Prologue

961 24 7
                                    

Prologue

My typical love story called 'cyber love' started, when I was reading a wattpad story. 

Sa kaadikan ko sa wattpad, ayan. Nadamay tuloy ang facebook ko. Paano? Yung author kasi na binabasa kong story pinapa-join ang readers niya sa isang grupo sa facebook para mas maging close kaming lahat na mga readers niya.

I clicked the link of the facebook group and unexpectedly, ang dami nang nakajoin sa group.

Naexcite at kinabahan ako ng iaccept ng admin ang request ko sa pagsali sa grupo.  Naeexcite ako kasi marami akong bagong kaibigan na makikilala at yung iba pa ay kapareho kong reader. 

Kinakabahan ako kasi baka hindi nila ako pansinin kasi newbie lang ako. 

So yea', I was in the middle of my scrolling ng makakita ako ng isang post. Isang post ng character sa story. Yung bida na crush na crush ko. 

Ni-like ko agad yung post at mukhang malungkot yung post na pinost niya. Nagpapaalam siya sa kapartner nito sa story.  

I was confused by the words used by the members.

What the heck is a handler? 

Tumingin agad ako sa gilid ng chatbox ko at chinat ang bestfriend ko

Me: Psst! What's handler? Alam mo kung ano yun?

Alesha: Don't tell me hindi ka nagbabasa ng wattpad?

Me: Duh, Alesha! I read wattpad stories pero sumali ako sa grupo ng isang story na binabasa ko at nakakita ako ng mga handler handler word dun. 

Alesha: Eto naman joke lang! Okay let me define. Sa wattpad kasi diba may mga characters? So yung nagpapagalaw ng mga characters na yun ay tao. So iba sila sa real humans. 

Me: So, member lang rin ng grupo yung nagpapatakbo nung mga characters?

Alesha: Yea'! Handler ang tawag nila dun. Try mo siya. I-po-portray mo lang naman ng tama yung character na hinahandle mo. 

Me: Wait.. Do you mean aarte ako na kunware, ako si Farrah ng Real or Reel? Ganun ba?

Alesha: Ahuh! Exactly. Alam mo na ba? Magla-log out na ako?

Me: Oo, sige thanks nga pala. Bye! 

Then she's off. 

I sighed at cinlick ko ang grupo ng facebook na 'yon. 

I saw the pinned post. Nakalagay na hiring handlers daw sila... Nilike ko muna iyon at pinag-isipan kung sasali ba ako. 

I shrugged, mukhang masaya naman. 

Belly Trini

So sad naman, kailangang umalis ng handler ni Farrah Sanchez for her studies. Ayt! Anyway hiring tayo ng new handler niya! 

Here's the instruction to be her handler;

Pick a line from the story and explain it. I-PM n'yo sa akin at 'wag icomment. 

So ang rule ay simple lang, can portray the role of Farrah. 'Yun lang naman ang info. So hiring starts now! 

69 Likes - 96 Comments


Nataranta ako bigla! Dali dali kong binasa ulit ang story at pumili ng isang line. Pinag isipan kong mabuti ang isasagot ko tsaka ko sinend. Mahirap na! Maraming kalaban. 

I sent it to the admin. In-off ko na ang laptop ko at inaantok na 'ko. 

Humiga ako sa kama at humikab.  "Looks like we have a summer job, Andrea." I said to myself before going to sleep. 

Real or Reel?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon