[Vanessa's PoV]
Ilang buwan ay tatanggap na ako ng diploma and it's so nice na naka survive ako sa highschool life. Grabe akala ko talaga hindi na matatapos ito pero I know mas marami pa akong susuongin na problema sa college life.
Sandali lang, nasan pala ang barkada?
ay baka nasa canteen lang and im sure may bagong chika na naman iyon.
makapaglakad na nga lang patungong canteen at ng maka chika narin kung ano ang bago.
-sa canteen-
"hey guys, so what's new?" kumuha ako ng upuan at tumabi sa kanila.
Want me to introduce my friends to you? 'Wag nalang at baka humaba pa ang story na ito.
"new ba kamo?" - Lovely. That is one of my barkada.
"yes, don't tell me wala kayong bagong chika?"
"of course we have!"- Kate.
"have you heard that KN and Jean already broke up?"- Grace.
KN and Jean? Broke up? pero bagong lovers palang sila. It's like hindi pa nga sila umaabot ng 1 month eh tapos ngayon break na. Mga tao talaga, parang laro lang sa kanila ang pakikipag relasyon.
"so Vans, it's your time to shine!"- Kai.
kumunot ang itsura ko sa narinig ko. ha? ano raw? my time to shine? ano ba ang pinagsasabi ng mga taong ito? Eh sa graduation day pa ang time ko para mag shine sa parents ko.
"anong time to shine eh malayo pa naman ang graduation day" saad ko sa kanila
"like duh , at talagang magpapakainosente ka sa tanong mong yan?"- Niza
Well, actually matagal ko ng gusto si KN. I think it was 1st year high school ng magkagusto ako sa kanya pero what can I do? eh parating my girlfriend :3
"oo nga girl, wala na tayo sa panahon ni Maria Clara na hihintayin ang lalakeng unang gumawa ng move"- Kai
"gaga! ginawa niyo naman akong desperada sa lagay na yan"
"ayy wait. I have an idea. bakit di mo nalang yayain si KN na maging date mo this coming Seniors' Night?"- Lovely
Date? Sa Seniors' Night? Impossible ata mangyari yun. Napakahaba ng linya ng mga babaeng gustong maka date si KN this Seniors' Night. Siguro nga aasa nalang ako na hanggang tingin nalang ako sa kanya. Chos OA ko naman ata
"Great. Akong bahala magsabi kay KN na ikaw ang date niya this coming seniors' night tutal pinsan ko naman yun eh" - Jaya
Oh My Gulay talaga tung mga barkada ko!
"I'll call him right now para di na sya mag-aksaya ng oras pumili ng date"- Jaya
what? call him now?
"uyy 'wag nalang kaya pwede naman ako humanap ng ibang date eh. nakakahiya lang talaga" pilit kong inaagaw ang cellphone ni Jaya sa kanyang kamay pero pinipigilan nila ako :/
"Okay. It's ringing na...... hello KN? ... I know wala kapang date this seniors' night .... yeah, may irereto ako sayo .... ulol! may barkada ba akong pangit?! ... si Vanessa Santiago ... kilala mo sya? ... okay. Before out natin this afternoon puntahan mo kami sa tambayan nami , okay ciao"- Jaya
seryoso ba talaga yun?
"oh ano sabi girl?" - Kai
"okay daw. KN will be Vanessa's date this seniors' night"
BINABASA MO ANG
A Night to Remember
Short StoryA night to remember. Lahat naman siguro ng tao sa mundong ito may araw na napaka importante sa ating buhay. Minsan kasi isang pagkakataon lamang ang meron tayo at hindi na natin ito pwedeng balikan para ulitin muli. Kaya sa pagkakataong dumating ito...