na si Milvan, ako na tatawag sa daddy mo."

Pumunta akong sala at ayun parin ang posisyon ng mokong pero nakapikit siya at ginawang unan ang braso niya. Hindi ako gumawa ng ingay hanggang sa makalapit na ako sa kanya.

"Milvan" mahinang tawag ko sa kanya. Yung parang anghel na boses--basta! HAHAHA

"Milvan" ulit ko. Mukhang hindi sanay sa puyatan ha. Parang hindi naman college student.

Aha! Tingnan ko nga kung may kiliti tong lalakeng toh. Mwahahaha, Unti-unti kong nilapit ang kamay ko sa tigiliran niya nang biglang siyang namulat, lumaki ang mata at bibig ko.

"HAHAHAHAHAHA--Milvaaaaaan! HAHAHAHA" ako ang nabiktima ng kiliti niya. Kiniliti niya ako sa tagiliran hanggang sa napahiga narin ako sa couch.

"M-Hahahahaha--wag diyan! KyaaaaaHAHAHAHAHAHA!" Kiniliti niya ang paanan ko. Langhiyang Milvan to!

"May balak ka pala sa akin ha! HAHAHA. Yan!" Sabi niya habang patuloy na kinikiliti parin ako. Halos maubusan na ako ng hininga ng tumigil siya.

"Hoo! Grabe ka naman Milvan. Balak mo ba akong patayin?! Paskong-pasko ooh. Panira to." Sabi ko sabay irap sa kanya.

Umayos ako sa pagkakaupo, pati rin siya. Medyo umisog siya ng konti palapit sa akin. "Kain na raw. Kanina pa sina my at dy dun."

"Tara. Gutom narin ako, napagod ako sa pagkiliti sayo eeh. Ang dami mo palang soft sides. HAHAHA." Hinampas ko siya sa braso. "Langhiya ka! Umayos ka ha! Tumayo ka na diyan!"

Kinuha ko yung kamay niya at hinila siya pero ang mokong nagpapahila talaga. "Ang bigat mo kaya! Biliis naaaa!" Hinila ko pa siya with extra force. Anong bang trip nito?!

"Bahala ka diyan, kung ayaw mong kumain--edi wag! Che!" Lumayas na ako sa harap niya. Umupo na ako sa dining table, nagtatawanan sina my at dy.

"Ang saya natin aah." Sabi ko sa kanila.

"Baka ikaw ang dapat kong tanungin niyan. Ang saya-saya niyo ni Milvan kanina aah? HAHA" sabi ni daddy. Kung makatanong to parang teenager din. For their information, magulang ko sila! As in parents.

The Love I've WaitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon