*Liliah*
Iniwan ko na silang dalawa dun. Bka masampal ko ng di oras ang gagong yun.
Pagkatapos niyang saktan si Lara, si Ellyce na rin?!
Sino ang susunod na bibiktimahin niya?
Siguraduhin lang ni Ellyce na iiwasan na niya si Dredd dahil kung hindi hay naku, baka mappatay ko yung lalaki na yun.
One text message received
Naku si Lara nagtxt!
From: Lalaralara
Alam niyo ba kung bakit ang bola ay korteng bilog at hindi korteng puso?
Kasi gustong ipaalam sa manlalaro na ang mga puso ay hindi pinaglalaruan, hindi pinagpapasapasahan at dapat ipagpatuloy pa rin ang laban kahit nanlalamig na ang laro.Sana nabasa mo to bago mo ako saktan!
.
.
.
Hi! Sino pwedeng katext dyan?
#Huhuhugot
#mgaplayerGroupMessage
Kita niyo na? Hugot na naman ang babaeng ito. Madalas ko nang sabihin sa kanyang wag na siyang mgpakabitter kasi nga matagal naman na sila break ng ex niya. At hindi pa naman siya nakakamoveon. Haay. Sabi ko nga sa kanya forget her stupid ex and get on to her life. Pero sagot niya sa akin,
"Hindi mo pa kasi nararamdaman kaya ganyan ka. Once you felt this, kakainin mo lahat ng sinabi mo."
EH DI WOW
Matextan nga
To: Lalaralara
Ang bola normal lang na pinaglalaruan. Kaya wag ka ng magtaka kung bakit ka nasaktan!
Sent
One text message received
Ang bilis nman kakasend ko lang e!
Sana nman hindi naman na si Lara ito na humuhugot! Pagod na ako sa bitter quotes!
Ay si Trixie pala.
From: Three-ksi
Lunes nang ika'y unang nakita,
Martes nang tayong nagkakilala
Miyerkules ika'y aking nakasama,Huwebes nang sayo ako'y umasa
Biyernes akala ko'y tayo na
Sabado ako'y di mo pinansin
Linggo may nililigawan ka pa lang iba!
Sino ba ako para magalit?
Sino ba ako para magselos?
Sana di mo na lang ako pinaasa at sana hindi rin ako naging tanga!
.
.
.
#ForgetYourCrush
#AngHirap

BINABASA MO ANG
Bakit BITTER sila sa Forever?
Teen Fiction"Inosente pa ako..." "Inosente sa pag-ibig." Never pa akong nagkaboyfriend. So what? Trophy ba yan? Ang magkaboyfriend? At least ako, hndi ako gaya ng iba. Hindi ako mabilis lumandi, At inuuna ko ang pag-aaral ko. Nung una may iisa lang akong tanong...