*Ellyce*
"Dredd."
Shet! Dredd bakit ngayon ka pa dumating?! Naguusap pa kami e! Panira ka nman! Paano na yan? Nakakaawkward nman ang sitwasyon namin!
Hanggang ngayon nagtitinginan pa silang dalawa. Si ate nakatitig ng masama. Si Dredd naman, napakakalmado lang.
"Pwede ba akong pumasok?" Tanong ni Dredd
"Kung hindi, may magagawa ka?" Tanong ni ate
"Hindi ikaw ang tinatanong ko, Liliah kundi si Ellyce." Maangas na sagot ni Dredd. Shet Dredd pwede bukas ka na? Pinapalala mo lang e!
"Kung sinabi niyang hindi, makakaalis ka na?" Sagot pa rin ni ate
"Kung sinabi niyang oo, tatahimik ka na?" Sagot na naman ni Dredd. Ang galing niyang sumagot ah! Dirediretso walang preno!
"Kahit oo o hindi ang sasabihin ni Ellyce wala ka pa ring karapatan, kaya makakaalis ka na." Sumbat ni ate
"E di hindi na ako papasok, palabasin mo na lang si Ellyce para makapagusap kami." Sagot ni Dredd
"Dredd alam mo ba ang salitang respeto? 16 yrs old pa lang yang kapatid ko! 18 yrs old ka na at nasa kolehiyo! Wala ka na bang hiya na pagkatapos mong patusin yung bestfriend ko ay kapatid ko naman ang gusto mong patusin?!" Sigaw ni ate
Okay ito na talaga ang kinakatakot ko yang mapunta tayo sa usapan na yan
"So it's about Lara again, right? 2 years na kaming hiwalay get over it already! Hindi pa ba nakakamove-on yang bestfriend mo?" Sabi ni Dredd.
"Kasalanan mong lahat! At kung gagawin mo pa ulit yun pls lng wag sa kapatid ko!" Sagot ni ate. Pagkatapos tumingin si ate sa akin. "At ikaw pagkatapos ng paguusap na to huwag na wag ka nang makikipagusap sa kanya!" Saka siya nagwalk-out.
Tiningnan ko si Dredd at nakangisi pa talaga to. Tinulak ko siya palabas ng bahay.
"Dredd bakit ka ba pumunta dito?" Bungad na tanong ko sa kanya.
"Para bisitahin ka."
Shet! Simpleng sagot lng yun nkakakilig na!
"Pwes, wrong timing ka! Pwede bang bumalik ka na lang sa ibang araw?"
"Pagbalik ko ba sasabihin mo ring mahal mo ko?"
"Che! Alis ka na dali!"
At syempre, umalis na siya alam nman niyang magagalit ako kapag hindi pa siya umalis.
.
.
.
.
Tama pa ba ito? Alam kong nsa plano na ito pero, parang ayoko na siyang saktan pa.
Pero siya, Kulang pa yan.
BINABASA MO ANG
Bakit BITTER sila sa Forever?
Teen Fiction"Inosente pa ako..." "Inosente sa pag-ibig." Never pa akong nagkaboyfriend. So what? Trophy ba yan? Ang magkaboyfriend? At least ako, hndi ako gaya ng iba. Hindi ako mabilis lumandi, At inuuna ko ang pag-aaral ko. Nung una may iisa lang akong tanong...